Halamang Gamot sa Kasukasuan, Tuhod, Buto, Rayuma, Arthritis

Medical Team
is a Medical expert in United States

Wag mamaliitin ang pananakit ng kasukasuan kahit bata pa, dahil 1 sa bawat 4 na tao ay nagkakaroon ng ngalay o rayuma pag dating ng 30 anyos. Sagabal din ito sa gawain, dahil milyon milyong tao ang hindi makapagtrabaho ng maayos at kumita ng pera, dahil dito.
Ang arthritis ay maituturing na isa sa pinakalaganap na sakit na tumatama sa mga Pilipino. Ang mga taong mayroong arthritis ay nakakaramdam ng matinding sakit sa kasu-kasuan. Sa pag-aaral na inilathala ng Philippine Journal of Allied Health Sciences noong 2020, tinatayang nasa 10 milyong Pilipino ang mayroong arthritis. Ang bilang na ito ang maaring dumoble sa susunod na 25 taon [6].

Maraming nabibiling gamot upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan subalit ilan sa mga ito ay may naiuulat na side effects. Kaya maraming gumagamit na lang ng mga halamang-gamot dahil epektibo na, abot-kaya pa at nakikita lang sa ating mga bakuran.
Narito mga halamang gamot sa kasukasuan:
1.     Aloe vera - Nilalagay ang gel galing sa dahon ng aloe vera sa mga nananakit na kasukasuan upang mabawasan ang paninigas nito. Likas ang halamang ito ng antioxidants at kemikal na hinihilom ang pamamaga dahil sa arthritis.
2.     Eucalyptus – Isa rin ang eucalyptus sa mga halamang nakakatulong laban sa arthritis Sa isang pagaaral, ang mga pasyenteng mayroong arthritis ay pinalanghap ng mainit na tubig na hinaluan ng isang patak na eucalyptus oil. Nababawasan nito ang iniindang sakit ng mga pasyenteng mayroong arthritis. Dahil ang halamang ito ay nagtataglay ng mga compounds na nilalabanan ang pamamaga. Ang halamang ito ay nagtataglay ng mga compounds na kung tawagin ay tannins, na nilalabanan ang pamamaga [8].
 
3.     Luya - Maraming pag-aaral na ang tumutukoy sa luya bilang isa sa pinaka-epektibong halamang gamot para sa arthritis.
Ang mga nakakapagpagaling na katangian ng luya ay dulot ng gingerols na siya ring nakakatulong upang maibsan ang pananakit ng arthritis. Isang pag-aaral na isinagawa noong 2015, 60 pasyenteng mayroong arthritis na nasa edad 50 – 75 taong gulang ang binigyan ng katas ng luya na pinapahid sa mga kasukasuan talong beses sa isang araw sa loob ng 12 linggo. Maaring magpakulo ng dinikdik na luya sa tubig sa loob ng sampung minuto. Palamigin hanggang maaring nang mainom.
4.     Turmeric - Dumarami ang mga siyentipikong pagsusuri na nagpapatunay sa mabuting epekto ng turmeric o luyang dilaw sa pananakit ng kasukasuan. Ang luyang dilaw ay nagtataglay ng curcumin, isang sangkap na mayaman sa antioxidants at katangiang nakakapaghilom ng pamamaga. Napag-alaman sa isang pag-aaral na magkasing-bisa ang katas ng luyang dilaw at ibuprofen sa 367 na pasyenteng mayroong arthritis sa tuhod.  
5.     Pansit-pansitan - Tinatayang mayroong 100 na uri ng arthritis [9]. Ang gout ay isang uri ng arthritis na nagdudulot ng pananakit ng kasukasuan dahil sa mataas na lebel ng uric acid sa katawan. Ang katas ng dahon ng Peperomia pellucida o higit na kilala sa tawag na ulasimang bato o pansit-pansitan ay karaniwang ginagamit para sa sugat at sakit sa kidney gaya ng Urinary Tract Infection (UTI). Ang katas ng dahon ng ulasimang bato o pansit-pansitan ay karaniwang ginagamit para sa sugat at sakit sa kidney gaya ng Urinary Tract Infection (UTI). Subalit napag-alaman din na nagtataglay ito ng mga antioxidants at iba pang sangkap na iniibsan ang pamamaga ng mga kasukasuan. Upang gumawa ng tsaa galing sa ulasimang bato, pakuluan ang mga sariwang dahon sa tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Salain ang tsaa at inumin tatlong beses sa isang araw.
6.     Oregano - Maituturing na isa sa mga dahilan ng pamamaga at pananakit ng kasukasuan ang denaturation o pagbabago ng anyo ng protina at tisyu sa katawan dulot ng stress at acid. Sa isang pag-aaral na ginawa sa India noong 2020 ang nagpakita na ang oregano ay epektibo upang pigilin ang denaturation. Maituturing na isa sa mga dahilan ng pamamaga at pananakit ng kasukasuan ay ang pagbabago ng anyo ng protina at tisyu sa katawan dulot ng stress at acid. Ang halamang gamot na ito ay karaniwang nakikita sa ating bakuran at nagtataglay ng mga antioxidants na nakakaktulong maagapan ang pamamaga at maibsan ang pananakit dulot ng arthritis.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.