Gamot na nakikita lang pala sa kusina

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas bigla tayong may nararamdaman sa katawan, ngunit malayo ang botika o wala pang pera. Di naman palaging kelangan gumastos agad para bumili ng gamot sa botika o komunsulta agad sa doctor. Minsan, kapag di naman malala ang sakit sa umpisa, baka andyan lang pala makikita sa kusina mo ang gamot.
 
Mula sinaunang panahon, may mga sangkap sa ating kusina na mistulang gamot, ngunit madalas binabalewala lang natin ang mga ito at di pinapansin. Pero napatanuyan na ng siyensiya na mayroon ring bisa ang mga ito sa iilang sakit.
 
Narito iilang halamang gamot na makikita lang sa kusina:

Baking Soda
-         Maaaring makatulong ang baking soda sa pagpaginhawa ng mga kagat ng surot o insekto. Lagyan ng isang patak ng tubig ang isang kutsarang baking soda, at ipahid sa apektadong lugar.
-         Maaaring makatulong ang baking soda sa pagpaginhawa at sa paghilom ng singaw. Haluin ang isang kutsaritang baking soda sa kalahating tasang maligamgam na tubig. Imumog ito ng mga 1 minuto.
-         Nakakatanggal rin ito ng dumi sa ngipin, dahil may sangkap ito na panlaban ng mikrobyo. Nakakaputi rin ng ngipin ang baking soda, kaya’t may mga toothpaste na may halo nito. Patakan ng tubig ang isang kutsaritang baking soda at gawin itong toothpaste bago magsipilyo.
 
Luya
Nakakatulong sa pananakit ng lalamunan at ubo, dahil meron itong anti-inflammatory properties at sangkap na panlaban sa pagdami ng mga bacteria at mikrobyo.
Nakakatulong din sa pananakit ng tiyan o di matunawan.
Nakakatulong sa pananakit ng ulo o migraines
Hiwain ng maliliit na pirasong luya at nguyain ang ilang piraso at sipsipin. Maaari ring itong lunukin o iluwa ang natirang laman.
Bawang
-         Base sa ilang pagaaaral, nakakapagpalakas ng immune system ang garlic, kaya’t nalalabanan nito ang mga sakit tulad ng sipon.
-         Base rin sa pagaaaral, nakakababa ang bawang ng blood pressure, na sanhi ng atake sa puso at stroke.
-         Nakakababa rin ang bawang ng antas ng kolesterol sa katawan, para sa mga taong may high cholesterol.
-         Balatan ang bawang at pisain o dikdikin ito at kainin.
 
Calamansi
Nakakatulong ang calamansi o lemon na panlunas sa ubo, dahil meron itong anti-inflammatory properties. Maaaring ihalo ang isang pirasong calamansi sa tsaa, tsaka inumin, para di masyado matapang.
Nakakatulong rin ang paginom ng kaunting calamansi na hinalo sa tubig sa pagprotekta ng sakit sa tiyan, tulad ng ulcer.
Nakakatulong rin ang calamansi sa pagpapanatili ng balanse ng tubig at mineral sa katawan.
Mayroong anti-oxidants, na nakakatulong maiwasan ang sakit sa puso at cancer.
Turmeric o Luyang Dilaw
-         May anti-inflammatory effects ang turmeric na nakakabawas ng pamamaga at pananakit ng katawan, tulad ng kasukasuan.
-         Nakakalinis din ito ng daluyan ng paghinga, at malabanan ang impeksiyon tulad ng ubo’t sipon.
-         May ilang pagaaral din nakakapagginhawa ang luyang dilaw ng menstrual cramps o pananakit ng puson kapag may regla.
 
Honey o Pulot
Pampalakas ng resistensiya o immune system
Meron itong antioxidant properties, na nakakatulong maiwasan ang mga sakit.
Maaaring gamitin panlunas sa ubo. Haluin ang isa o dalawang kutsara ng honey sa maligamgam na tubig at inumin.
Nakakatulong rin ang pulot sa mga sugat at nasunog na balat. Maglagay ng kaunti honey sa malinis na tela o gauze bago itapal sa sugat. Siguraduhing malinis ang kamay at tela. Ngunit mas mabuting gumamit ng medical grade honey na sterilized.
Apple Cider Vinegar
-         Nakakaginhawa ng mga kagat ng lamok o insketo o sunburn at nakakabawas ito ng hapdi. Pahiran ng isang patak ng apple cider vinegar sa apektadong lugar. Ngunit kung may iritasyon, tigilan ang paggamit nito.
-         Nakakababa ng blood sugar level ang apple cider vinegar, ayon sa iilang pagaaral. Ihalo ang isang kutsaritang vinegar sa isang basong tubig at inumin.
-         Nabibili ang Apple Cider Vinegar sa mga supermarkets at groceries.
 
Chamomile Tea
-         Base sa ilang pagaaral, nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain ang chamomile tea. May pagaaral din na nagsasabing nakakatulong ito maiwasan ang stomach acidity at pagkaroon ng ulcer sa tiyan, dahil napipigilan nito ang pagtubo ng bacteria sa tiyan.
-         Nakakatulong din daw ang chamomile tea na pababain ang blood sugar level, dahil prinoprotektahan nito ang lapay na nagbabalanse sa ating blood sugar level.
-         May mga pagaaral din na nagsasabing nakakabawas ang chamomile tea ng pagkabalisa at pagaalala, dahil meron itong sangkap na apigenin na nakakapagpakalma.
-         Mayaman din sa anti-oxidants ang chamomile tea na nakakabawas ng tsansang magkaroon ng cancer.
 
Olive Oil
-         Base sa pagaaral, nakakatulong ang olive oil sa pagpapaginhawa ng rheumatoid arthritis o pananakit ng kasukasuan
-         Nakakatulong rin ito na panlaban sa mga bacteria sa tiyan tulad ng H.Pylori na nakakasanhi ng ulcer.
-         Mayroon itong monounsaturated fats ang olive oil na nakakatulong maiwasan ang sakit sa puso
-         Nakakatulong rin maprotektahan ang katawan laban sa Type 2-Diabetes
 
 
Gatas o Milk
Mayaman sa protina, calcium at phosphorus ang gatas, kaya’t nakakatulong ito na maiwasan ang osteoporosis o pagiging marupok ng buto. Nakakapagpatibay rin ang gatas sa ating immune system.
 
Mayroong mga gamot na kelangan dapat palaging meron tayong stock sa kusina, dahil mahalaga mga ito tuwing emergency. Ang iilan ay mga natural na gamot lamang na sangkap na panluto. Ang iba naman ay mga over the counter medicines, o mga gamot na di kelangan ng reseta ng doctor.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.