Married, inabandona ng wife ko kami ng anak ko, pananakot, blackmail

Leo Perez
is in United States

Hingi sana ako nang advise sa inyo. Married po ako with 1 son, pero inabandona po kami nang asawa ko nong 3 years old pa ang anak ko kaya ako nalang mag-isa nagpalaki sa anak ko sa sarili naming bahay mag-asawa. Bali nong una na wala pa kaming anak pag may di kami pagkakaunawaan umaalis siya nang bahay. Kaya ginagawa niyang panakot sa akin na aalis siya kung patuloy pa akong makikipag argue sa kanya. Kaya nasanay ako na di nalang kikibo, kaya lahat nang gawaing pang babae ako ang gumagawa para di na siya lumayas pa. Hanggang sa mag kaanak kami, lalo lumaki ang problema ko kasi ginagawa na niyang panakot na lalayasan niya kaming mag ama. Hanggang sa dumating ang araw na di ko na matiis na pinapabayaan niya ang anak namin, kaya pumalag na ako at nag alsabalutan siya at di ko na siya hinanap pang muli. Sabi pa niya baka may iba na raw ako kaya din na ako natatakot sa kanya makipag away.

Sa ngayon po 8 years old na po ang anak ko Grade 3 na po. Ang mga katanungan ko po ay ganito;

1. Ang bahay at lupa na nabili ko nong mag asawa kami at ang bahay na pinagawa naming dalawa, hindi ko na po pinaayos nagbanta po kasi siya minsan nang tumawag siya sa opisina na kahit anu raw gawin ko sa kanya parin daw ang bahay kasi may karapatan siya dahil asawa ko siya at kasal kami, siya parin daw ang panalo dahil babae siya at marami siyang karapatan. Tama po ba yon? Kaya di ko na po inimprove pa kasi baka bigla siyang bumalik at baka ibenta niya sayang naman ang gastos ko. Anytime daw pwede siya bumalik at kukuha nang mga gamit na meron ako?


2. Tama din po ba na dahil asawa ko siya anytime pwede siyang pumasok o bumalik sa bahay naming na parang walang nangyari?


3. Sabi nang mga kaibigan niya at nang anak ko nang dalawang beses pinuntahan siya sa school iba iba daw ang bf nang Mama niya. Di ko po pinagbabawal ang anak ko na magkita sila kasi karapatan niya daw yon. Di rin ako takot na di niya ibalik kasi alam ko ibabalik niya parin kasi di niya kaya mag alaga nang bata, naaaburido agad kasi siya. Tama ba na magkulong nalang ako na di dapat makipagrelasyon? Minsan mahirap na kami lang nang anak ko sa bahay wala akong mapag kwentuhan nang sakit. May mga kaibigan akong babae na nagkakagusto at naaawa na sa akin pero iniiwasan ko sila dahil takot akong madamay sila. Tama ba to ginagawa ko? Wala ba talagang karapatan ang lalaki na abandonado sa awasa na magmahal uli?


4. 2 years na akong solo parent member kasi late ko na nalaman na may ganun. Pero sa barangay namin aware sila na matagal na akong solo parent. Anu po ba ang gagawin ko para di na ako ma blackmail nang dati kong asawa at maiwasan ko ang pananakot niya sa akin?


5. Sa ngayon po takot akong bumili nang property gaya nang subdivision kasi baka maging pagmamay ari din niya ito. Totoo ba to? Lahat nang property na maacquire ko kahit inabandona na niya ako, may karapatan parin siyang mag may ari? O may karapatan parin siyang angkinin to, papasok at makikialam.


6. Sa ngayon po papalit palit siya nang leave in partner, ano po ang dapat kong gawin? Sabi po niya karapatan niya daw po sumama o tumira sa mga taong gusto niyang makasama.?



Sa sitwasyon ko pong ito mahirap lang po ako, at saka gusto ko rin pong lumigaya man lang at tumanda na may kasama. Kahit ang anak ko nga naaawa na sa akin na hanapan ko daw siya nang mabuting mama at gusto daw niyang may kasama na kami sa bahay. Pero ang annulment ay napakamahal di ko rin alam kung magiging successful. Naiinggit ako sa ibang tao na hiwalay at ngayon may sari sariling pamilya na sila pero di nila pinakikialaman ang isat isa di tulad nang ex wife ko parang balak pa na perahan ako.


