Ikaw ba ay biglang natapilok, nabalian, o namaga ang paa o ibang parte ng katawan? Wag mag-alala at meron gamot dito. Kilala nyo ba ang puno na tuba-tuba? Alam niyo ba na isa ito sa makapangyarihan gamot at kalimitang ginagamit sa probinsya? Ito rin ay kinilala ng Department oh Health o DOH na herbal medicine sa Pinas.
Para sa mga di nakakaalam nito, narito ang mga gamit na gamot ng dahon ng tuba-tuba:
1. Gamot sa Namamaga, naipit na ugat, tapilok o sprain sa paa o saan mang bahagi ng katawan - Marami ng nagpatunay na ang dahon ng tuba-tuba ay nakakapagpagaling ng pamamaga o sa mga nahirapan maglakad. Ito ay nakakabawas sa sakit na nararamdaman lalo na kung nabalian. Paano ito gamitin? Kumuha ng dahon ng tuba-tuba at siguraduhing masasakop ng buo ang namamagang parte ng katawan. Hugasan ang dahon ng mabuti, pagkatapos ay initin ng bahagya. Maari ilagay sa ibabaw ng takip ng sinaing, sunugin ng bahagya sa kandila, microwave ng 5 segundo. Siguraduhin na ito ay mainit-init, pero wag naman sobrang init ha na pwede ng mapaso ang balat. Ilagay ito sa parte na masakit, at talian ng malinis na tela para di matanggal. Gawin ito gabi2 bago matulog hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman.
2. Rayuma at impeksyon sa balat - Kapag nakakaramdam ng rayuma at pangangati ng balat, maglagay lamang ng mainit-init na dahon ng tubatuba sa parteng masakit o makati. Ibabad ito ng magdamag. Pinapaniwalaang may taglay ito na anti-inflammatory, antimicrobial, at analgesic properties.
Hindi lang mamga bali at pamamaga ang gamot nito kundi madami pa. Marami naniniwala lalo na sa probinsya na nakakagamot din ang katas ng tuba tuba sa cancer, high blood pressure, diabetes, pampalusog ng atay, at marami pang iba. Paano ito gamitin? Ilaga ang dahon ng Tuba-tuba. Kapag kumulo, palamigin at saka inumin.
Sa kabilang banda kahit na pinapaniwalaan itong marami benepisyo, mabuti pa ring mag-ingat at Sa kabilang banda kahit na pinapaniwalaan itong marami benepisyo, mabuti pa ring mag-ingat pagpatingin sa doktor kapag nakakaramdam ng kakaiba sa sarili.