Inumin panlaban Cancer: Maligamgam tubig may Luya at Calamansi

Medical Team
is a Medical expert in United States

Pangalawang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo ang cancer. Ibig sabihin, di pa ganun ka epektibo ang mga gamot na binibigay ng mga doktor.
 
Kaya’t may ginawang pagaaral ang mga doktor tungkol sa halamang gamot panlaban sa cancer. Napatunayan nila na ang kombinasyon ng pinaghalong lemon at ginger sa tubig ay nakakapag-kontrol ng pagkalat ng cancer cells. Ngunit kelangan idiin na karaniwan sa mga pagaaral na ito ay ginawa sa hayop, at hindi sa tao. Ganun pa man, wala naman mawawala kung madalas uminom ng tubig na may pinaghalong calamansi at luya, at sa katunayan, at may iba pang benepisyo ito sa katawan.
 
Kumuha lang ng 3 o 4 na pirasong calamansi. Hiwain ito sa gitna at pagkatapos ay ipiga ito sa isang basong maligamgam na tubig. Tapos maghiwa ng mga iilang pirasong maninipis na hilaw na luya at ihalo sa inumin. Pag malamig ang tubig, maaaring makaapekto sa benepisyo ng calamansi at luya.
 
Mayroong iba pang mga benepisyo sa kalusugan na maaaring makamit mula sa paginom ng calamansi at luya, kabilang ang:
Pampalakas ng resistensiya o immune system: Ang calamansi ay mayaman sa Vitamin C.
Kalusugan ng digestive system: Ang juice ng calamansi ay nakakatulong sa panunaw ng pagkain, lalo na ng taba na kinkain.
Pagbawas ng timbang: Ang mataas na antas ng Vitamin C sa calamansi ay maaaring tumulong upang mapalakas ang metabolismo, na maaaring tumulong sa pagbawas ng timbang.
Pangangalaga sa balat: Ang Vitamin C sa calamansi ay maaaring tumulong upang protektahan ang balat mula sa pinsala ng araw at mapabuti ang itsura ng balat.
Anti-inflammatory properties: Ang prutas ay mayroong antioxidants na maaaring tumulong upang bawasan ang pamamaga sa katawan.
Antibacterial properties: Ang prutas ay mayaman sa antioxidants, na maaaring tumulong upang labanan ang mga mapanganib na bakterya.
Pampababa Blood pressure: Ang paggamit ng juice ng calamansi ay maaaring tumulong upang bumaba ang blood pressure
Ang calamansi, na kilala rin bilang Philippine lime, ay isang citrus na prutas na madalas gamitin sa pagluluto at panggamot.
 
Source:
Al-Ataby, I. A., & Talib, W. H. (2022). Daily Consumption of Lemon and Ginger Herbal Infusion Caused Tumor Regression and Activation of the Immune System in a Mouse Model of Breast Cancer. Frontiers in nutrition, 9, 829101. https://doi.org/10.3389/fnut.2022.829101

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.