Pls.. tulungan niyo po ako..


Leomark


About the author

Leo Perez

United States , Butuan City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Dear Leo,
I can only answer the questions regarding the law. It seems to me that your wife is suffering from a psychological incapacity to understand what the requirements and obligations of marriage are.

Una, your wife manipulates you, and threatens you, instead of loving and supporting you.

Second, your wife has left your family home and has intentionally chosen to stay away from you and from your child, leaving you all by yourself to care for and support your child.

Third, your wife has engaged in extra-marital affairs with other men and is not ashamed to flaunt it.

With these facts, I think that you MAY have grounds for annulment of your marriage. You also have grounds for declaring your wife to have abandoned her parental rights. You can actually try to ask the court to terminate your wife's parental authority over your child especially if she has not supported him or taken care of him and if she is living a lifestyle that will corrupt your child if your child is continuously exposed to your wife's many extra-marital relationships.

About your properties, I will assume that you were married after 1989, when the Family Code was already effective. Under the Family Code kasi, you and your wife share an absolute community of property. So ibig sabihin, sa bahay at lupa ninyo, 50-50 kayo -- sa pagmamay-ari. Ngayon, kung ikaw ang nagbabayad ng ameliar, at kung ikaw ang nagbabayad ng kung anu-ano pa mang gastusin, you have a right to be reimbursed for all the costs you have incurred.

Pag na-annul na kayo, you can actually sell the property and just split the proceeds in half. Or, you can actually agree and just put the house and lot in your child's name as it will belong to your child. This will protect your child in case magkaroon ng anak ang wife mo sa iba, at ikaw din naman, kung ikaw ay magka-anak sa iba, protektado ang inyong anak doon sa kanyang property kasi, siya naman ang taga-pagmana ninyong dalawa dahil sa iisa lamang siyang anak ninyo.

As for other properties you intend to buy, it will still be part of the absolute community of property hanggang sa hindi pa na-a-annul ang inyong kaso, so, technically, may share pa rin siya doon. Ngunit, kung siya ay wala namang nai-contribute doon sa pagbili noong bagong property, at hindi mo naman ibinenta ang lumang property para maka-bili ng bagong property (ibig sabihin ba'y none of the assets of the marriage was used to purchase the new property kundi ang lahat ng pinambili sa bagong property ay galing sa suwedo mo lamang), it will be a matter of proof. Ang pinaka maganda, ilagay mo ang titulo ng bagong property sa pangalan ng anak mo. That way, hindi magagalaw basta-basta ng wife mo.

Actually, since your wife left the family abode, when you file a case for annulment (if you do decide to file that case), you can ask the court to award you the property in compensation for the damages that your wife's abandonment has resulted in. kasi, hindi ka nakapag-trabaho ng maayos dahil sa ikaw pa rin ang nag-aalaga sa anak mo. Tapos, hindi naman siya nagbibigay ng sustento para sa anak ninyo, kaya mag-isa mong binuno ang pagpapalaki at pagpapa-aral sa anak ninyo.

The best thing to do, is to find a lawyer to whom you can give all the details and who can give you an idea kung anu-ano ang puede mong gawin.

Please note, ang pag-aabandona ng anak ay isang act of child abuse. Lalo na kung ang nag-abandona ay ang ina. Ang hindi din pagsusuporta sa bata ay isang act of child abuse sa ngayon. So, ayan, puede mo ring panakot iyon.

Mas maigi siguro ay pagsabihan mo na ang eskuwelahan na ang anak mo ay hindi na dapat ibigay sa ina o hayaan na ang ina ay pumasok pa sa eskuwelahan dahil sa nadi-distress ang bata -- tinatanong siya ng mga classmates niya kung sino yung babae, at kapag sinabi niyang mommy niya, tinatanong kung bakit may ibang kasamang lalaki ang mommy niya ay hindi ang daddy niya. So, this is emotionally distressing to a child and you can actually stop your wife from seeing your child especially if your wife is accompanied by a boyfriend of hers. Iyon na nga lang, expect trouble if you do this.

Your wife is very manipulative. If you do decide to act on any of these things, be prepared for retaliation -- your wife seems to always want to have her way and will not stop until she gets what she wants.

Get a good lawyer.
Leo Perez
is in United States
salamat po nang marami atty. bimbi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.