Ang tanong mo (sa pagkaka-intindi ko) ay kung ano ang maaari mong isampang habla laban sa iyong asawa na OFW sa Dubai kung mapapatunayan mong nakikisama na siya sa isang lalaking may asawa din dito sa Pilipinas.
Ang ihahabla mo ay iyong asawa mo (na babae)? Sa ilalim ng ating Revised Penal Code, ang babaeng may asawa (kasal na legal) na makipag-talik o makisama sa ibang lalakeng hindi naman niya asawa ay nagkakasala ng adultery.
Para mapatunayan yung charge na adultery, kailangan mong i-prove na may relasyon iyong asawa mo sa iba. Ang relasyon niya sa ibang lalaki at mapapatunayan sa pamamagitan ng mga litrato nilang dalawa, mga sulat nila sa isa't isa, kung sila'y may joint account sa bangko, kung silang dalawa ay naka-pirma sa lease contract ng isang apartment at nakalagay doon na 'Mr.' and 'Mrs.'. Kung sila'y may anak yung birth certificate noong kanilang anak na nakalagay ang pangalan noong father noong bata ay proof din na siya ay may relasyong sexual na nagbunga.
Yun namang lalaki, kung siya'y kasal dito sa Pilipinas, ang maaaring maisampang asunto laban sa kanya ng kaniyang sariling asawa ay concubinage. Yung lalaki at iyong asawa mo ay idedemandang magkasama sa hablang concubinage.
Dito, I presume na kayong lahat ay mga Pilipino na ikinasal dito sa Pilipinas at wala ni isa sa inyo ay foreign national o naturalized sa ibang bansa at ikinasal sa ibang bansa. Kasi, ang mga batas ng Pilipino patungkol sa kasal at sa paglabag sa sagradong relasyon ng mag-asawa ay saklaw lamang ang mga Pilipino ngunit ang pagsaklaw na ito ay sumusunod sa kanila kahit na saan sila matatagpuan sa mundo.
Ang iyong habla ay iyong uumpisahan sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang Complaint Affidavit sa Public Prosecutor's office kung saan kayo naninirahan (sa Pilipinas) or kung saan kayo ikinasal.
Ang nakikita ko lamang na problema mo ay kailangang mabigyan ng summons ang iyong asawa. Kung siya'y nasa ibang bansa, mahihirapan kang padalhan ng summons ang iyong asawa. Magkaka-gastos ka. O di kaya'y hihintayin mong ang asawa mo at ang kanyang kalunya ay nasa Pilipinas at nagsasama din dito bago mo sila ma-habla ng adultery.
Ang pinaka maigi ay komunsulta ka sa isang abogadong ang specialty ay criminal law. Maigi din na ikaw ay humingi ng tulong sa DFA.
Sa totoo lang, medyo nahihirapan akong isipin na may kinakasamang ibang lalake ang asawa mo sa Dubai. Ang Dubai ay isang Muslim na bansa. May kaibigan akong babae na nasa Dubai. Ang asawa niya ay nagta-trabaho naman sa isang cruise ship sa Mediterranean Sea. Kada isa o dalawang buwan, dumadaong ang kanilang cruise ship at sila'y nagkikita ng kaniyang asawa.
Medyo mahigpit yata sila sa mga babae at lalakeng magkasama in public kahit kumakain lamang sa restaurant, lalo na kung sila'y magche-check-in sa hotel o magsasama sa iisang tirahan. Kailangang sila'y may dala-dalang kopya ng kanilang Marriage of Certificate na may translation sa Arabic para hindi sila mahuli ng pulis at maakusahan ng adultery. Kung sila'y mahuhuli ng adultery sa Dubai, ang kaparusahan doon ay death kasi iyan ang tagubilin ng Qur'an. Iyan ang pagkaka-alam ko sa batas at kultura ng Dubai.
Sana'y naliwanagan ka dito sa aking sagot.