Gamot sa Babaero: Bakit nanlalamig siya sayo?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

May duda ka ba na nangangaliwa o may ibang babae ang iyong asawa? Nawawala na ba ang dating magandang samahan ninyong mag-jowa? Mukang nanlalamig ba siya? Pwes, baka may solusyon pa, para kiligin ulit siya sa iyo.

Minsan baka may rason kung bakit nababaling atensyon niya sa ibang babae.
Narito ang mga mistulang gamot na pwedeng gamitin para maiwasang maging babaero ang lalake, at baka bumalik pa ang tamis ng inyong samahan:

1. Pagkaroon ng oras – Ang pinakaunang dapat matutunan ay ang pagkaroon ng oras sa isa’t isa. Hindi sapat na magkasama kayo sa iisang bubong o natutulog ng magkatabi. Ang makapag bonding at makapag usap ay malaking bagay, makakatulong din ang paglabas para manuod ng sine o pamamasyal sa park o mall.

2. Pakikipag-usap – Magandang pinag uusapan ang mga bagay kapag may sama ng loob. Magiging prangka sa kapareha, huwag mahiyang magsalita. Lahat ng ayaw mo sa kanya ay mas maiging sabihin dito. Tanungin mo din kung ano ang mga bagay o ginagawa mo na ayaw niya at sa ganun ay alam mo.

3. Oras ng pag tulog – Huwag mong dalhin ang mga problema o mga bills o bayarin kapag kayo ay matutulog na. Iwasang ding magdala ng mga gadgets gaya ng cellphone, laptap, o ipad sa kama. Imbes na cellphone ang atupagin, lambingin na lang ang asawa, ngunit siguraduhing fresh at mabango.

4. Matutong mag-ayos – Karamihan sa atin pagkatapos ikasal o matagal ng ikinasal ay wala ng pakiaalam sa sarili. Hindi na nag aabala pang mag-ayos. Padagdag ng padagdag lamang ang timbang at hindi iniinda ang paglaki ng katawan. Kung isa ka sa mga binanggit, kinakailangang baguhin ang sarili. Kapag umaalis kayo ng asawa, magdamit at mag ayos na parang unang date nyo pa lang, laging itrato ng espesyal ang inyong lakad. At para na din ma-impress at ipagmalaki ng asawa o partner. Ngunit wag naman yung sobrang ayos na ayos ka yun pala mamalengke ka lang naman pala.

5. Pa-sorpresa – Maganda ding magbigay ng regalo o love notes sa asawa. Sikaping magkaroon ng sorpresa sa partner, kahit maliit na bagay lang. Dahil nakakatulong din ito sa pagpapatibay ng pundasyon bilang mag-asawa.


6. Pagkaroon ng bakasyon – Planuhin ang inyong bakasyong mag-asawa, siguraduhin lang na dala ang mga kakailanganin sa pupuntahan para walang away. Humanap kayo ng beach kung saan pwede kayong magparty, na parang bago pa lang nagkakilala. Pagusapan din ang masasayang alaalang noong bago pa.  Kapag pareho kayong sumaya sa bakasyon, kusang manunumbalik ang pagmamahalan ng isa’t isa.

7. Kapalagayan ng loob – Kung pareho kayong walang trabaho o libre sa araw na ‘yon, subukan nyong mag-usap sa kama o sa sala ng kayo lang. Subukang magtanung ng kahit na ano sa bawat isa, upang mas lalo pang makilala ang asawa. Iwasang makaramdam ng hiya o pagkailang, alamin sa asawa ang mga dating kalokohang ginagawa o subukang ikwento sa asawa ang mga dating karanasan.   
 
Madalas nawawala na ang kilig dahil hindi na parehong marunong magpakumbaba sa isa’t isa. Pareho nilang nate-take for granted ang bawat isa, ngunit kung kelan hiwalay na saka pa lang marealize na mahal na mahal pala nila ang bawat isa. Kaya hanggang maaga pa lang, gumawa na ng aksyon para di magsisi sa huli.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)