Hiwalay Sa Written Agreement Lang

Mikhail Faustino
is a Ex OFW in the Philippines

Magandang hapon po.


may pinsan po ako na babae, 26 years old.


Nakipag relasyon po sya sa isang lalake na OFW ng Saudi at sya po ay 50 anyos na.


Sila po ngayon ay live-in partner at nagpaplano bumili ng sariling bahay nila.


Kasal po yung lalake at hindi legal na hiwalay sa dati nyang asawa.


Ang nabanggit lang po ng pinsan kong babae ay may agreement yung lalake sa dati nyang asawa, written agreement na sila ay magkakanya kanya na at wala ng pakialam sa bawat isa o gusto gawin sa buhay ng bawat isa.


May bisa po ba ang ganun agreement na sila lang ang gumawa?


At plano po ng lalake na ipangalan sa pinsan ko ang bibilin nila na bahay.


May karapatan o habol po ba yung dati nyang asawa kahit sa pinsan ko po ipapangalan ang titolo ng bibilin na bahay?


May tatlong anak na po yung lalake, nasa kolehiyo na ang lahat.


Kasalukuyan po na nasa Saudi ngayon yung lalake at umuupa naman sa isang bahay ang pinsan ko at yung lalake ang nagbabayad ng upa.


Maraming salamat po.

Translation: I have a female cousin who is 26 years old. She has a relationship with an OFW in Saudi Arabia who is 50 years old. They are now living in together and they are planning to buy their own house. But the guy is legally married to another woman. They only have a written agreement that they would be going on their own separate ways. Is this agreement valid? Because the guy wants to have the house under the name of my cousin. By the way, the guy has 3 kids who are now all in college.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hello, tama ba ang intindi ko sa kuwento mo? May pinsan ka na nasa Saudi, siya ay nakiki-live-in sa isang Pinoy din na OFW sa Saudi. Ang lalaki ay kasal sa iba ngunit sila'y hiwalay nang matagal. Ang hiwalayan nila'y sa pamamagitan ng isang kasulatan na wala na silang paki-alaman sa kanya-kanyang buhay. Tama ba?

Dagdag pa, nais ibili ng lupa noong lalaki ang iyong pinsan at ipa-rehistro ito sa pangalan ng iyong pinsan. Ang tanong mo ay may habol ba ang legal wife noong lalaki?

Oo, may habol siya. Ang kasal ay isang institusyong legal. Ibig sabihin ay, ito ay isang kasunduang kontraktuwal sa pagitan ng dalawang tao at ng estado na nag-recognize dito. So, kung ang kasalan ay ipapa-walang bisa at ang ang mga mag-asawa ay maghihiwalay, kailangang dumaan ito sa prosesong legal (kasi nga, legal itong pinasok, kailanga'y legal din ang paglabas sa kasunduang ito).

Walang bisa ang kasulatang pribado kung saa'y nagkasundo ang mag-asawa na sila'y hiwalay na at wala nang paki-alamanan sa isa't isa. Kapag namatay ang sinoman sa kanila, yung isa pa rin ang tagapag-mana niyang legal. Ibig sabihin, kung mamatay ang lalaki, hindi kailanman makapag-mamana sa kanya ang pinsan mo.

Yung lahat ng kita noong lalaki (at ng kanyang asawa kung siya'y nagta=trabaho din) ay bahagi ng conjugal partnership of gains. Kung sila'y kinasal makaraan ang 1989, malamang sa ang kanilang nai-upundar ay maging bahagi ng absolute community -- ibig sabihin, kahit na may kanikaniya silang buhay, ari-arian at suweldo, ang lahat ng ito sa mata ng batas ay pag-aari noong marriage at noong absolute community. Kapag kasi kinasal ang mga tao, para silang gumagawa ng isang legal na partnership -- ang mga property ng kinasal ay hindi na sa kanila -- it belongs to the absolute community of the marriage.

Dahil dito, kung ang kinita noong lalaki ang gagamiting pambili ng lupa para sa pinsan mo, ang property na iyon still belongs to the marriage. Yun na nga lang, dahil sa ang bilihan ng lupa at may kaakibat na TCT o titulo Torrens, kapag nakalagay na ang registered owner ay pinsan mo lamang at nakasaad doon ay siya ay single, at siya man ay may hanap buhay din (sabi mo'y siya'y OFw din sa Saudi), may kakayanan din siyang bumili ng lupa. So, para ma-agaw noong legal na asawa iyong lupa mula sa pinsan mo, kailangang maghabla pa siya at i-prove na ang talagang owner noong lupa ay iyong asawa niya. Mahirap ito dahil sa kanyang kinakalaban ang isang titulo Torrens. Ang nakalagay na registered owner sa isang titulo Torrens ay conclusive proof of ownership. Para ang isang titulo torrens ay i-assail at buwagin, kailangan noong legal wife ng 'nigh incontrovertible evidence' para ang TCT ay direktang atakihin. So, ang labanan ay ebidensiya sa ebidensiya.

Ang isang hindi mo siguro inaasahang implikasyon ng pakiki-sama o pakiki-relasyon sa isang taong may-asawa, ay ang panganib na silang dalawa ay ihabla sa asuntong kriminal na adultery. Binabahay na noong lalaki yung iyong pinsan. They are openly living as husband and wife even when alam ng pinsan mong may asawa at kasal sa iba iyong lalaki -- that is scandalous sa mata ng batas. Kung magpasya ang legal wife na sila'y idemanda, madedemanda sila. At kung sabihin ng legal wife na iaatras lamang niya ang demanda kung ililipat ang titulo sa pangalan niya, masusukol sila.

Iyan ang legal consequences ng pakiki-relasyon sa isang may-asawa. Sana'y nasagot ko ang iyong katanungan. Good luck sa iyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.