Fair and equal treatment for both wives under Muslim wedding? Pag kinasal daw sa Muslim dapat fair lalo na pangalawang asawa

Janice Villegas
is in United Arab Emirates

Sabi rin po nila na pag kinasal daw po sa Muslim dapat po fair lalo na po kung pangalawang asawa po ako. Ok lang po ba nung kinasal kami na hindi po nalaman ng unang asawa ng asawa ko po na Bangladesh po. May bisa parin po ba kasal po namin sa pilipinas po kahit po hindi niya pinaalam sa family po ng asawa ko po? Sa ngayon po na hindi po sapat ang binibigay po niya na sustento po samin ng anak ko po, ano po dapat ko po gawin? Investor po sya dito sa UAE po, pero halos sa tuwing hihingi ako ng padala sa anak ko halos puro insulto pa naririnig ko. Sabi niya rin po na kung gusto niya ako hiwalayan sapat na daw ang konting halaga sakin. Alam ko po na malaki habol ko sa kanya kung i-lalaban ko po ulit at bubuksan po ang dati ko po isinampa na kaso po sa kanya. May medical din po aq nung nasaktan po nya ako. Sana po mapayuhan nyo po ako ng dapat ko gawin. Salamat po Atty



Topic: I was told that if you are married in a Muslim wedding, the wives should be treated fairly, even if I am the second wife. Is it ok that the first wife did not know that his husband married me? Is our marriage still valid even if I am the second wife? He is now not providing enough financial support for our child. He is a Bangladeshi and investor here in United Arab Emirates (UAE). Whenever I ask for financial support, he just keeps on insulting me. I also have medical proof that he was physically hurting me before.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Nasaan ka ba? Nasa Pilipinas? At saan kayo kinasal? Dito sa Pilipinas? Sino ang nagkasal sa inyo? Imam o husgado?

Ang mga katanungan na ito ay mahalaga sapagkat ito ang makapag-sasabi kung ang inyong kasal ay nasa ilalim ng Sharia law o sa ilalim ng Family Code.

Hindi ako expert sa Sharia Law. kasi, kailangan ay Muslim ka para maging expert ka doon. Ang Sharia law kasi ay hango sa mga batas na nasa ilalim ng Qur'an.

Ngayon, ang alam ko, kung ang isang Muslim ay mag-aasawa ng pangalawa, kailangang maipakita niya na may kabuhayan siyang sapat na pan-suporta sa kanyang mga asawa at sa kani-kanilang mga anak. Kung hindi sapat ang kanyang kabuhayan, hindi siya dapat magpa-kasal.

Hindi mo rin nabanggit kung ikaw ay Muslim. kasi, ang alam ko, hindi ka puedeng magpa-kasal bilang pangalawang asawa kung ikaw ay hindi rin Muslim. Dapat ikaw ay nagpa-convert. Nagpa-convert ka ba?

Hindi rin ako familiar sa Banladeshi Law. Dapat kasi, sa ilalim ng comity at reciprocity, kung kayo ay ikinasal sa Bangladesh, hihiingan kayong dalawa ng Certificate of No Marriage o kaya't Certificate of Eligibility to Marry.

Kung wala kayo dito sa Pilipinas, at ikaw ay mag-file ng kaso para sa suporta ng inyong anak, hindi ko alam kung ano'ng batas ang mag-a-apply sa iyong kaso. kasi nga, hindi ko naman alam kung nasaan ka, kung nasaan ang bata at kung saan kayo kinasal.

Malamang sa kung nai-kasal kayo na hindi alam ng unang asawa niya na nasa Bangladesh, eh, ito ay hindi naaayon sa kanilang batas. Kasi, dapat andun din ang unang asawa sa kasal ninyo -- kasi, tatanggapin ka dapat noong kanyang pamilya.

So, sorry, hindi kita mabibigyan ng liwanag sa iyong mga katanungan.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
By the way, kung ikaw ay kanyang sinasaktan at ikaw ay may medical certificate, dapat ay mag-demanda ka na. Ito ay physical abuse. Ang mga insultong binibigay sa iyo kapag humihingi ka ng suporta para sa inyong anak ay verbal abuse. Sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, ito ay isang seryosong krimen.

Dapat ko palang paalalahanan ka na ang kultura sa India, sa Pakistan at sa Bangladesh ay hindi masyadong nagrerespeto sa mga babae. Second class citizen ang mga babae. Sila'y walang masyadong mga civil rights. Sila ay parang mga ari-arian ng kanilang mga asawa.

Sa mga diyaryo, pangkaraniwan na na ang mga babae ay ginagawang punching bag ng kani-kanilang mga asawa o mga mother-in-law. Kapag hindi sila nagustuhan ng kanilang asawa, maari silang bugbugin o "disiplinahin". May nabalita nga na may babaeng sinunog ng kanyang asawa dahil sa tindi ng pagseselos. May isa namang babaeng dinukit ang mga mata, at hiniwa ang ilong. Sa Discovery Channel ko yata napanood iyon. Ang babae ay kina-awaan ng mga social workers at dinala sa Amerika para sa plastic surgery. may mga lalaki na binubuhusan ng asido o kaya'y gasolina ang kanilang mga asawa at sinisilaban.

