Gulay na nakakasama sa Kidney o Bato

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahalaga na bantayan ang uric acid level ng isang tao, dahil nakakasama ito sa kidney. Kapag mataas ang uric acid level ng isang tao, nahihirapan ang kidney na mailabas ang uric acid sa ihi. At kapag nangyari ito, maaaring bumuo at maging crystals ang uric acid, na pupunta sa kasukasuan, na nagreresulta sa pagkaroon ng gout o arthritis. Di lang ito masakit, kundi maaaring lumala at makadulot ng permanenteng pinsala sa buto at kasukasuan. Maaaring makasanhi rin ito ng ibang kidney disease at sakit sa puso.
&
Kaya’t importante na alam natin ang mga pagkain na pwede at dapat iwasang kainin, para maiwasang tumaas ang uric acid, at para maging malusog ang kidney.

Kapag mataas ang iyong uric acid, may mga gulay na dapat iwasan. Kahit na masustansya ang mga gulay, may mga gulay na nakakasama sa kidney, dahil nakakataas ang mga ito ng antas ng uric acid sa katawan.
 
Halimbawa ng mga ito ay:
Spinach - Di mapagkakaila na masarap at masustansya ang spinach sa katawan. Mayaman ito sa nutrients, minerals at fiber. Ngunit mataas ang nilalaman na oxalate ng spinach, na nakakasanhi ng calcium oxalate o kidney stones.
Nakakataas din ng uric acid levels ay mga kangkong, asparagus, peas at cauliflower.
 
Sa kabilang banda, mayroon din naman mga gulay na nakakabuti sa kidney na nakakatulong upang pababain ang uric acid levels. Halimbawa, ay mga kamatis, broccoli, cucumber (pipino), kalabasa at kintsay o celery.
 
Iwasan din ang mga red meat o pulang karne. Ang red meat ay ang mga karne na mapula kapag hilaw at parang kulay brown ang kulay. Halimbawa nito ay ang baboy at baka. Ang manok naman ay itinuturing na white meat, pwera sa hita, na mamula-mula, kaya’t ito ay itinuturing red meat. Nakakataas din ng uric acid ang sobrang paginom ng alak. Halimbawa, iwasan araw-arawin ang paginom ng alak, at limitahan sa dalawang boteng beer kada araw.
 
Ayon sa National Kidney Foundation sa Amerika, mahalaga din ang ehersisyo sa magandang pagandar ng kidney. Dahil nakakababa ang ehersisyo sa blood pressure, sa kolesterol at sa timbang. Nakakatulong din ito sa magandang pagtulog. Lahat ng ito ay nakakatulong na maging maayos ang pagtakbo ng kidney.
 
Upang malaman kung mataas ang iyong uric acid, maaaring magpakuha ng blood sample laboratory, at ipa-test ito kung ano ang antas ng iyong uric acid.
 
Pansamantala, maaaring uminom ng mas maraming tubig, na hindi bababa sa 8 basong tubig kada araw. Ngunit iwasan ang mga softdrinks na nakakasama.

Sources/References:
Mitchell, T., Kumar, P., Reddy, T., Wood, K. D., Knight, J., Assimos, D. G., & Holmes, R. P. (2019). Dietary oxalate and kidney stone formation. American journal of physiology. Renal physiology316(3), F409–F413. https://doi.org/10.1152/ajprenal.00373.2018

van Westing, A. C., Küpers, L. K., & Geleijnse, J. M. (2020). Diet and Kidney Function: a Literature Review. Current hypertension reports22(2), 14. https://doi.org/10.1007/s11906-020-1020-1

Kramer H. (2019). Diet and Chronic Kidney Disease. Advances in nutrition (Bethesda, Md.), 10(Suppl_4), S367–S379. https://doi.org/10.1093/advances/nmz011

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.