Land title under mother's name, no will

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Dear Attorney,

Walo kaming magkakapatid 4 na legitimate at 4 na illegitimate. Namatay ang ina ko ng walang will. May tatlong titulo na naiwan ina ko. Isa sa kapatid namin sa una eh nag file ng judicial partition. Lahat ng titulo eh nakapangalan pa rin sa ina namin until now. Namatay na 3 kapatid ko sa una, at 2 sa pangalawang sibling. ang mana kong hati dahil andito ako sa USA eh ibinigay na ng una kong kapatid na natitira sa akin ng umuwe ako nitong taon na ito 2014. Ang bahay ng ina ko. ang kaso ayaw umalis ng mga anak ng isa nilang kapatid na patay na ( kapatid sa unang sibling, legitimate) . Iyung kapatid nilang ito eh me mana na, ang kaso ninakaw ng isang apo ng isang kapatid nila (first sibling legitimate) at nagpatayo doon ng malaking 4 na palapag na bato. Iyung mga anak eh inangkin ang bahay ng ina ko na dapat eh mana ko. sa ngayon ang balita ako eh inaayos nila ang bahay at nag papa extension para paupahan. Sinabihan ko na sila ng umuwe ako na umalis na sila dahil akin ang bahay na iyun at lupa at nasa akin ang titulong tunay na halos magutay na. sa ngayon po eh nasa pangalan pa rin ng ina ko ang lupa. ako po nagbabayd ng amilyar ng lupa since my mother died in 1990. Hindi ko pa po naipapalipat ang titulo sa name ko pero panay po pagawa nila sa bahay ng walang pahintulot naming natitirang tatlong magkakapatid, apo lang po sila. sinabihan ko na rin po na bawiin nila ang mana ng ama nila doon sa nagnakaw ng bahay at lupa nila kaso parang sa tingin ko po eh binayaran na siya ng nagpatayo sa lupa nila. magulo po kuento. tanong ko po maaari ko po ba silang paalisin sa mana kong lupa at bahay at nasa akin ang tunay na titulo.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ganito kasi iyon. (Tama ka, masalimuot ang kuwento).

1. Kahit walang last will and testament na naiwan ang nanay ninyo, puede kayong magpa-extra-judicial settlement of estate. Dapat ay noon pa ninyo ito ginawa noong namatay ang inyong ina. AT nang ang lupain ay dapat nailipat na sa mga pangalan ng mga heirs ng inyong ina.

2. Kung ang nais ninyo ay paalisin lamang ang mga nagtayo ng bahay at lupa sa inyong lupa, ejectment lamang ang inyong kailangang i-file. At ito ay maaari mong i-file sa isang MTC or MTCC Ang ejectment ay isang kasong ang layunin ay paalisin ang isang taong naninirahan sa isang bahay o lupa nang wala namang karapatan (dahil sa ayaw mo na silang patirahin dito).

3. Iyon na nga lang, kung ikaw ay maga-file ng ejectment case, sasagutin naman ng mga taong iyan ang kaso at ikaw ay ide-demanda sa mas mataas na hukuman para makuha nila ang kanilang parte ng mana. Pati doon sa ejectment case, ang depensang gagawin ng mga ide-demanda mong mga apo ng inyong ina ay sila ang nag-ma-may-ari dito. Pero, dahil sa ang titulo ay nasa pangalan pa ng nanay mo, maaari mo pa rin silang paalisin. Dahil sa ikaw nga ay legitimate heir ng iyong ina.

4. Sa mga ganitong kaso, dapat itutuloy pa rin ng MTC ang ejectment case kahit na i-raise ng mga defendant (mga apo) and depensa nilang ownership. Iyon na nga lang, magkakaroon ng prejudicial question: sino nga ba ang lehitimong nag-ma-may-ari ng lupang naiwan ng iyong ina?

5.So, baka ang issue ng ownership ay maging prejudicial question (ibig sabihin, kailangan munang masagot kung sino ba talaga ang dapat mag-may-ari ng lupa bago ma-settle ang issue ng sino ba ang may karapatang manirahan o mag-tirik ng lupa doon)

6. So, ang pinaka-maganda dito, unahin mo nang magpa-gawa ng extrajudicial settlement of estate. Bayaran mo ang mga tax at nang ikaw ay magkaroon ng karapatan at standing para mag-demanda.

