Is it depression ?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

I'm 18 years old female po. I just want to ask po if oa lang po talaga ako or ano. Sobrang stress ko po kasi lagi na nadadown po ako sa lahat ng bagay. Dumadating po ako sa punto na umiinom ng pangpatulog para takasan lahat ng problema ko. Sinasaktan kona rin po sarili ko kasi gusto kona po ng pahinga. Gusto kona po matapos yung sakit na nararamdaman ko. May times po na kahit wala pong reason iiyak nalang po ako bigla at isang buong araw na po akong ganon. Kahit po sabihan po ako ng onti ng family ko nasasaktan na po ako at naiiyak. Feeling ko po mag isa lang ako at walang nakakaalam ng pinagdadaanan ko kasi wala silang paki. Sobra rin po ang trust issues ko at overthink. Umaabot po sa point na gumagawa po ako ng sinaryo sa isip ko tapos death na po yung panghuli. Feeling ko po kahit anong iimagine ko mamamatay ako sa dulo. Hinde ko rin po kaya pagkatiwalaan bf ko kasi natatakot po ako baka maloko ako. Naiisip ko po may babae siya. Kasi alam kong hinde ako enough. Ano po bang gagawen ko. Pagod na pagod na po ako. Gusto kona po sumaya. Yung pangpatulog ko hinde na naepekto sakin. Napapatulala nalang po ako. Kanina po nakatingin po ako sa reflection ng sarili ko sa salamin nakikita ko pong nagiging demonyo ang muka ko at kung hinde e nagalaw siya at naka smirk sakin. Natatakot po ako.  

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Depression is the first stage of demonic possession. Kaya kelangan mong magpa counsel. Please lapit ka sa mga religious persons na kakilala mo. Yung mga taga simbahan. Hindi biro yan. God Bless you
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang depression ay isang sakit katulad ng high blood, diabetes, cancer, asthma, at iba pa. Ito ay isang kondisyon na maaaring mabigyan ng gamot at therapy. Marami ang maaaring makatulong sa sakit na ito katulad ng mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, mga doctor na psychiatrist, psychologists at therapists.
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Magandang araw sa iyo. Maraming salamat sa pag share ng mga nararamdaman mo rito. Alam kong hindi madali para sa iyo ang mga nararamdaman mo at ang pagshare ng mga ito sa isang online platform. Lagi mong iisipin na hindi ka nag-iisa at maraming tao ang handang tumulong sa iyo. Ang mga sinabi mo ay maaaring sintomas nga ng depression pero huwag ka mawalan ng pag-asa. Ito ay isang sakit na nabibigyan ng gamot. Ito ay katulad ng ibang sakit katulad ng high blood o diabetes at hindi kailangan ikahiya. Mabuti ngang alam mo ang mga nararamdaman at naiisip mo at handa kang humingi ng tulong sa iba. Mayroon ka bang kasama at makakausap sa ngayon tungkol sa mga nararamdaman mo? Maaari kang tumawad sa 1553 upang may makausap ka. Pwede rin sa cellphone 09663514518 o 09178998727 o 09086392672. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag iisa at maraming handang tumulong sa iyo.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Dr. Alfredo Chua is a board-certified physician who specialized in internal medicine and medical oncology. He is dedicated to the prevention, diagnosis and treatment of diseases that commonly afflict adult patients with focus on cancers/malignancies (solid tumors and lymphomas).
Profession: Medical Oncology
Philippines , Manila , Manila
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.