Gamot sa Sobrang Pagiisip at Pagaalala: Paano mapigilan ang praning at tamang hinala

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahigit kalahati daw ng pagaalala natin ay hind naman daw nangyayari, ayon sa pagaaral.
 
Normal lang naman na nagaalala ng konti, dahil nakakatulong ito para maging alisto at handa tayo sa ating plano. Ngunit kapag napasobra, di lang sayang sa oras at enerhiya, kundi makakasama rin ito sa kalusugan, tulad ng high blood pressure, insomnia na maaaring lumala at humantong sa sakit sa bato at sakit sa puso.

Kaya’t mahalagang malaman kung paano mapigilan ang pagaalala, para hindi rin magkaroon ng problema sa pagiisip. Siyempre malaking tulong ang pagdasal, ngunit ika nga e: “God helps those who help themselves.” Dahil ang sobrang pagiisip ay maaaring dulot ng problema sa pagiisip tulad ng anxiety disorder, na kelangan ng konsulta ng doktor.
 
Pwera dito, may mga hakbang na maaaring sundin upang malunasan ang sobrang pagiisip at pagka-praning. Mahalagang malaman ang maaaring gawin upang maiwasan ang sobrang pagiisip, na nakakasagabal na sa ating gawain.
 
Narito ang iilang hakbang at pwedeng gawin upang mapigilan ang sobrang pagiisip:
 
HUMINGA NG MALALIM
Kapag tayo ay ninenerbiyos at nababahala, posible tayong makaramdam ng pananakit at paninikip sa ating dibdib o kahirapan sa paghinga.
 
Subukang huminga ng malalim ng dahan-dahan at paulit-ulit hanggang maging regular ang pagtibok ng iyong puso at mabawasan ang paninikip ng dibdib. Nakakatulong rin ito kapag nahihirapan kang matulog dulot ng labis na pag-aalala.
 
ILABAS ANG SALOOBIN SA MGA KAIBIGAN O MAHAL SA BUHAY
Isa sa mga nagpapalala ng ating pagka-praning ay ang pagkimkim o pagsasarili ng mga problemang nagdudulot ng ating mga pangamba. Nakakatulong ang pakikipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan natin tungkol sa mga ito.
 
Madalas, ang nagdudulot sa atin ng mga pangamba ay ang mga problemang pinapalaki lamang ng ating malawak na imahinasyon at labis-labis na emosyon. Kapag maibahagi natin ang mga ito sa ating mga kaibigan o kapamilya, maaari silang makapigbigay ng positibo at makabagong perspektibo na hindi natin nakikita dahil tayo ay naka pokus lamang tayo sa ating negatibong pananaw.
 
MAGPASALAMAT SA MGA BIYAYA NA MERON KA
Kapag paulit-ulit nating iniisip ang ating mga problema, mas lalo tayong kinakabahan at naprapraning. Subukang magpahinga sa pagpuna ng mga negatibong ideya at palitan ito ng mga bagay na dapat pagpasalamat. Nakakatulong ito upang mas mapagtanto mong may mga mabubuting bagay pa sa iyong buhay at hindi puro problema lamang; na meron kang dahilan upang maging masaya.
 
MEDITATION
Isang paraan upang maibsan ang kaba ay ang meditation o ang pagpapakalma ng isipan at pansamantalang paglimot ng mga gumugulo sa ating utak. Mas epektibo itong gawin sa tahimik na lugar kung saang walang maaring makadistorbo sa iyo. Halimbawa, pwedeng pumunta sa probinsiya o lugar na may kalikasan. Ginagawa ang meditation sa pagpikit ng mata at paghinga ng malalim para maging kalmado ang pagiisip.
 
KUMUNSULTA SA DOKTOR
Kung pakiramdam mo ay lumalala at napapadalas na ang iyong pag-aalala, wag mag alinlangang kumunsulta sa doctor o saykayatriko. May mga gamot para sa mga ganitong karamdaman. Ito ay tulad lang rin ng mga pisikal na sakit na pwedeng gamutin. 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.