May kaalitang kapitbahay dahil sa pagtitinda

Anna Marie Arteza
is a Housewife in the Philippines

May kaalitan po akong kapitbahay dahil sa pagtitinda na diko naman po alam na may tinda din sya. Nagtitinda po ako almusal sa tapat namin meron din po bentelog (sinangag, itlog, hotdog).

Nung nalaman nya nagtitinda po ako nagalit sya at sinabi nya sa kapitbahay namin na magtitinda din sya kung anung meron sa paninda ko then ginaya din po nya lahat ng meron ako.

Binalewala ko po yun. Nagpalit ako ng ititinda ginaya ulit nya pero di parin ako kumikibobo kaso po sya sinisiraan napo ako sa mga batang bumibili sa katunayan may bata pa po syang nasampal dahill sa panghaharang na wag sakin bibili pero hinayaan kopo ulit nung nagpalit ako ng tinda meryenda naman at pinaglalako anak ko.. lagi po nyang pinadidilatan ng mata at one time pinaalis sya dun sa lugar kung san sya nag dedelivee,hinayaan ko parin po,ngayun po dumating binyag ng bunso ko chinismis nya po na papansin lang daw ako galing naman daw sa utang ang pinambinyag sa anak ko...sa sobrang inis kopo nun kasagsagan po na may okasyon pagod,puyat po ako nakapagpost po ako ng di maganda dahil bugso narin sa damdamin ko yun.. nabasa po nya sa post yjng inggetera,pakialamera at no.1 chismosa,simba simba pa di naman tinatamaan ng sermon ng pastor at banta po na ipapahuli ko yung pasugalan kung san dun sya naglalaro pero wala po nakaindicate na pangalan sadyang nagreact po sy.. ngayun po ako po dinemanda nya.. cyber libel daw po..nasa barangay palang po kaso pero ramdam po namin na danyos lang ang gusto nya kasi sbi nya sa isang kapitbahay namin magkakapera daw sya sakin... atty.gusto ko po sana malaman kung may laban po ba ako dito kung yung mga testigo ko po ay mga bata.tas ang ebidenysa nya print po ng post ko..kahit wala po pangalan.. sana po matulungan nyo ako.salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Isa sa mga elements ng libel ay the person libeled must be identified kahit pa sabihin nating hindi pinangalanan basta ang ibang tao na makabasa nito ay makakilala agad kung sino sya. In your case kung hindi naman makikilala ng ibang tao kung sino ang iyong sinisiraan maaring ito ang magiging defense mo. Maaring sabihin mo na hindi naman sya ang taong tinutukoy mo. Dapat tandaan huwag ninyong ibuhos sa social media anumang galit mayroon kayo sa ibang tao dahil you are risking yourself of liability.
Anna Marie Arteza
is a Housewife in the Philippines
Pero atty. kung yung post kopo bout sa bata na pangbubully nya,nagreact sya nireklamo po ako cyberlibel... ngayun po kinotra demanda ko sya ng child abuse...psychological abuse kasi natratrauma na po bata.. ang sabi ng dswd need ipa-trauma test yung bata kaya this week po sched ko po sya sa psychologist.... ang tanung ko po.. is ganito... malaki po ba tyansa na mabalewala ang kaso kong cyber libel kung may trauma talaga ang bata kasi ibig sabhn po nun e hindi ko siya sinsiraan ng puri kasi nga totoo po na binubully nya yung anak ko at may ebidensya galing pong doctor.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Well magagamit mo yang depensa na you are telling the truth and as parent kailangan mong ipagtanggol dahil may moral duty na gawin ito para ipaglaban ang iyong pamilya. However, cyber libel has its own elements pwede naman kasing ipangtanggol mo ang iyong anak sa ibang paraan
na hindi kailangan magsalita o isa publiko pa ito at sirain ang reputasyon ng iba sa pamamagitan ng media.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.