Want to divorce my Japanese husband. How to/Paano po ba ang pagprocess?

Cindy Domingo
is a part time job in Japan

Good pm gusto ko po sana makipagdivorce sa asawa ko Japanese? Paano po ba ang pagprocess? At gaano katagal ang aabutin? Wala po kame anak. Lage po kasi kame nag aaway at hindi na po kami magksundo.



Translation: I would like to divorce my Japanese husband. How do I process this? How long would it take? We do not have any children. We always fight and we do not get along.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ikaw ay kasal ng legal sa iyong asawang Japanese at nais mong magpa-divorce?

Unang tanong, saan kayo ikinasal? Sa Pilipinas ba or sa Japan? Mahalaga ito kasi, kung sa Japan kayo ikinasal, maaari kang magpa-divorce pero kung sa Pilipinas kayo ikinasal, walang divorce dito. Annulment lang.

Pangalawang tanong, saan kayo citizen? Yung asawa mong Japanese, hanggang ngayon ay Japanese citizen? Ikaw, Japanese citizen ka na rin ba? Kasi, kung Japanese citizens kayo pareho, puede kayong mag-pa-divorce sa Japan. Kung ikaw ay Pilipina, at ang asawa mong Japanese hanggang ngayon ay citizen pa rin ng Japan (hindi siya nagpa-citizen sa Pilipinas), maaari kang i-divorce ng asawa mo sa ilalim ng batas ng Japan (sorry, wala akong alam sa batas ng mga Japanese). Pero ikaw, dahil sa Pilipino citizen ka, hindi mo puedeng i-divorce ang asawa mo. Walang divorce sa Pilipinas.

Kung nais mo, dito sa Pilipinas, maaari kang magpa-annul ng marriage ninyo, pero, kailangan mo nang mabigat na dahilan na maaaring i-ugnay sa psychological incapacity to fulfill the essential obligations of marriage. Ito lamang ang nag-iisang ground para sa annulment ng marriage na walang kinalaman sa ligalidad ng pagse-selebra ng marriage.

Napaka-hirap nitong i-prove. kailangan ay may psychologist o psychiatrist pag susuri sa inyong dalawa at ang propesyonal na ito ay haharap sa husgado upang magsalaysay ng opinion niya tungkol sa personality disorder ng asawa mo.

Hindi komo't hindi kayo magka-sundo at laging nag-aaway ay may psychological incapacity na. Isang psychiatrist lamang ang puedeng magsabi kung ang isang tao ay may personality disorder sukat na hindi niya alam o batid ang mga obligasyon ng kasal kung kaya't hindi niya magampanan ang mga obligasyong ito.

Ang kabaklaan or pagiging tomboy ay grounds lamang para sa legal separation. Ang pambubugbog ay maaring manifestation ng psychological incapacity ngunit, kailangang ma-prove na bago pa kayo ikasal, may tendency na siya sa violence at noong ikasal kayo, saka mo lamang nakita na mayroon nga siyang tendency toward violence.

Kung ikaw ay nilalait at hinihiya sa publiko, kung ikaw ay kino-kontrola bawat galaw mo, hindi lang annulment dahil sa psychological incapacity ang maaari mong isampa, maaari ka ring magsampa ng habla sa ilalim ng batas na Anti-Violence against Women and their Children.

kailangan mong sumangguni sa isang abogado na pinagkakatiwalaan mo at kailangan mong ilahad sa abogadong iyon ang mga bagay-bagay sa inyong pagsasama na maaaring makapag-bigay ng ideya sa abogado upang masabi niya sa iyo kung ito ba ay sumasailalim sa saklaw ng 'psychological incapacity'.

Hindi ko masasagot ng buo ang iyong katanungan.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
PS -- isang halimbawa ng psychological incapacity ay iyong isang lalaki na simula't sapul sa gabi ng kasal nila ay ayaw man lamang yakapin o halikan ang asawa at kahit na isang taon na silang kasal ay hindi man lamang siya nakikipag-talik sa kanyang pinakasalang babae.

Kung anupaman ang dahilan na ayaw niyang makipag-talik sa kanyang asawa (basta't hindi siya impotente), hindi niya batid ang kanyang tungkulin bilang isang asawa.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
what is your status visa now? Are you working? pag spouse of japanese national visa mo mas maganda may work ka ngayon kasi sa wala kayong anak may reason na ma extend ang visa mo pag my work ka pag ng divorce kana at kailangan mo ng matinding reasons to file divorce actually madali lang naman mag divorce dito if your visa is spouse willing ka na bang bumalik sa pinas bec wala na yun guarantor mo para ma extend ka pa 2nd if you already file a divoce you must go to the nearest cityhall to file for divorce then ibibigay sayo yun application form they will explain it to you what to do. First papipirmahin mo ang asawa mo depende sa ugali ng asawa mo sa tingin mo ba papayag siya pag sa tingin mong hindi mag ask ka sa cityhall na tulungan or pano ang gagawin mo violente ba so puede kang humingi ng advise sa cityhall at explain mo yun reason mo why filing a divorce kung wala naman problema sa asawa mo at pinirmahan kagad just bring it back to cityhall and its done you must wait 6 months then after that you will be declare a divorce already will be writen in koseki tohon (family register). So ok na the next will be your visa if your holding a permanent visa you can able to stay here whenever you want but you must work ofcourse if your not yet a permanent there are possibilty that you cannot able to extend your visa because you dont have children but if you are working right now you can able to get a documents needed in immigration to your employer. So it will depend on your situation and your plan after divorce. If you some more questions let me know im willing to help you what only i know ok goodluck

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.