Kinasal sa Dubai, may ibang babae-Married in Dubai with another woman, Facebook

Jennifer T. Delos Santos
is a cashier in United Arab Emirates

Kinasal po ako sa Dubai November 29, 2013. Pilipino din ang napangasawa ko. May tatlo po syang anak daw! Pinag resign ako sa work ko, pumayag ako para matulungan ko sya. Umuwi kami ng dito sa pinas May 6, 2014, sya naman bakasyon lang. Bumalik sya dun ng June 2, 2014. Naging ok naman kami pero ng pagbalik nya ng Dubai may nakita ako sa FB niya, at agad ko siyang tinanong, wala don un x lang daw, masama daw un wag nag iisip ng masama. Pinalagpas ko po lumipas ang isang buwan. August kinabahan ako pag tapos naming mag chat, bigla ko nalang naisip tingnan ung fb nya. Dahil block ung isa kong account, gumawa ako ng isa pang account ng mahuli ko sya. Confirm na may babae sya sa Dubai at kinakasama nya pa don. Nakausap at nakachat ko yung babae nya at sinabi niya na nagsasama sila. Sinabi ng asawa ko sa babae nya na isang taon na kaming hiwalay dahil sumama daw ako sa ibang lalaki. Hanggang sa nagrequest ako s mga friend ng babae sa fb nya, halos lahat don katrabho nila. Nagpost ako ng picture namin ng kasal at anniversary. At nagtext din ung babae sa asawa ko. At nag message ung asawa ko sakin at sya p galit, ung babae nya ang pinanigan nya....

Anu po bang dapat kong gawin? San po ako pwedeng humingi ng advice para mapa deport sya dito sa pinas at pati ung babae nya? May mga ebidensya na kong hawak. Pwede ko po bang sampahan ng kaso silang dalawa sa pananakot nila sakin? Valid po ba ung kasal namin sa dubai dito sa pinas? Pwede rin po bang magpa divorce ung asawa ko sa dubai, kasi pinapipirma ako ng agreement para sa divorce, pwede po ba yun kahit wala ako don?


Sana po matulungan nyo po ako sa problema ko. Maraming salamat po and more power godbless...


Question: I got married to a Filipino in Dubai in November 29, 2013. He told me that he has 3 kids. He asked me to resign from work so that I could help him, and I agreed. We came back here to the Philippines last May 6, 2014. He was only on vacation, so he went back to Dubai on June 2, 2014. We were ok, but when he went back to Dubai, I saw something on his Facebook account, so I asked him about it. He said that it was nothing, just his ex-girlfriend, and told me not to think bad things/thoughts. So I let it go for one month. In August, I felt uneasy and nervous after we chatted. And I suddenly thought of looking at his Facebook account. Because he had blocked my other Facebook account, I created a new one. I was able to confirm that he has another woman in Dubai and they are living together. I talked and chatted with the girl and she told me that they are staying together. My husband told the girl that we have been separated for a year now, because I went with another guy. So I posted a picture of our wedding and anniversary. The girl texted my husband, and my husband messaged me, and he was angry. He sided with his woman.

What should I do? Where could I get advice so that he can be deported back here in the Philippines with the girl? I have proof / evidence. Can I file a lawsuit against them for threatening me? Is our marriage in Dubai valid? Can my husband file for a divorce in Dubai and have it approved even if I'm not in Dubai? I had signed an agreement for a divorce.


About the author

Jennifer T. Delos Santos

Profession: cashier
Majid Al Futtaim
United Arab Emirates , Dubai

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, teka, ha, napaka-dami ng iyong mga tanong:

1. Ang kasal ng dalawang Pilipino, kahit saan pa man sa mundo ganapin, ay tatanawin na legal dito sa Pilipinas. So, kung kayo'y kinasal sa Dubai, ang kasal ninyo doon ay tatanawin.

