Ilang itlog pwedeng kainin sa isang araw?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahilig tayo sa itlog ng manok, dahil masarap at mura pa. At masustansya din ang itlog dahil mayaman ito sa nutrients at protina. Ngunit mataas din sa kolesterol ang itlog. Kaya’t kelangan natin alamin kung ano ang tamang bilang na pwedeng kainin sa isang araw o sa isang linggo, para maiwasan magkasakit, tulad ng atake sa puso, stroke, diabetes at iba pa.

Nakakataas daw ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso pag kumain ng maraming itlog kada araw.
 
Ayon sa mga research ng eksperto, maaari rin daw makadulot ng diabetes ang pagkain ng sobrang maraming itlog.
 
Ikumpara muna natin ang kolesterol na pwedeng kainin sa isang araw sa kolesterol na nakukuha sa itlog.
 
Sinasabi ng mga eksperto na mas mabuting limitahan sa 300 mag lang ng kolesterol sa isang araw. At kapag may panganib o history ka naman na magka-sakit sa puso, kelangan naman daw limitahan lang sa 200 milligrams na kolesterol ang makain sa isang araw.
 
Ilan naman ang kolesterol ng isang itlog? Mga kulang-kulang sa 200 mag ng kolesterol ang isang malaking itlog ng manok. Sa isang medium-size na itlog naman, mga 170 milligrams ang laman na kolesterol. Kaya’t isang medium na itlog ng manok palang, na kain mo na ang mahigit sa kalahati na pwedeng kainin na kolesterol sa isang araw. Pero karamihan ng kolesterol ay nasa dilaw na parte ng itlog na nasa gitna. Kaya’t maaari ring kumain lang ng egg white o ang putting parte lamang, kapag ayaw tumaas ang kolesterol.
 
Kaya’t kapag malusog ka at wala ka namang sakit, maaaring kumain ng mga 1-2 itlog sa isang araw. Ngunit mas mabuti siguro kung lilimitahan na mga 5 itlog lang makain sa isang linggo.
 
Ngunit di kasing sama ang cholesterol na nakukuha sa itlog, kumpara sa cholesterol na nakukuha sa mga trans fat at saturated fats, tulad ng biscuit, cakes at pritong pagkain, at processed foods. Kaya’t pwedeng 1-2 itlog sa isang araw, basta wala kang sakit sa puso. Pero subukan na wag araw-arawin, at mga 5 itlog lang sa isang araw.
 
Nakaka-apekto rin kung paano mo niluto ang itlog. Halimbawa, kapag prinito na itlog, mas mataas sa kolesterol, dahil niluto ito sa mantika. Kapag naman nilaga, mas mainam. Maaari rin nakakasama lalo ang itlog sa kalusugan dahil mahilig nating iulam ang itlog kasama ang mga di masustansyang pagkain tulad ng bacon, hotdogs, tocino, longganisa, meat loaf, tinapa  at ibang processed foods.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.