Ayaw kitang takutin, ngunit, kung ikaw ay sinasaktan na, ang lahat ng mga study ng mga lalaking nambubugbog ng asawa ay nag-i-increase ang kanilang violence. Huwag mo na please hintayin na mapinsala ka pa.

Please, go and get help.
Janice Villegas
is in United Arab Emirates
Nasa Abu Dhabi UAE po ako ngaun Atty.Bimbi.Kinasal po kami ng asawa ko po sa Pilipinas po sa Pampanga sa mga muslim po.Imam po ang nagkasal po saming mag asawa po.Legal po ang aming kasal dahil nung pinadala po samin yung marriage contract ay may red ribbon po at tatak po ng UAE embassy po dyan satin sa Pilipinas po.Kasi yun po ang kailangan dito sa UAE sa mga mag asawa.Ano po ba ang pinagkaiba ng Sharia Law po at Family Code malaki po ba ang pagkakaiba po nila Atty.Bimbi?Isa pong businessman ang asawa ko po dito sa UAE kaya po kahit 4 na asawa gawin nya kaya nya po , kaso ang problema po kahit sa maganda ang kanyang trabaho at negosyo hindi parin po nya binibigay ang sapat na pangangailangan naming mag ina.Nag convert na po ako ng muslim dahil yun po ang kailangan para kami po ay makasal sa Pilipinas po.Nung kinasal po kami sa Pilipinas ako lang po ang hiningan ng singleness po dahil sinabi po ng asawa ko na 2nd wife nya po ako kaya nakalagay po dun saming marriage contract na married po ang status ng aking asawa at sa 2nd wife po ako.Ang panganay ko po na anak ay nasa Pilipinas dun ko po sya pinanganak hanggang sa ngaun po.Nung tinanong ko po kasi ang mga muslim sa Pilipinas sabi nila kahit daw hindi pinaalam ng asawa ko sa kanyang asawa ang pag aasawa ng pangalawa ay ok lang daw po un wala daw pong problema.Legal po ba ung kasal po namin Atty.Bimbi kahit hindi po alam ng kamag anak at asawa ng asawa ko ang pagpapakasal po namin?Nung sinaktan po nya ako nag pa medical po ako agad at agad na nagsumbong sa mga pulis nabigyan po sya ng warning at pag inulit nya po ulit un ay deport na po agad sa bansa po nila.Un po ang sabi ng mga pulis po dito.Wala na po ba ako karapatan makuha ang karapatan ko po sa asawa ko Atty.Bimbi?Pano po pag kinuha nya ang anak ko makukuha po ba nya ito sakin?sa birth certificate po ng bata sya nakalagay po na ama may habol po ba sya sa anak ko po?Sna po mapayuhan nyo po ako.Maraming salamat po.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, napaka-hirap ng iyong kalagayan. Ikaw na ngayon ay isang Muslim. Kung kaya't ang iyong mga karapatan ay nasa ilalim na ng batas ng mga Muslim. Ang problema ay medyo may kilya ang batas ng mga Muslim sa mga lalaki (medyo hindi nila tinuturing na pantay ang mga babae pagkat ang mga babae ay tinuturing na property lamang ng lalaki).

Hindi ko masasagot kung anu-ano ang mga karapatan mo bilang asawang Muslim. Hindi ako eksperto sa Sharia law. Ang alam ko lang, dahil sa ikaw ay nagpa-convert, pinili mo nang magpa-sa-ilalim ng Sharia. Hindi mo na puedeng i-invoke ang mga karapatan mo sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas.

Pangalawa, ikaw ay naninirahan at nagta-trabaho sa isang Muslim na bansa. Ang mga batas ng bansang iyan ang iiral sa pagitan ninyong mag-asawa dahil sa kayo'y diyan naninirahan ngayon.

Siguro, kahit sa ilalim ng Family Code o sa Sharia man, kung ikaw ay second wife, ikaw ay dehado. Hindi ko alam kung paano ka papayuhan. Magtanong ka sa mga Embassy officials. O kaya, may mga non-government organisations diyan sa mga Muslim countries na tumutulong sa mga babaeng minamaltrato ng kanilang mga Muslim na asawa. Bukod dito, I really don't know what to say that can be of any use to you.

I am so sorry.
Janice Villegas
is in United Arab Emirates
Gnun po ba Atty.Bimbi,Nkarehistro po ba ang aming kasal sa Pilipinas po kung sa muslim po kami kinasal ng aking asawa po?maraming salamat po Atty.Bimbi.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.