Foreign husband not providing enough financial support - Ano dapat gawin sa asawa ko na bangladesh na hindi sapat binibigay suporta?

Janice Villegas
is in United Arab Emirates

Ano po ba ang dapat ko po gawin atty - ang asawa ko ay Bangladesh at kinasal po kami sa Pilipinas pero hindi po sapat yung suporta na binibigay nya po samin? May isa po akong anak na nasa Pilipinas po at sa ngayon po ay kasalukuyan po akong buntis. Sa muslim din po kami kinasal at pangalawa po akong asawa. Nagsampa na po ako ng kaso sa family court po dito sa bansang UAE kung san po kami ngayon nakatira, pero wala din po nangyari dahil sa wala po akong pambayad sa lawyer po. Hininto ko po ang kaso at nagtitiis po sa asawa ko at nakatira po ako ngaun sa paupahan niyang bahay po. Hindi na rin po kami nagsasama sa iisang bahay po. Hangad ko lang po na malaman ang dapat ko po gawin Atty.Bimbi. Sana po mapayuhan po nyo ako sa dapat ko po gawin. Salamat po.



Topic: My husband is a Bangladeshi, but we were married in the Philippines. But his financial support is not enough for us. We have a child in the Philippines and I am also now again pregnant. We were married under Muslim rites/ Muslim wedding, and I am his second wife. I filed a case in the family court here in United Arab Emirates, where we are now staying, but nothing happened, because I do not have the money to pay for a lawyer/ attorney. I am now staying at a house rented by my husband, but we are not living together anymore. I just want to know waht I should do, so I am asking for advice.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, kakaonti ang maaari mong gawin. Kung ikaw ay kasal sa iyong asawang Muslim, hindi ka maaaring humiwalay sa kanya ng basta-basta lalo na't ikaw ay nasa UAE. Baka ang lalaki ay idemanda ka ng adultery. Alam mo naman ang ginagawa ng mga Muslim sa mga babaeng na-akusahan ng adultery -- hinahagupit.

Dapat ay pumunta ka na sa Philippine Embassy. Dapat ay humingi ka na ng tulong sa kanila. Dalhin mo ang mga anak mo. Huwag mo nang hintaying na ikaw ay saktan pang lalo o gawing bihag. Dehado ka diyan lalo na't ikaw ay nasa lupain ng mga Muslim. May discrimination sila laban sa mga babae. At ikaw ay hindi lang babae, ikaw pa ay hindi taga-UAE -- ikaw ay Pinay, so, talagang baka hindi ka tulungan.

Tama ka na sana nung nagsampa ka ng kaso sa Family Court. Pero, ito ay iniatras mo. Hindi ako usually nag-a-advise na humiwalay ang mga babae sa kanilang mga asawa, ngunit kung ikaw ay sinasaktan, ikaw ay ini-insulto, at ikaw pa ay buntis sa ngayon at wala kang pera o kamag-anak diyan na makaka-tulong sa iyo, please, pumunta ka na sa Philippine Embassy. Umuwi ka na lang. Kalimutan mo na ang lalaking iyan. Pangalagaan mo ang iyong sarili at ang kaligtasan ng iyong mga anak.

Huwag kang mag-tiis, please. Umalis ka na diyan. Kasi, pag nanganak ka sa ospital sa UAE, hindi ka puedeng umalis basta sa ospital kung hindi kikilalanin ng lalaki na ang batang iyong iniluwal ay kanya. Kung ikaw ay hindi kilalanin noong lalake, ikukulong ka bilang babaeng nagkasala ng adultery. Please. Iligtas mo ang iyong sarili pati na ang iyong anak at ang batang nasasa iyong sinapupunan.
Janice Villegas
is in United Arab Emirates
Gnun po ba ang dapat ko po gawin Atty.Bimbi.Wala po ba ako karapatan makuha ang karapatan ko po?Pano po pag kinuha nya ang aking mga anak may laban po ba ako dun?isa po syang businessman,negosyante na kayang gawin ang lahat.Ano po ang nararapat ko po gawin Atty.Bimbi?wala po ba na public Atty. ang atin pong Embassy para po matulungan ang mga katulad ko po na narito sa ibang bansa po.Sabi nila batas daw sa UAE ang boses ng mga babae pero bakit ganun parang pag normal ka lang na residence dito at hindi mo kayang lumaban wala ka rin pala pong laban.Wala naman po akong ginagawang masama sa katunayan nyan nung 3 months ako na buntis yun mismo na kalahi nating pinay na dating x girlfriend po ng asawa ko dun sya natulog sa room ko at ako ang umalis ng bahay para makitulog sa mga kaibigan ko.Wala po ba ako karapatan po makuha at ipaglaban po ang karapatan ko po?Kung dumiretsyo ako sa Embassy po ng Bangladesh tingin nyo po at dun ako magreklamo para mabigay karapatan po saming mag ina?tama po ba un Atty.?Salamat po ng marami Atty.Bimbi.
Janice Villegas
is in United Arab Emirates
Atty.Bimbi sasamantalahin ko na po ang pagkakataon para naman po ito saking pamangkin,ang nanay nya po ay aking kapatid ,nabuntis po nun ang ate ko sa lebanon ang nakabuntis po sa kanya ay may asawa na po at mga anak sa Pilipinas.Nung umuwi po ang ate ko para manganak sa Pilipinas ay nagpapadala po nun yung nakabuntis po sa kanya hanggang sa sya po ay manganak.Tpos po bumalik po ang ate ko sa lebanon at natigil narin po ang suporta ng ama ng pamangkin ko hindi n po sya nagpadala po para sa bata.Sa ngaun po dahil nagkaron po ng samaan po ng loob ang nanay ko at ate ko po Atty.Bimbi hindi narin po nagpapadala ng tama ang ate ko kahit para sa suporta man lang sa kanyang anak.Ako rin po ang tumutulong sakin pamangkin,dahil sakin narin pong problema sa ngaun kaya nahihirapan narin po akong sumuporta sa aking pamangkin.May nakapagsabi po sakin na pwede ko daw po ireklamo ang ama ng pamangkin ko at ate ko dahil sa hindi nila pagbigay suporta sa kanilang anak na nag aaral po ngaun sa highschool.Minsan po kasi hindi sya pumapasok dahil sa wala na po baon,hindi po nakakabili ng libro na kakailanganin sa school.Naaawa po ako sa pamangkin ko po.Mga OFW naman po ang kanyang mga magulang.Ano po ang dapat ko po gawin Atty.Bimbi sa mga magulang po ng aking pamangkin.Nito pong last month nagpadala po ang ate ko sa anak nya ng 5taw pero sana po ay yung buwan buwan kahit man lang sa kanilang anak.At isa po sa dahilan sakin ng ate ko dahil sa pinaaral daw po nya kami nung college kaya kami daw po ng bunso kong kapatid ang magpaaral po sa kanilang anak.Sa birth certificate po ng pamangkin ko ay nakalagay po dun ang pangalan ng tunay nya pong ama at andun din po sya nung binigyagan ang aking pamangkin.Ano po ang dapat po naming gawin para po makuha ang tamang suporta para saking pamangkin po?pasensya na po kau sakin at marami pong salamat po sa inyo.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Gumawa ka rin ng ibang separate na post tungkol dito, ano? Akin nang nasagot ito doon sa bago mong post. Thanks.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.