Ako po ay isang OFW dito sa Dubai. Ano po ang ang legal na hakbang para makuha ko po ang full costody ng aking kambal na anak. ?

Marie Mojica
is a Hotel Receptionist in United Arab Emirates

16 years po kami kasal pero almost 4 years na kami hiwalay.May 3 po kami anak. Yung panganay ko po nasa poder ng nanay ko at yung kambal ko po nasa poder ng dati ko asawa. May kinakasama na po siya ngayon at meron na din po sila anak. Ano po ba ang legal na hakbang ang pwede gawin para makuha ang full costody ng aking kambal?sana po masagot nyo ang aking katanungan. Marami po salamat

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
So maaring hiwalay na po kayo pero hindi naman legally terminated ang marriage po, ganun po ba? If yung kambal po ninyo ay below 7 years old maaring mapunta sa inyo ang custody however paano naman po ninyo maalagaan if you are working abroad? Mas priority in right sa custody ang asawa po ninyo if nasa malayo po kayo. Kaya if you could prove po na nabayaan ang kambal ng kanyang ama dahil maaring ito ay lasinggero, drug additct or may malubhang sakit etc. maaring magpetition po kayo sa court na mapunta po sa inyo ang custody. You will need the assistance of a private lawyer para gawin po ito kaya mas mabuting you will consult a lawyer na malapit kung saaan po kayo nakatira at sabihin po lahat ang kasalukuyang situation po ng mga bata.
Marie Mojica
is a Hotel Receptionist in United Arab Emirates
Hello po magandang araw.. Wala naman po sana problema kung nasa poder po niya ang kambal.kaso po bihira ko po makausap ang kambal ko kasi po buong pamilya niya nakikisali sa away namin mag asawa. Monthly naman po ako nag papadala sa mga anak ko.bukod yung padala ko para sa panganay namin at para doon sa kambal. Ang hiling ko lang po sana eh regular ko makausap yung mga bata pero ang lagi niya panakot sakin pag hindi daw ako nagpadala hindi ko na daw makikita at makakausap ang kambal ko. So pag hindi na po ako nagpadala ng pera wala n rin po ako magiging karapatan sa mga anak ko? Eh samatalang hindi din naman po siya nagbibigay kahit singko sustento sa panganay namin. Ako lahat po ang nag shoshoulder
Marie Mojica
is a Hotel Receptionist in United Arab Emirates
Siguro po karapatan ko din na humingi ng sustento para sa panganay naming anak di po ba? Ang nangyayare po kasi ako lang ang naoobliga mag sustento pero siya puro pasarap lang. Kung tutuusin po pwede ko nga po siya kasuhan ng concubinage since kasal pa po kami pero may kinaksama na siya at may naging anak sila. Napapansin ko po kasi pag hindi ako nakakapagpadala ng pera hindi niya rin po inaallowed ako na makausap ko ang kambal. At lagi po niya panakot na hindi ko na daw makukuha ang kambal sa kanya. So paano po pag nawala na ako ng trabaho ang mangyayare po ba hindi ko na makukuha kahit kelan yung mga anak ko? Uuwi po ako next year para magbakasyon. Yung kambal ko po ngayon ay 6yrs old turninh 7 years old next year. Please tulungan nyo po ako kung ano po ang hakbang ang pwede ko gawin kung sakali na hindi ipahiram sakin ang mga anak ko. Salamat po

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.