2. Kung halimbawa, ang kasal ninyo sa Dubai ay hindi naman rehistrado sa Pilipinas -- masuwerte ka. Puede mo nang kalimutan ang lalaking iyan at kung ikaw ay umibig ulit sa Pilipinas, puede kang magpakasal ulit dahil nga sa hindi naman rehistrado sa Pilipinas ang unang kasal ninyo.

3. Kung magde-demanda ka laban sa asawa mo, e, di malalaman pa ng husgado na kasal nga kayo -- e, di, ipapa-annul mo pa ang akasal mo doon sa lalaking iyon!

4. Kung sabagay, kung ikaw ay pina-uwi ng iyong asawa dito sa Pilipinas dahil sa may iba siya doon, psychological incapacity iyon -- hindi batid ng lalaking iyon na ang marriage ay exclusive sa iisang babae lamang. At dahil sa may babae siyang iba (na baka bago pa kayo ikasal ay ka-relasyon na niya ngunit itinatago lamang niya), ito ay magandang ebidensiya na talagang hindi batid ng iyong asawa ang mga obligasyon ng kasal.

5. Mahirap mang isipin, mas mabuti na, hindi ba? Na hindi rehistrado sa Pilipinas ang inyong kasal? Kalimutan mo na lamang ang lalaking iyon? Kasi, bakit mo patuloy na mamahalin ang lalaking kahit na kailan man ay hindi naman nagmahal sa iyo? Na simula't sapul ay nilinlang ka na? hindi pag-ibig iyon.

So, if you want to move on from this nightmare and start your life anew and find a new love, it would be better kung hindi alam ng NSO na ikaw ay kasal doon sa lalaking iyon. Kung alam na ng NSO na kayo'y ikinasal sa Dubai, ipa-annul mo na lamang ang kasal ninyo.

Isip ko kasi, kung dati'y nagawa na niyang linlangin ka, ugali na ng lalaking iyan ang magkaroon ng maraming "conquests" -- ang mga babae ay laruan laman sa kanya, hindi tunay siya kung umibig. Mas mabuti nang wala siya sa buhay mo. Ito naman ay opinion ko lang: once a cheater, always a cheater (experience will bear this out). Sorry to bring you bad news.
Jennifer T. Delos Santos
is a cashier in United Arab Emirates
maraming salamat po Atty. Bimbi ung kasal po nmn ay legal, dahil nakakuha npo ako ng copy nya sa NSO. so it's means valiad at legal po kasal nmin sa dubai. may isang kaibigan lang po na nagtatanong n cguraduhin ko raw po kung valid ung kasal nmin don. kasal kami sa dubai maaari nya po bang ipadivorce don ang kasal nmin? sadyang sakit napo ata nya ung mangloko ng mga babae, dahil bago pa ako meron din syang nakarelasyon at ganun din ang ginawa nya, ipinagkaiba nga lang po ay ako ung pinakasalan, un ang kasamaang palad ko. pasensya npo sa mga tanong ko di ko narin kasi alam ang gagawin ko. salamant po
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, ang ibig sabihin mo ba na kayo ay kasal sa ibang bansa, ibig mo sabihin ay kasal kayo sa Middle East sa harap ng Imam sa ilalim ng Sharia law? O kayo ay nagpa-kasal sa embassy ng Pilipinas din pero sa ibang bansa?

Ganito kasi iyon: The general rule is, kung ang kasal ninyo sa ibang bansa ay legal (sa ilalim ng kanilang mga batas sa ibang bansa), ito din ay legal sa Pilipinas. Kung ang kasal ninyo sa ibang bansa ay ginanap sa ilalim ng batas ng Pilipinas dahil consul o ambassador ay nagkasal sa inyo doon sa ibang bansa, ito pa rin ay tinuturing na kasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Kasi, kung kasal ka sa ilalim ng batas ng Pilipinas (kahit na sa ibang bansa ka pa kinasal), ang mga batas pa rin ng Pilipinas ang iiral sa inyo at sasakop sa kasalan ninyo.

