Kung nasa abroad ka, mahihirapan kang mag-file ng annulment. Kasi, kailangan mong ihanda ang iyong papeles -- kailangan mo na humarap at makipag-kita sa isang abogado at sa isang psychologist or psychiatrist na siyang magsasabi kung ikaw or ang iyong asawa ay may tunay na psychological incapacity.
Bukod dito, haharap ka pa sa prosecutor upang masiyasat kung kayo ng iyong asawa ay nagkasundo na ipa-annul ang inyong marriage. So, kung hindi ka haharap sa prosecutor na personal, hindi ka niya matatanong.
Bukod dito'y may pre-trial din sa husgado at kailangan kang humarap. Kailangan ka ring tumestigo. Kailangan kang i-cross examine o tanungin ng prosecutor or noong abogado ng iyong asawa (kung haharap siya upang labanan ang habla mo).
Kailngan kasing ma-prove mo na may psychological incapacity ang asawa mo(may kakulangan sa pang-intindi, sa pagbatid oo sa pag-iisip ng mga obligasyon ng pagiging may-asawa). Mabigat kasi ang mga paratang na ito -- sakit sa personalidad o sa kaisipan ang pinag-uusapan dito.
Kumplikado ang annulment sa Pilipinas. Hindi puedeng annulment na non-appearance. Hindi rin maaaring doku-dokumento lamang. Kailangang ma-paniwala mo ang husgado sa iyong mga paratang gamit ang ebidensiya. So, you need to be there.
At dahil sa napakaraming mga tao ang naghahangad na mapawalang-bisa ang kanilang mga kasal, naparakaraming mga ganitong kaso ang naka-sampa. Bukod dito, sa ating mga family courts, pati ang mga kriminal na kaso para sa child abuse at domestic violence ay kasama ding dinidinig sa iisang husgado. So, para matapos ang isang annulment case, you count years, not months.
Kung sa budget naman, maghanda ka ng pang-docket fee sa court. Maghanda ka ng pamasahe para sa personal service noong bailiff sa iyong asawa. Maghanda ka ng mga gagastusin para sa mga documento. Maghahanda ka ng pera para sa professional fee ng psychiatrist, para sa kanyang fee sa pagtestigo. Maghahanda ka rin siyempre para sa acceptance fee ng abogado at ng appearance fee niya. Malaki ang gastos sa annulment.
You need to come home. The last time na may client ako na OFW, I asked her to stay in the Philippines until natapos niya ang kanyang testimony. That took 6 months after filing. Dahil din sa dami ng mga papipirmahang mga documento, malaki-laki din ang kinita ng FedEx sa kanya. So, malaking involvement ang annulment.
Bukod dito, tuwi nakikita niya ang asawa niya, tumataas ang presyon niya sa ngitngit. So, malaki din ang emotional involvement.
So,I don't really know what to say to you. Kung paanong buong puso ang ibinigay mo sa marriage mo, buong puso din ang ibibigay mo para ito ay buwagin -- ganoon ka-higpit sa Pilipinas. Padaraanin ka muna sa butas ng karayom para mapawalang-bisa ang iyong kasal.
Personally, it doesn't make much sense to me. I think that marriage is ordained by God. But not all people believe in God. More importantly, hindi na maraming tao ang nabubuhay sa paraan na nagpapakitang naniniwala sila sa isang Diyos na nakababatid ng lahat ng kilos ng puso at isip. Kasi, if a person truly believes God, kikilos siya na may takot sa Diyos na nakakakita sa kanya (hindi siya mangangaliwa, hindi siya mananakit, etc.)
Since marriage is a public institution, kapag dysfunctional na ito, kailangan na itong buwagin lalo na't kung ang pagpapatuloy ng marriage ay makasasama sa kalusugang emosyonal or pisikal ng isang tao. I think people should be free to end their marriage because not all marriages are godly to begin with.
Ideal ang good marriage sa ilalim ng mga batas ng Diyos -- pero, not everyone can attain that ideal. Not everyone subscribes to that ideal.
Personally, divorce is a humane solution to a love-less marriage. Pero, dahil sa nasa Pilipinas tayo at mas mahalaga pa ang reputasyon ng ating bansa bilang tanging Christian nation sa Far East kaysa sa kaligayahan at katiwasayan ng mga buhay ng tao, hayan, walang divorce. Annulment lamang-- kaya't minsan, mapapa-isip ka dahil sa hirap at haba at tagal ng prosesong ito -- para sa mga ma-pera lang kaya ang annulment? Ikaw na ang makasasagot nito.
Good luck sa iyo!