Can marriage be nullified after 6 years separation? Pwede nb mapawalang bisa kasal?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Hi po. 6 yrs na po akong hiwalay sa legal kong asawa at may kanya kanya na kaming pamilya. Pwede po ba mapawalang bisa yung kasal namin? Kapwa po namin gusto na mapawalang bisa yung kasal namin. Hanggang ngayon po gamit ko pa rin yung apelyido ng nauna kong asawa.



Topic: I've been legally separated from my husband for 6 years now. We both have our own new families now. Can we nullify our marriage now? We both want to nullify our marriage. Until now, I'm still using the surname of my first husband.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, ang haba ng panahon na paghihiwalayan ay hindi ground o basehan para mapawalang-bisa ang isang kasal (kasi, ang marriage contract ay walang expiry date o best before date).

Kahit na forty years na kayong hiwalay, kung walang grounds para sa annulment, hindi kayo maaaring magpa-walang bisa ng inyong kasal. Ang tanging ground ng annulment ay psychological incapacity.

ibig sabihin nito'y hindi batid ng nagpakasal na mga tao ang obligasyon ng pag-aasawa dahil sa kakulangan ng pag-iisip (maturity or psychological capacity).

Ang pagkakalulong sa droga, pambubugbog ng asawa o pambabae ay hindi (by themselves) grounds for annulment. Ito ay maaaring mga manifestation lamang ng kawalang ng psychological capacity na maintindihan at ma-arok o mabatid kung ano ba ang mga obligasyon ng kasalan (tulad nang ibigin ang minamahal na asawa at hindi siya gawing punching bag, o kaya'y suportahang pinansiyal ang asawa at supling sa pamamagitan ng pagta-trabaho at hindi pabayaan ang pamilya upang mapagbigyan ang layaw tulad ng pagdo-droga).

Kailangang komunsulta kayo sa abogado upang malaman kung kayo'y may mga grounds (o basehan) para magpa-annul ng kasal ninyo. Magtanong din kayo -- kung halimbawa'y menor de edad kayo noong kayo'y nagpakasal, ang inyong kasal ay isang nullity. Ito ay void ab initio dahil sa ang mga taong wala pa sa edad 18 ay hindi maaaring ipakasal. So, kailangang komunsulta kayo sa isang abogado.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
thank you po. 19 yrs old po ako nagpakasal nun. natanong ko lang po kasi baka may ibang way para mapawalang bisa yung kasal namin since may kanya kanya na kaming pamilya. eh wala rin po akong pera pampa-annul eh.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
19 years old ka lang noon? Talaga? May parental consent ba kayo noong kayo'y magpa-kasal noong 19 ka lang? Kasi, kung wala, well, puede mong ipa-declare na nullity ang kasal ninyo.

Ang kasal na kulang sa mga requisites (mga itinatadhana ng batas) katulad ng mga kasal na (walang) consent, (hindi) legal age, o kaya'y walang lisensiya ang nagkasal o walang karapatang magkasal (halimbawa'y ang kapitan ng barangay) etc. ay mga kasal na void. Mas madali-dali ang magpa-declare ng nullity kaysa sa magpa-annul.

Kung halimbawa'y sapilitan kang ipinakasal ng iyong mga magulang (kahit ayaw mo) o kaya'y ikaw ay kinidnap noon lalaki at ikaw ay binalaang papatayin kung hindi ka magpapakasal, ito ay mga halimbawa ng vitiated consent (o pag-ayon dahil sa ikaw ay napilitan). Puede mo namang ipa-declare din na ipa-void ang inyog kasal.

Pumunta ka sa abogado, makipag-usap ka (kalimitan naman ng mga abogado, hindi sumisingil ng consultation fee). Para malaman mo kung ano ang iyong puedeng gawin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
marami pong salamat atty. bambi,, gagawin ko po ang payo nyo! God Bless po.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Good luck sa iyo!

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.