Paano o ano ang dapat na gagawin para mapasa amin na ang lupa na kinatayuan ng bahay namin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nagkakaproblema po kami sa lupa. Year 1993 po kasi nagpatayo kami ng aking asawa sa lupang ipinamamana sa akin ng aking lola. Yung lupang iyon ay hindi pa naipangalan sa akin, sa pangalan pa rin po ng lola ko pero pinayagan po akong magpatayo ng bahay doon kasi nga po ipapamana din niya sa akin.

Hanggang sa taong 1996 nagdecide na po syang hati hatiin ang lupa niya sa aming magpipinsan. 500 square meter po ang hati ng bawat isa. Noong nasukat na po napag alaman namin na yung 1/4 ng bahay namin ay naipatayo sa dapat sana'y lupa ng aking pinsan nasa 100 square meters po ng lupa niya ang nakatayuan ng bahay namin.

Ngayon po sinabi namin sa pinsan ko na bayaran nalang sa kanya yung lupa niyang naisali sa pinagpatayuan namin ng bahay. Ang sabi niya po huwag na kasi hindi naman daw problema kasi magkakamag-anak lang naman. Eh sabi po ng mister ko baka sa future eh magkaproblema sa lupa kaya bayaran nalang. Ayaw pa rin po nila.

Taong 2005 po binabalak na nilang ibenta yung lupa nila kaya sinabi po naming kami nalang ang bibili. Ayaw po nila kasi daw po edi mas malaki na daw po yung ari arian namin kesa sa kanila. Mas gusto po nilang sa iba ibenta, pero hindi rin po nila binenta sa bandang huli.

Taong 2013 po may relatives kaming nakiusap sa kanila na makitira sa lupa nila kasi wala po silang matitirhan. Pinayagan naman po nila. Hanggang sa gusto na pong bilhin nung relatives namin yung lupa nila. Nagbigay po sila ng P20,000 na downpayment tapos nagpatayo na po sila ng bahay nila kahit hindi pa buong nababayaran. Tapos dalawang bahay na po kasi ang naipatayo namin sa lupa namin. Yung isa po gustong kunin bilang kapalit sa lupa niyang napatayuan ng bahay namin. Eh hindi naman po kami papayag kasi mas malaki po ang halaga ng bahay namin kesa sa halaga ng 100 square meters na lupa po niya.

Kung ayaw daw po namin eh ipagiba daw namin yung part ng isang bahay namin na naitayo sa lupa nila. Hindi rin po kami payag kasi nga po mas malaki din ang halaga ng nagastos namin sa bahay kaysa sa halaga ng lupa niya.

Paano po kaya ang dapat na gagawin para mapasaamin na po yung lupa nila na kinatayuan ng bahay namin,yung natitirang lupa nila ay yun lang daw po ang bibilhin nung relatives namin at hindi kasali yung nakuha naming lupa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa opinyon ko kung ang unang bahay mo ay naipatayo ng hindi mo pa alam kung ito pala ay kasali sa share ng pinsan maaring ikaw ay isang builder in good faith. Ayon sa ating batas the rights of the land owner against the builder in good faith ay maaring i appropriate/angkinin ang mga naitayo pagkatapos bayaran niya ang mga necessary/useful expenses or maaring obligahin ang builder para bilhin or pabayarin ng rent ang nagtayo kaya lang option ito ng land owner. As a builder in good faith naman you have the right to retain the land until ikaw ay mabayaran for your improvement or if the value of the land ay mas mahal pasa value ng improvement you are not obliged to buy instead you may pay the rent. Sinabi mong nakapagtayo na kayo ng dalawang bahay sa lupa ng pinsan mo. Kung yong 2nd house ay tinayo mo kahit alam mong hindi sa iyo sa lupa then you are a builder in bad faith already. Art. 449 of the Civil Code "He who builds, plants or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity." So maaring angkinin yan or ipademolish ng may ari na wala kang matatanggap magiging liable ka pa for damages sa ginawa mo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day Atty. Builder in bad faith po ba ung nakiuna ng mgpatayo sa lupang mamanahin kpg namatay na ang tunay na may ari? Ang bilas ko po kc ay nagpatayo ng bahay sa lupa na nakapangalan sa mr ko na pagmamayari ng byenan ko at ipinuwesto nya ang bahay sa gitna instead na sa gilid lng kabuuang lupa. ang original na pwesto na binibigay ng byenan ko eh sa gilid sa dulo ng lupa ngunit ayaw dw po nya ng may katabi kya sa tabing kalsada at gitna pa ang bahay nya. at sinabihan dn po sya na hintayin na ang mr ko dhl bka magkaproblema sa future. Ngyon na po ang future, at bilang panganay at taga finance ng lahat ng gastusin sa lupa at ng byenan ko, sa kanya po ba ung pinakaharap at tabi ng daan?
Leeza Bloucat
is a Freelancer in the Philippines
Atty., ung pangalawang bahay po na naipatayo ko ay sa lupa po namin, ung naunang bahay lang po ung 1/4 niya ay nakatayo sa lupa ng pinsan ko. Kaya po bilang kapalit ay gustong angkinin ng pinsan ko ung isang bahay na nakatayo sa lupa ko.
Leeza Bloucat
is a Freelancer in the Philippines
Eh 1/4 lang naman po ng lupa niya ang nakatayuan ng bahay namin, tapos po kung aangkinin niya ung isang bahay ko sa lupa ko mas malaki po yung value nia kasi house and lot ko na yun.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.