Eupemismo - Ang tawag sa mga mahinahon na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng damdamin. Ito ay pinapalitan ang mga mapanakit at hindi magandang pakinggan na mga salita.
Halimbawa :
1. Patay na siya - Para hindi mabigla and kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, maaaring sabihin,
A. Sumakabilang buhay na siya
B. Maligaya na siya sa kabilang buhay
2. Pagdumi - Tawag ng Kalikasan
3. Katulong - Kasambahay
4. Masamang Tao - Halang ang Bituka
5. Mataba - Malusog
6. Nangaliwa sa asawa - Sumakabilang Bahay
7. Magnanakaw - Mabilis/Makati ang Kamay
8. Payat - Balingkinitan
9. Magnanakaw - Malikot ang Kamay
10. Maliit - Hindi Katangkaran
11. Mahirap - Kapos sa Buhay
12. Mabilis Umiyak o Pikon - Balat Sibuyas
13. Walang Pera - Butas ang Bulsa
14. Prostitute - Kalapating mababa ang lipad
Sawikain o Idyoma
Karamihan ng mga eupemismo ay mga sawikain o idyoma. Halimbawa:
(POSITIBO) Kahulugan
1. Parang Kidlat Napakabilis
2. Maamong Kordero Mabuting Tao
3. Magdilang Anghel Magkatotoo
4. Bukas Palad Mapagbigay
5. Maaliwalas ang mukha Masayahin
6. Matalas na ulo Matalino
7. Maaliwalas ang Mukha Masayahin
(NEGATIBO) Kahulugan
1. Ahas Taksil, Traydor
2. Balitang Kutsero Hindi totoong balita
3. Balik Harap Mabuti sa harap, taksil
4. Itim na Lupa Masamang Anak
5. Sampay Bakod Sinungaling
Para sa mas marami pang impormasyon, basahin ang tungkol sa sawikain.