Gamot sa Anemic o Kulang sa Dugo: Ano Pagkain panlaban sa iron-deficiency o Anemia? Pandagdag ng Dugo

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas natin marinig mga nagrereklamo na nahihilo, palaging pagod o namumutla. At madalas lang natin di pinapansin itong mga nararamdaman, dahil abala tayo sa mga gawain, trabaho at responsibilidad. Ngunit di natin alam na maaaring palatandaan ng pagkapagod, pagkahilo at pagiging maputla ang anemia o kakulangan sa dugo.
 
Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mamamayan ay may kakulangan sa dugo base sa pagaaral. Karamihan nito ay mga bata at mga babae na kulang sa iron o may tinatawag na iron-deficiency.

Sa umpisa, madalas binabalewala lang ng iba itong mga sintomas. Ngunit sa katagalan, maaaring lumala at makaapekto ito sa ating gawain.
 
Kapag natukoy na anemic o may anemia dulot ng iron-deficiency, may mga pagkain na tila gamot na makakatulong mapabilis tumaas ang antas ng iron sa katawan.
 
Narito mga pagkaing panlaban sa kakulangan sa dugo o anemia dulot ng iron-deficiency:
 
1. Mani – mayaman sa iron ang mga mani, na nakakatulong panlaban sa anemia. Sa mga vegetarian o di kumakain ng karne, magandang alternatibo ang mani.
 
2. Buto ng kalabasa – Di lang masarap at nakakaaliw kumain ng buto ng kalabasa, kundi mayaman din ito sa iron. Hinahalo din ang laman ng buto ng kalabasa sa mga pagkain, para pampasarap. Maganda rin ang buto ng kalabasa para sa mga vegetarian, bilang kapalit sa mga karne na mayaman sa iron.
 
3. Laman loob ng hayop – Mayaman sa iron at vitamin B12 ang atay ng hayop tulad ng chicken liver, kaya’t isa ito sa mabisang makatulong sa kakulangan ng dugo. Ngunit kelangan ingatan ang sobrang pagkain nito, dahil may mga panganib din ang sobrang pagkain ng laman loob tulad ng atay. Mabuti ring magtanong muna sa doktor, bago damihan ang pagkain ng lamang loob.
 
4. Vitamin C – Mabuti ang vitamin C sa mga may kakulangan sa iron, dahil nakakatulong ang vitamin C na masipsip ang iron sa katawan. Halimbawa ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C ang kalamansi at suha. Sa mga gulay naman, mayaman sa vitamin C ang kamatis at broccoli.
 
5. Seafood – Karamihan ng mga isda ay mayaman sa iron, tulad ng tuna at sardinas. Kasama na rin dito ang mga shellfish tulad ng talaba at hipon.
 
Bagamat pinakakaraniwan klase ng anemia ang iron deficiency, mayroon ding ibang klaseng anemia na maaaring sanhi, katulad ng kakulangan sa bitamina, may pamamaga o inflammation sa katawan dulot ng mga sakit tulad ng cancer o HIV, anemia na minana o anemia dulot ng sakit sa buto.  
 
Kadalasang natutukoy kung may anemia ang isang tao sa pamamagitan ng blood test, tulad ng CBC o complete blood count.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.