Yung sinabi mo na ipa-late registration, iyan ang ginagawa ng maraming mga tao. Ang problema nga lang ay falsification ito ng isang public document -- so it is a crime. I would advise against it kasi, in the end mas maraming problemang dulot ang ganitong gawain.
Puede naman na ipa-declare mo na muna na abandoned na iyong bata. Kaso, dapat sigurado ka na mayroon kang proof na yung bata ay talagang hindi na inaaruga noong magulang. Yun namang isang parent ay unknown kasi ang sabi mo, hindi ito anak noong kapatid mo? Puede iyon kaso nga lang, kailangan pa rin ng kaso sa husgado. Kailangan din ng report ng DSWD sa katunayan na abandoned na nga at neglected ng biological parents iyong bata. Ang problema lang dito ay ang mga epekto nung declaration na iyong bata ay abandoned na ng kanyang biological parents.
Anytime kasi na gusto kang perahan ng ama o ina nung bata ay madali ka lang gipitin sa pamamagitan ng pagsulpot at pagsasabing ninakaw mo ang bata o nilinlang mo sila at ang husgado. Mahirap naman iyon dahil sa ikaw na nga ang nagmamagandang loob, ikaw pa ang mag mumukhang masama.
The best thing to do ay ang maghanap ka ng abogadong ang specialization ay adoption and family law. Kung malalaman ng abogado ang lahat ng mga relevant na mga facts sa kalalagayan at katatayuan mo at noong bata, mas mabibigyan ka noong abogado ng konkretong mga sagot sa iyong katanungan.
By the way, sino ang nagpapalaki sa bata ngayon? Kasi, kung ikaw ang magpapalaki sa bata, hindi mo rin kaagad madadala sa Singapore iyon. Mahihirapan ka din kung kasama mo doon ang bata na ganoon ang edad kasi, tututukan mo ang pag-aalaga sa bata. So, baka mahirapan ka ring papaniwalain ang husgado na ikaw ang the best na puedeng tumayong magulang nitong batang ito. Iyong kasi ang kailangan. You need to prove that you are fit to be a parent to this abandoned child.
So bale dalawa ang attack mo: sa isang banda, kailangan mong i-prove na hindi fit na parents iyong bilogical parents noong bata; at sa kabilang banda, kailangan mong i-prove na ikaw ang fit parent. Kasi, kung hindi rin ikaw ang nag-aalaga sa bata, baka hindi din sa iyo ibigay ang custody at parental authority sa bata.
Ang isa pa ay single ka. Medyo conservative ang ating mga husgado at ang nais nila ay mas mabuti ang kalalagyan noong bata sa mag-a-adopt (kahit na kamag-anak pa) kaysa doon sa kinalalagyan noong bata sa ngayon (sa piling noong neglectful na mga magulang) o doon sa taong aktuwal na nangangalaga sa bata (iyong taong may loco parentis -- the person who is actually parenting the child where he is, or iyong taong araw-araw na talagang nag-aalaga sa bata).
Ang isa pang considerasyon ay, kung makahanap ka ng lalaking iibig sa iyo at iibigin mo rin, baka maging issue sa inyo ang pagkaka-ampon mo sa iyong pamangkin. So, kailangan mo ding isipin iyon.
Masyadong mahaba at masalimuot ang usaping ito para sa isang website. You need a good family lawyer to help you, although I hope that my answers will give you some idea at least. Good luck and Happy New Year!