KAILAN BABALIK ANG REGLA PAGKATAPOS KO MANGANAK?

Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines

Bilang isang first time mom, marami tayong mga katanungan na bumabagabag sa ating isipan. Ilan sa mga ito ay tungkol sa ating pagreregla, pagpapasuso, pagalaaga sa ating sanggol at marami pang iba.
 
Karaniwan sa mga inaalala ng mga ina ay kung kailan dadating ang kanilang regla. Kung ikaw ay bagong panganak at iniisip kung kalian babalik ang iyong regla, wag kang magalala dahil may sagot sa iyong katanungan.
 
Ano ang ibig sabihin ng eksklusibong pagpapauso ("Exclusive Breastfeeding")?
Ito ay ang pagpapasuso ng sanggol direkta sa suso ng isang ina, ng walang kahalong bote, tubig, o pacifier na ibinibigay sa inyong sanggol.
 
Paano nakakaapekto ang eksklusibong pagpapasuso sa pagdating ng regla ng ina pagkatapos manganak?
Ang eksklusibong pagpapasuso ay nakakaapekto sa regulasyon ng iyong regla. Dahil ito sa hormone na "prolactin". Ang "prolactin" na responsable sa paggawa ng gatas ay ang dahilan din ng pagpigil ng iyong regla. Kadalasan ang epekto nito ay anim na buwan lamang ngunit maaaring umabot ng hanngang isang taon ang hindi pagkakaroon ng regla dahil dito.

Ano ang mga dahilan na kinokonsidera kung kailan maaaring dumating ang iyong regla?
1. kung gaano kadalas at katagal sumuso ang iyong sanggol
2. kung gaano mo kadalas padedehin ang iyong sanggol sa iyong suso sa bote
3. kung paano ang pagtugon ng iyong katawan sa pagbabago ng hormones
 
Kailan dadating ang aking regla kung ang aking sanggol ay nagba-“bottle-feed” (dumedede ng formula sa bote)?
Kung ang iyong anak ay dumedede sa bote lamang, mas maagang babalik ang iyong buwanang dalaw pagkatapos mong manganak. Karaniwang dadating ang iyong regla isang buwan pagkatapos manganak.
 
Kailan dadating ang aking regla kung pinapasuso ko ang aking sanggol at pinapadede ko din siya ng formula sa bote (“Mixed feeding”)?
Habang nababawasan ang pagsuso ng sanggol sa kanyang ina, mas lalong maaga ang pagbalik ng buwanang dalaw ng isang inang bagong panganak. Maaari itong bumalik sa loob lamang ng isang buwan pagkatapos manganak. Kaya't nakadepende ang pagbabalik ng regla sa dalas at dami ng pagsuso ng sanggol sa kanyang ina.
 
Maaari ba akong mabuntis kung hindi regular ang aking regla pagkatapos manganak?
 Kahit na hindi regular ang iyong pagreregla maaari ka pa ding mabuntis. Maaari ring magbago ang tagal ng iyong regla at karaniwang maglaktaw laktaw ang iyong pagreregla.
 
Maaari bang mabuntis ang inang bagong panganak bago siya magka-regla o kahit maging regular ang kanyang regla?
Posible ding mabuntis ang isang ina bago pa bumalik ang kanyang buwanang dalaw o kahit ito pa ay maging iregular.
 
Mababawasan ba ang produksyon ng gatas sa suso ng ina kapag bumalik na ang kanyang regla?
Kapag bumalik na ang pagreregla, ito ay hindi gaanong nakakaapekto sa produksyon ng gatas kaya't maaari pa ring magpatuloy ang isang ina sa pagpapasuso. Ang ibang kababaihan ay nagkakaroon ng kaunting pagkabawas sa kanilang gatas ngunit ito ay maaring bumalik din agad kapag naging normal na ang lebel ng hormone sa katawan ng inang bagong panganak.
 
Nasagot ba ng artikulong ito ang mga katanungan na bumabagabag sa iyo bilang isang kapapanganak lamang?
 
healthdirect. (2019). Breastfeeding and periods. Retrieved from: https://www.healthdirect.gov.au/breastfeeding-and-periods

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.