Teka, teka,medyo naguguluhan ako sa mga facts mo. May OFW na lalaki, nagpakasal sa isang Pinay. Secret marriage lamang at hindi naman sila nagsama, wala silang anak. Ngayon, may kinakasama ang lalaking iba at nalaman ng kanyang kinakasama na kasal siya. Heto ang hindi ko maintindihan -- aling kasal ang na-diskubre noong kinakasama niya? yuon bang doon sa Pinay na hindi naman sila nagsama -- o sa iba pa ring babae?
At kaninong side ka? Sa lalaking OWF? Sa Pinay na pinakasalan? Sa kinakasama? O doon sa isa pang pinakasalan?
Manyari, kaya ko naitanong kasi, ang mga karapatan ay dumedepende kung sino sa kanila ang na-unang pakasalan. The first marriage is the legitimate one. So, kung ang unang pinakasalan ay iyong Pinay na hindi naman sila nagsama, sa kanya iyong legitimate marriage. Kung bago pa man sila nagpakasal ay kasal na sa iba pa rin itong lalake, iyong first marriage ang legitimate.
Sa ating bansa, kung tutuusin, walang 'secret' na marriage. Ang lahat ng marriage ay dapat na publicly celebrated (sa simbahan man o sa husgado), tatlong testigo lamang o tatlumpung ninong at ninang, en grade man o intimate wedding. Dahil sa may license ang marriage, ito ay isang public act. Dahil dito sa salitang 'secret' marriage, naguguluhan ako.
Yung iba kasi, kapag sa huwes sila nagpakasal at hindi nang-imbita ng mga magulang, kamag-anak o kapatid, akala nila, ito'y 'secret' marriage na at hindi tunay -- kung ito'y sumunod sa lahat ng rekisitos ng batas tulad ng marriage certificate, at ang mga partido ay nasa wastong gulang at ang nagkasal sa kanila'y may authority na magkasal, ang kasal na ito'y legal at may bisa.
Yung iba naman, may kasal sa simbahan pero, 'for show' lang pala (parang mga artista sa isang soap opera -- may damit, may martsa, may halikan at picture-picture pa, may naka-damit pari pa pero walang lisensiya, at pagka-patay ng mga ilaw, hindi naman sila talaga kasal) -- iyan ay isa ring 'secret' marriage. Pero, sa totoo, ito ay hindi 'secret' -- dahil sa there is really no marriage to speak of!
Ang pinaka maganda ay kumuha ng kopya ng marriage certificate sa NSO -- pag may lumabas na marriage certificate -- it is not a secret marriage after all -- ito ay tunay na kasal. Kung nais malaman kung ilan na nga ba ang pinakasalan ng magaling na lalaking ito -- kumuha ka ng certificate of no marriage sa NSO din. Ang mangyayari dito ay gagawa ng search ang NSO sa kanilang data bank o index of marriages. Hahanapin nung computer ang pangalan ng lalaki. Lahat ng mga kasal na rehistrado na ang kinasal ay lalaking ka-pangalan niya, lalabas. Again, iyong nauna ang presumed na legal at binding.
Kung iyong doon sa Pinay ang first marriage, sa kanya iyong presumed na lehitimo. Pero, dahil sa hindi sila nagsama o nagtalik kahit na kailan, this marriage is unconsummated. May grounds siya for annulment of the marriage under Article 36 na psychological incapacity (sa dinami ng kasal ng lalaki, nangangahulugan lamang na hindi niya batid na ang marriage ay exclusive --sa iisang esposo/esposa lamang habang-buhay).
Kung ang sa Pinay naman ang pangalawa (o pangatlo na marriage), declaration of nullity ang kailangan niya -- kailangan lang niya i-prove na kasal pala sa iba iyong lalaki noong nagpakasal sila AT hindi niya alam. At hindi naman sila nagsama talaga.
Kung ang nagtatanong naman ay iyong kinakasama noong lalake sa ngayon, naku, dapat na makilala niya si Lorena Bobbit -- ano? Hehehe, joke lang. If this latest love has any good sense, naku, break it off dahil sa ang taong iyang ay walang muang sa salitang commitment. Pero kung talagang true love, at handa siyang magpaka-sakit at magparaya at magpaka-martir, well, ano bang masasabi ko? Pakasalan niya matapos na ma-annul ang lahat ng mga kasal ng lalaking ito -- maghihintay siya. Dahil sa totoo, hindi malaya ang lalaking iyan.
I hope na nasagot ko ang iyong tanong.