This means:
1. You can have your marriage annulled here in the Philippines since you are here.
2. The laws of the Philippines (Family Code) will apply.
3. Since the laws of the Philippines allows you to file an annulment on the ground of psychological incapacity (may sakit sa pag-iisip ang pinakasalan mo, at hindi niya batid na ang marriage vows are exclusive lamang sa iisang babae), then, maaari mong ipa-annul sa Pilipinas ang iyong kasal.
4. At hindi mo na kailangan pang mag-pa-annul sa bansa sa abroad kung saan kayo ikinasal.
5. Kung kayo ay kinasal sa ilalim ng bansa sa Middle East, nasa-sa iyo kung gusto mo pa ring mag-pa-annul doon, kung may financial means ka na pumunta doon at magpa-divorce doon.
6. It will only matter that you are also divorced in the Middle EAst if you will marry another person in the Middle East or if you will go and work in the Middle East (dahil sa may mga batas sila na kung ikaw ay kasal at ang lalake ay hindi mo kasama, hindi ka puedeng manirahan at mabuhay na para bang single ka pa rin -- baka ikaw pa ang mapahamak at ikaw ang maidemanda ng adultery dahil sa hindi ka nakikisama sa iyong asawa.
7. Sa ilalim kasi ng mga batas ng Muslim, ang lalaki ay maaaring magkaroon ng legal na mga asawa (hanggang ata sa apat na asawa at one time). So, hindi dahilan na i-divorce ng babae ang kanyang asawang lalake dahilan lamang sa siya'y may ibang babae o iba pang asawa.
Jennifer T. Delos Santos
is a cashier in United Arab Emirates
ibig sabihin po n walang divorce na pwedeng maganap dahil kami ay kasal sa ilalim ng batas natin. so ibig pong sabihin dito lang po pwedeng mag file ng annulment sa pilipinas? pwede rin po ba akong mag file ng case sa owwa para mapadeport ang ang asawa ko? my mga ebidensya po ako ung ibang picture nila at mga mensahe nila sakin at mga chat nila sakin, n katibayan n may kabit ang asawa ko at may kinakasama.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Jennifer,

As I said, kahit kayo ay kinasal sa Dubai, kung kayo ay parehong Pilipino, at ang kasal ninyo ay naipa-rehistro din dito sa Pilipinas, iyong kasal lang dito sa Pilipinas ang kailangan mong ipa-annul (unless may balak kang magpakasal ulit sa Dubai o bumalik upang mag-trabaho sa Dubai sa hinaharap).

Hindi mo kasi sinagot iyong tanong ko: kung ang kasal ba ninyo ay sa harap ng imam sa Dubai o ito ay sa harap ng consul sa embassy in Pilipinas? Kasi, kung ang kasal ninyo ay sa harap ng Imam sa Dubai, ito ay sa ilalim ng Shari'a law sa Dubai. Pero kung ito ay kasal sa harap ng consul sa embassy ng Pilipinas, ito ay sasailalim sa Family Code. Saan ba kayo kinasal sa Dubai?

TApos, dahil sa naka-rehistro ang kasal ninyo sa NSO, dito, it is, on its face, a valid marriage. Kaya, kung nais mong ma-ipa-annul ang kasal ninyo, dito ka sa Pilipinas magpapa-annul dahil sa nandito ka, at rehistrado ang kasal ninyo dito.

Ang OWWA ay walang kapangyarihan na mag-deport ng isang tao. Wala kang puedeng i-file sa OWWA kasi, ito ay naglalayong magbigay ng suportang pangkabuhayan lamang sa mga OFW -- they train OFWs for livelihood and also re-train OFWs in new skills so that they can be re-deployed abroad.

Kung nais mo talagang kasuhan ang lalaking ito, kumuha ka muna ng CENOMAR mula sa NSO natin. Doon mo malalaman kung siya nga ba'y may ibang kasalsa ibang babae sa Pilipinas. Kasi, kung ikaw ay pangalawa (ibig sabihin ay may iba't iba siyang marriages), your marriage does not need to be annulled -- it is already a nullity. Kaya, hindi annulment ang ipa-file mo na kaso, kundi, petition for declaration of nullity dahil nga sa hindi mo alam na may una palang kasal ang lalaki, nagpa-kasal ka sa kanya.

