Istruktura na gawa ng Aliens : Gusali ginawa taga ibang planeta o mundo

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

May mga istraktura raw na mahirap paniwalaan na gawa ng tao. Kaya’t may mga naghihinala na, gawa ito ng mga aliens, o taga ibang mundo, na bumisita sa ating daigdig.
Narito ang mga istraktura na hinihinalang gawa raw ng mga aliens:
1.     Pyramids of Giza
Ang mga higanteng Pyramids sa Giza, Egypt ay ginawa mga 5 libong taon na ang nakalipas. Napatayo ito sa pamamagitan ng maingat na pagdikit ng milyon-milyon na eksaktong sukat ng mga bato, na mga 2 tonelada ang timbang ng bawat isa. Sinasabi ng mga eksperto na kahit gumamit ng modernong mga makina natin ngayon tulad ng cranes at construction equipment ay mahihirapan natin gawin ganoon ka linis at plantsado. Kaya’t nakakatakang isipin kung paano nagawa ito ng mga sinaunang tao gamit lamang ang kanilang kamay at mga simpleng tools o kasangkapan. Palaisipan din na nakahanay daw ang pyramids na ito sa mga bituin sa langit.  Gawa ba ito ng mga aliens na bumisita sating mundo?
 
2.     Nazca lines - Sa isang desyerto, sa Lima, Peru, mayroon higit 300 hugis ng mga disenyo at iba’t ibang hayop, kasama na ang gagamba, unggoy at ibon. May mga linya na ilang kilometro ang haba. Ngunit mauunawaan lamang ang mga hugis na ito mula sa itaas, katulad kung lumilipad o nasa eroplano. Pero paano naman makikita ng mga sinaunang tao ito kung hindi naman sila nakakalipad at wala pa eroplano noon? Isa pa, bat naman nila gagawin mga ito, kung di naman nila ma-enjoy ang tanawin ng kanilang ginawa?
 
3.    Stonehenge – Sa Salisbury, England, mayroong mga malalaking mga bato na mga 30 tonelada ang isa, na nakahanay sa isang bilog. Ayon sa siyensiya, natantiya nila na mga 5,000 taon nakalipas na daw noong ginawa ito ng mga sinaunang tao. Napagalaman din na ang mga ginamit na bato ay nakuha sa isang lugar na 200 kilometro ang layo. Pero paano naman nadala ng mga sinaunang tao ang mga higanteng bato na ito, lalo na kung walang gamit na gulong? Kahit daw mga modernong makinarya at sasakyan ngayon ay mahirapang maidala ang mga higanteng istraktura na ito.
 
 
4.     Moai sa Easter Island – Ang Moai ay mga malalaking statues na makikita sa Easter Island o Rapa Nui, na ngayon ay parte ng Chile. Malaki at mabibigat ang mga statua na tumitimbang ng mga 14 tonelada bawat isa. Kaya’t nakakataka kung paano nabuhat o nadala ito ng mga sinaunang tao sa kanilang pwesto, na wala naman malaking sasakyan o makina. 
 
Nakakawiling pagusapan kung nakapunta na ba mga aliens dito sa ating mundo. Ngunit ang katotohanan, wala pang matibay na ebidensya na nakapunta na nga ang mga aliens sa Earth. Di rin patas sa mga sinaunang tao kung mamaliitin natin ang kanilang galing at talino.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.