7. Tapos, saka mo idemanda ng ejectment. Hayaan mong sila ang mag-demanda ng kaso ukol sa manahan (malaki kasi ang docket fee sa kasong manahan).

8. Maghanap ka ng abogado na puede mong pagkatiwalaan diyan sa inyo. Mahirap ang dito lamang sa internet ka aasa. Una, ang lahat ng mga sinabi ko dito ay mga general principles of law. Hindi ko naman batid ang lahat ng mga facts sa inyong kaso at hindi ko naman nakikita ang mga dokumento kung kaya't hindi ko masabi kung ano ba talaga ang mga karapatan ninyo sa ilalim ng mga dokumentong hawak ninyo. Pangalawa, ang mga sinabi ko dito ay iyong karaniwang ginagawa sa mga karaniwang mga kasong ganito -- baka hindi karaniwang ang inyong kaso dahil ng sa may mga facts na baka mahalaga, pero, hindi mo naisama sa iyong kuwento.

Komunsulta sa isang abogado at nang ikaw ay talagang maliwanagan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thank you so much for your reply Atty. Bimbi,
Tama kayo dapat noon pa namin pina extra judicial ito ang kaso iyung mga anak sa una eh nag aaway sa mana nila. Is there any possible way na malipat ang mana na hindi na kelangan ang extra Judicial settlement dahil ng nag-aaway ang tatlong mag kapatid sa una eh dinemanda nila ang isa nilang kapatid dahil gusto nito na ibenta lahat ang titulo ng mother namin at pati pangalan namin eh nasama sa demanda pineke ang pirma namin at iyung judge eh hinati na ang titulo sa walong magkakapatid at dahil kami eh elligitimate, halos half of 89% na mana ng legitimate ang amin.
the children of the legitimate siblings now do not want to sign any papers para malipat sa name namin ang mana namin ang katwiran nila eh sa lola nila iyun so dapat eh sa kanilang tunay na apo lang daw mga mana. Salita ko apo ka lang anak kami, sa ngayon isa na lang natitira sa legitimate sibling. So is there another way to transfer the title to my name. I will be going to to PI this coming year and will try to find a way to transfer my mana.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sa totoo, I cannot give you a definite answer. In the first place, naguguluhan ako sa kuwento. Iyong bang mga nagtayo doon ay mga anak ng nanay mo o anak ng mga kapatid ng nanay mo? naguguluhan talaga ako.

AT ang isa pa, iyong sinasabi mo tungkol sa manahan, at sa kasong kanilang isinampa, that I cannot comment on because I have not seen any of the papers.

Again, the best thing to do in order to make heads and tails of this is to go to a lawyer in your locality and ask for advice. Bring all your papers and make a family tree para maintindihan ang mga relationships ninyo.

Sa totoo, ang illegitimate child is entitled to half the share of a legitimate child. Kaya, dehado talaga kayo sa manahan.

Offhand, kung ang titulo ay nasa pangalan ng iyong ina, hindi deretsong maililipat ito sa iyong pangalan. Kailangan dumaan pa rin ito sa pangalan ng lahat ng heirs, bago pa ito ililipat sa pangalan ng particular na heir (ikaw) kasi, kailangan may continuity ang ownership.

Sa ilalim ng batas, dalawa lamang ang paraan ng settlement of estate: extrajudicial at judicial settlement of estate.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good Day po Atty. Bimbi

Ganito po yun. May naiwan po na house and lot ang Lolo ko Clean Title po ito. May Pito po syang anak, apat na buhay at tatlong pumanaw na po. Ngayon may dumating na Notice galing National Housing Authority at malaki po yung bayarin nila sa Amilyar. Apo po ako ng may ari ng bahay. Ngayon po sabi ko sa mga Tita at Tito ko, ako na lang po bibili ng bahay at magbabayad ng Amilyar. Sabi ng Tita ko, total Pamangkin ka namin, wag na natin sabihin na ibenta ipa Transfer na lang natin yung name ng Lolo mo sa name mo para walang malaking gastos at walang maraming documents. Pero sabi ko po gusto ko magkaroon ng kasulatan at katibayan na nagbayad ako sa bawat isa sa kanila. Paano po ba ang Proseso nito ng ganito. Sorry po parang medjo magulo ang paliwanag ko.

Thank you po.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.