Yung marriage mo bale (kung may iba siyang marriages na nauna doon sa inyong kasal) ay isang bigamous marriage. It is a nullity. You will only go to court to have it declared as a nullity. (Sa totoo, mas madali-dali ang evidence na kailangan para ma-declare na nullity ang inyong kasal kung may ebidensiya kang ito ay bigamous marriage kaysa sa mag-pa-annul ka under Article 36.)

Good luck sa iyo!
Jennifer T. Delos Santos
is a cashier in United Arab Emirates
kasal po kami sa philippine embassy sa dubai, ang nagkasal po sa samin ay isang vice consul. kapag magpapakasal po sa dubai, kailangan ng dokomento tulad ng cenomar, at un po ay nakakuha napo kami ng cenomar ng asawa ko, kaya nakapagpakasal kami don. meron pong pinapipirmahan sakin ang asawa ko para daw po s agreement divorce. d ko pa po nakita ung letter na iyon, nag message lang sya at ung anak nya n papipirmahan nga po un, may saysay po ba ung agreement letter na iyon? anu po ba ang mga sistema ng pag papa annul?

maraming salamat po!
Jennifer T. Delos Santos
is a cashier in United Arab Emirates
my separation agreement po syang ipinadala sa email ko, pirmahan ko raw para ma ifile n raw don sa dubai ang divorce.

SEPARATION AGREEMENT

ARNEL J. CANDELARIA, hereinafter referred to as "HUSBAND" and JENNIFER T. DELOS SANTOS, hereinafter referred to as "WIFE" hereby agree to the following

1. Husband and Wife were lawfully married on November 29, 1979 at DUBAI (city), United Arab Emirates (state), in the Country of Philippine Consulate and Dubai Court. Becouse certain problems have developed between Husband and Wife they hereby agree to live separately and apart subject to the terms and conditions as set forth below.
2. Husband and Wife have made a complete fair and accurate disclosure to each other of all financial matters affecting this agreement.
3. Husband and Wife have each been advised and counseled by attorneys of their choosing regarding their legal rights as related to this agreement
4. This agreement is intended to be a final disposition of the matters addressed herein and may be use as evidence and incorporated into a final decree of divorce or dissolution.
5. Should a dispute arise regarding the enforcement of this agreement the prevailing party will be entitled to his or her reasonable costs and attorney's fees

We say that:

We are the Wife and Husband listed above. We are filing Request for Divorce in the county and court listed avove. We can no longer get along as Husband and Wife we understand our marriage rights and duties. We want to get an agreed divorce
We agree on everything in the Request for Divorce. The Request for Divorce does not have to be served and there is no need to file an Answer

Each of us has read this whole Divorce Agreement. We agree it is fair, We un
Jennifer T. Delos Santos
is a cashier in United Arab Emirates
we understand that it will become part of our Final Divorce Order

No one made us sign this Agreement, We will sign any other papers needed to carry out this Agreement

ATTESTATION

Agreed to this 17th of December 2014
By:


Arnel J. Candelaria Jennifer T. Delos Santos
Husband Wife




Witnessed by:


Witness or counsel signature Witness or counsel signature




yan po ung isinend nya sakin, na pirmahan ko raw para maifile nya raw don sa dubai. dapat ko po bang pirmahan ito? maraming salamat po
Halsey Terry Hizon-tabor
is in the Philippines
Good day po,im halsey terry tanong ko lang po mam kung may habol po ba kami ng kapatid ko sa tatay namin na kasalukuyan nakatira na po sa san antonio,texas at maganda ang buhay.kasal po siya sa mom ko pero nagpakasal di po siya doon kahit na walang annulment na ginawa.maaari po ba kami humabol at magsampa sa kanya ng abondonedment kahit nasa legal age na po kami?kasi po ang inaalala kl lang po ang kalagayan ng mom ko na kailangan pong matugunan.salamat po.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.