Paano matigilan ang panggugulo ng kabit?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May asawa po ako ngayon. Kasal na po kami at may 2 na ring anak. Mayroon siya dating kinakasama, may anak silang dalawa pero hindi sila kasal. Ang mga bata ay may sustento na. May bahay po kasi kaming isa binigay nalang namin sa kanya kasi may nag rerenta po kada buwan yon ang sustento ng mga bata ngayon. Yon po ang napag usapan sa PAO. Pero hanggang ngayon po ginugulo po kami ng dating kinakasama niya kahit na may pamilya na rin syang iba. Nag iiskandalo dito sa labas ng bahay namin at iba na ngayon ang kanyang nirereklamo. Hindi naman namin siya inaano parati po siyang nanggugulo sa amin. Minsan pinapabayaan ko na kahit ako ang legal na asawa hindi ko pinapatulan para hindi na lumaki ang gulo. Pero ngayon po parang sobra na po sya..bilang legal na asawa po gusto ko pong matahimik na ang pamilya ko kasi nakakahiya dito sa mga tao. Ano po b ang dapat kong gawin bilang legal na asawa at para tumigil na rin siya sa panggugulo sa pamilya ko. Sana po matulungan nyo po ako Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, poline

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
You can report to the office of the Police Station para may record siya in preparation kung gusto mo talagang kasuhan. You can also report sa Opisina ng inyong Barangay at mag usap kayo kon pwedeng maayos pa para naman lahat ay nakarecord. Kapag hindi talaga magkasundo at gusto mong kasuhan depende sa ginagawa niya humingi ka na lang ng certification to file action requirements kasi to sa pag file ng kaso. Kailangan mo ng mga ebidensya at witness para maestablish ang criminal case na ipapafile mo sa Office of the prosecutor po.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Salamat po rply...hindi po kasi ako yong tipo ng tao na mahilig sa iskandalo..ayaw ko rin ng gulo gusto ko po ng tahimik na pamilya..siguro kaya malakas ang loob niya dahil hindi din ako lumalaban pinapabayaan ko lang siya..peru ngayon po parang sobra na siya siguro tatahimik na po siya kung alam nyang may kakaharapin na cyang kaso..ano po sa tingin nyo..pinatawag na po namin siya sa barangay ngayong hapon po ang pag uusap namin 3pm July 31...para sa akin po kung makikipag ayos po kami alam ko pong mauuulit na naman ang ganitong sitwasyon namin kasi palagi na lang cyang ganyan..nanggugulo nga po sa pag sasama namin kahit may pamilya na rin po siya...kung sakali po ano po ba ang pwedeng kasong makaharap niya..yong latest na ginawa niya dito sa amin nong July 26 po..bigla po cyang pumunta dito sa amin nag sisigaw hinahamon kami biglang sinira ang bakod namin..binato niya asawa ko ng bato natamaan at nag sisigaw nag iskandalo po...ang ikinagagalit niya po eh bakit daw po gumawa kami ng bakod yon po hindi naman namin dinikit oh ginalaw yong bahay...kasi po yong bakod namin malapit lang sa bahay na may nag rerenta para sa sustento ng mga anak niya..ano pong kaso ang pwedeng mkaharap niya po..ang payo nyo po ay malaking tulong para amin.

Maraming salamat po.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maaring makasuhan po siya ng malicious mischief sa pagsira ng inyong bakod, grave oral defamation sa nga sinisigaw niya at physical injuries kung nasugatan husband po ninyo.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.