Bigyan niyo po ako ng advise tungkol sa paninira sa akin gamit ang f

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Bigyan niyo po ako ng advise tungkol sa paninira sa akin gamit ang facebook pinahiya po nila ako magkakapatid at nakita po lahat ng mga friends ko sa FB nagpost sila at minura po ako sinabihang kabit at masasakit na salita. nahihiya po ako atty. sa mga pinost nila kc lahat po nakikita ng mga friends at lalo na sa pamilya ko. naka screen shot po lahat mga sinabi nila sakin atty. ano po ba dapat gawin ko. kc sa totoo lang po matagal na pong hiwalay sa asawa nya ang bf ko may kinakasama na din po ito almost 15 yrs tapos ganito ginagawa nila sakin pinapahiya sa buong mundo. sila po magkakapatid ng ex ng bf ko lagi nila ako sinisiraan. ano po ba dapat gawin atty.. sana matulungan niyo po ako gusto ko po sila kasuhan pero hindi ko alam paano. thank you

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
First you have to gather all the evidence, picturan mo ang fb post, print it or save it kasi baka i deactivate yong account so dapat gawin mo ito immediately. Second, magpunta ka sa Police station at ipablotter mo yan. Kung decided ka talaga na kasuhan ng cyber libel maghain ka ng complaint pumunta ka sa Prosecutor's Office kung saan ka nakatira at they will assist you for that. The assigned prosecutor will determine kung may probable cause ba ito para ifile ito sa court.
Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates
salamat atty. but the problem is andito po ako sa ibang bansa kaya wala ako magawa matagal na po ako ginugulo nila nagpapalit palit na din ako ng fb account kc lagi ako ginugulo umiiwas na lang po ako. nanahimik lang po kami dito ng bf ko atty naghahanap buhay para sa mga anak namin kanya kanya kami ng sahod nagpapadala yung bf ko sa mga anak nya dahil obligasyon nya yun sa mga anak nya. at may obligasyon din ako sa mga anak ko single mother po kc ako atty nagkataon lang talaga na nakilala ko bf ko at nagsama kami dito for almost 10 yrs simula nung iniwan sya ng ex wife nya at nag asawa ng iba. Nagkaharap na din sila sa abogado ng bf ko at ex wife nya last 2017 para sa pirmahan nilang legal separation at sa anak na lang sila may obligasyon. pero after po nun pirmahan na yun atty hindi pa rin nanahimik yung ex wife nya dahil kulang dw pinapadala ng bf ko samantalang may asawa na sya at kasama pa nya sa bahay tapos kung anu ano mga salitang binibitawan niya kesyo walang kwentang ama pinopost pa niya dw po sa social media na ganun dw walang bayag dw ama ng anak niya kesyo inuubos ng kabit ang pera para sa mga anak niya puro po pang babastos at paninira sinabi niya sa social media atty. kahit mga anak ng bf ko nahihiya sa mga sinasabi ng nanay nila. kaya po nag decide yung bf ko na ipadala sa anak ang pera kasi sa tutuusin minor de edad na din mga anak ng bf ko.
yun po atty. wala pa kc ako magawa sa ngayon para sa pag uwi ko gusto ko sana malaman paano ko gawin makasuhan sila sa ginawa nila sakin paninira kinakamkam ko dw yung pera ng bf ko na sa tutuusin ni isang kusing wala akong hiningi sa bf ko kc alam ko may obligasyon sya sa mga anak niya at kanya kanya po kami ng pera. sana atty. matulungan mo ko paano at anong una kong gawin salamat ulit
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Warn them nalang po na you are gathering evidence para pag uwi ninyo magpapafile na kayo ng kaso laban sa kanila baka sakali tumigil na sila sa paninira sa inyo. Kailangan mo isave ang mga ebidensya dahil ang kasong kriminal ay mataas yong burden of proof na dapat i establish it must proof beyond reasonable doubt.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.