Nababaliw dahil sa anxiety attack
Medical History
Bale matagal na po itong nangyayari sa akin. Sa tigin ko po my anxiety ako or panic attack. Nangyari po lahat ng ito nong namatay pinsan ko dahil sa cardiac arrest, kaya sa tuwinh naiisip ko na nkaka chest pain ako baka po mangyari sa akin ang nangyari skanya. Nag pa test na po ako ng ecg pero normal po ang result baka muscle pain lng dw kaiisip kaya nkakaramdam ako ng chest pain. Hanggang sa hindi nawawala ang takot ko na baka matulad ako sa kanya. Hannga sllng sa takot na ako mapag isa, sa kakaisip ko mas lalo akonh natatakot. Natatakot na rin ako sa mabibihis na sasakyan kpag nakadakay ako at kpag my nagsisigawan kinakabahan na rin po ako.minsan natatakot ako na baka sa sobrang pag iisip ko po ay mabaliw na ako, anu po ang pwede kung gawin? Sana po matulungan niyo po ako salamat po
Hi! Insuggest that you see a psychiatrist immediately. Understandable naman na mag -alala for your health lalo na king may malapit na kamag anak kang namatay with the same condition. However kung normal naman ang tests mo, unecessary ang iyong pag aalala at pagkatakot. See a psychiatrist upang ma assess kang maigi bago ka maresetahan
Medical History
Wala po ba ibang paraan doctora? Kasi po buntis ako ng 1month. Matagal po namin hinintay ito, sana hindi po maapektuhan baby namin. Salamat po
Medical History
Napansin ko rin po kapag kasama ko mga kaibigan ko hindi po ako nag nenegative thoughts. Kapag mag isa ako yong masyadong tahimik don ako kinakabahan kung anu-ano na naiisip ko po
Wala naamng masama if you see a paychiatrist. Mayroon namang mga ganot na maaring ibigay na compatible with your pregnancy.
All the more na dapat kang magoa check up as soon as possible before you cna harm yourself
Medical History
Hindi ko po alam doctora kung saan po sa lugar namin meron dito. Sa ngaun iniiwasan ko po mag isip ng hindi maganda para sa baby
Medical History
Hindi ko rin po alam kung afford ko ang bayad sa kanila at sa gamot :(
Mahirap kang tulungan kung ikaw mismo ay hindi mo tutulungan ang sarili mo. May mga government hospitals na may psychiatrist na libre at nagbbgay ng libreng gamot. All you have to do is ask and seek consult.
Medical History
Hindi ko po alam kung saan po d2 sa lugar namin meron doctora. Sa pangasinan po ang place nmin. Salamat po sa reply nyo
Sana ay hindi pa huli ang aking sagot sa iyong tanong. Mayroong espesyalista sa psychiatry sa may Region 1 Medical Center, Arellano, Dagupan City , Pangasinan. Sana ikaw ay magkaroon ng lakas ng loob upang makapagpatingin dahil katulad ng sabi ni doktora ang sarili lamang ang kayang tumulong dito.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.