Kanino ok at bawal ang Kape? Benepisyo at Pagiingat

Medical Team
is a Medical expert in United States

Makakabuti sa kalusugan ang 1-2 tasa ng kape sa iilang tao. Maaaring makaiwas sa sakit ang kape, at pinapalakas ang isip at muscles. Maaaring makatulong din ito na magbawas ng timbang sa ilang tao. Narito ang iba pang mga maaaring benepisyo ng paginom ng kape sa kalusugan:
Binababa ang tsanang magkaroon ng Alzheimer's at Parkinson's disease
Binababa ang tsansang magka- type 2 diabetes
Binababa ang tsansang magkaroon ng sakit sa atay.
Maaaring makababa ng tsansang magkaroon ng iilang cancer (tulad ng liver cancer at thyroid cancer)
 
Ngunit merong mga taong maaaring makasama sa kanila ang paginom ng kape. Kanino naman ito Bawal?
1.     Mga taong madalas kinakabag o may Irritable Bowel Syndrome (IBS) – Maaaring makasanhi ng pagtatae o madalas na pagdumi ang paginom ng caffeine sa kape.
2.     Mga taong mabilis masikmura o hirap matunawan – Maaaring makasanhi ang caffeine ng mga sintomas ng GERD o acid reflux.
3.     Mga taong may Glaucoma o problema sa ugat sa mata – Ayon sa iilang pagaaral, tumataas daw ang pressure sa mata kapag umiinom ng coffee.
4.     Mga taong madalas naiihi o may ‘Overactive Bladder’ – Napapadalas ang pagihi ang paginom ng kape, lalo na sa mga hindi sanay uminom ng kape o bihira lang uminom.
5.     Mga paiba-iba ng tibok ng puso o Arrhythmia – Dahil nakakapagtaas din ng blood pressure at heart rate ang caffeine mula sa kape, mahalaga sa mga may sakit sa puso ang magtanong muna sa doctor kung pwedeng uminom ng kape.
6.     Mga Buntis – Upang maiwasan makunan at maagang panganganak at mababa timbang ng sanggol, mas makakabuting iwasan ang mga caffeine tulad ng kape. Kausapin ang iyong doctor kung maaari bang uminom ng kaunting caffeine.
7.     Mga Nagpapa-suso – Dahil nakaka-ihi ang caffeine, maaaring ma-dehydrate ang nanay na nagpapasuso at kumulang ang lumabas n agatas para sa sanggol.
8.     Mga Hirap matulog – Maaaring makaapekto ang paginom ng kape sa pagtulog, lalo na sa mga hindi sanay. Iwasan uminom ng kape sa loob ng 6 na oras bago matulog.
9.     Mga mabilis ma-nerbiyos – Nakakagising ang caffeine sa kape, kaya’ sa mga taong nerbiyoso, maaaring lumala ang kanilang kaba. Kapag madalas kang nagaalala o may panic attack, maaaring iwasan o bawasan ang paginom ng kape.
10.  Mga bata (11 years old pababa) – Mas malakas ang epekto ng caffeine sa mga bata. Halimbawa, maaaring bumilis ang pagtibok ng puso, nagiging aligaga, hirap mag-concentrate, at kumulo ang tiyan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.