Karapatan ng aking Pamangkin sa kanyang OFW na mga magulang- Rights of my nephew for financial support from parents

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Atty ask ko lang po bout po sa pamangkin ko po ang nanay po nya ay kapatid ko, nabuntis po nun ang ate ko mula ng magwork po sya sa lebanon. Yung ama po ng kanyang anak ay may asawa na po sa Pilipinas nun po sumusuporta ang lalaki kahit sa binyag ng aking pamangkin ay andun po sya samin at umuwi po. Tapos po nung bumlik po ng Lebanon ang ama ng aking pamangkin halos npadalang na po ang pag suporta sa bata at dahil sa kulang sa suporta ay nagwork po ulit ang aking kapatid sa ibang bansa.

Nung nakaalis po ang ate ko ay buwan buwan po sya ngpapadala at hanggang sa umuwi po sya ng Pilipinas pero yung ama po ng bata ay hindi na po nagpadala sa pamangkin ko po. Dahil sa nagkaron po ng hindi pagkakaunawaan ang nanay ko at ang ate ko humiwalay po kami saking ate at sumama ang pamangkin ko po samin.

Nabalitaan ko na lang po na nakaalis na po ang ate ko papuntang ibang bansa at maganda narin po trabaho nya pero ni hindi nya po suportahan ng buwan buwan po ang kanyang anak kahit sa pag aaral ng bata po.Itatanong ko lang po Atty.Bimbi may karapatan po ba kami na habulin ang karapatan ng aking pamangkin sa kanyang mga magulang?Kasi po parehas na maganda ang mga trabaho ng kanyang magulang pero ni isa ayw magbigay ng tama sa anak nila. Nasa Lebanon po ang ama ng aking pamangkin at ang aking ate ay nasa UAE po sa ngayon. May nabalitaan po ako na pwede daw po kasuhan ang mga ofw na hindi nagbibigy ng suporta sa kanilang anak,pwede po ba yun Atty.Bimbi?

Pano po sa kanyang ama kasi po ay hindi naman po sila kasal ng aking ate may habol parin po ba ang aking pamangkin po? Naaawa po kasi ako sa aking pamangkin, sana po ay matulungan nyo po kami.Minsan po talaga ay wala po sya baon sa pagpasok sa school po. At sabi pa po ng aking ate dahil sa sya nagpaaral samin nun kaya daw po kami magpaaral sa kanyang anak. Sana po ay matulungan nyo po kami.Maraming salamat po



Topic: I would like to ask about my nephew, whose mother is my sister. My sister got pregnant then and since she got married in Lebanon, the father of her child got married to another woman. At first, the father was providing financial support and was also there during the child's baptismal. But when he went back to Lebanon, he rarely send any financial support anymore. So my sister was forced to work again abroad.

When my sister left to work abroad, she sent money monthly to support the child, but the father was not sending any more money. Because of a disagreement between our mom and my sis, we moved out of my sister's place and my nephew went with us.

I heard that my sister found a good job abroad, but she is not supporting her child anymore, even with his studies. Do we have the right to ask for financial support from both the child's parents? (both mother and father) The father is in Lebanon while the mother is in UAE. I heard that we can file a case against OFWs who are not supporting their children. And my sis and the father are not married. Can we also go after the father of my nephew? I pity my nephew. My sister insinuated that since she paid for our education, we should now return the favor and help pay for her child's education.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Oo, puede mong habulin ang mga magulang ng iyong pamangkin. Actually, child abuse na ngayon ang hindi suportahan ang anak, kahit na kayo'y kasal o hindi. Ito ay tinitignan ng batas bilang isang "act of violence" laban sa isang bata kung siya'y hindi bigyan ng kaparaanan upang mabuhay at makapag-aral.

Iyon na nga lang, ang lahat ng batas sa Pilipinas, mabuti man ang hangarin ay wala namang mga matatalas na ngipin. Sa Australia, may isang government agency na puedeng puntahan nga bata para habulin ang kanyang mga magulang na ayaw magbigay ng suporta. Ang government agency ang hahanap sa kanilang mga tax records at employment records at hihingi ng pahintulot sa husgado upang ang mga buwanang suweldo ng mga pabayang magulang ay makaltasan ng suporta para sa bata. Ang suporta sa bata ay pupunta deretso sa isang bank account/ATM at ang bata ang kukubra nito.

Kaya ba ng Pilipinas yan? Hindi. Una, hindi tayo computerized. Walang master list ng lahat ng Pilipino. May mga ipinanganak sa mga liblib na pook na hindi man lamang rehistrado (walang mga birth certificate). Hindi lahat ay nagbabayad ng buwis o may social security number o tax payer identification number. So, suntok sa buwan ang mga batas na ito dahil sa walang sapat na kaparaanan upang ang mga magaganda sanang mga batas na ito'y ipa-iral at i-apply.

So, kung kayo'y maghahabla, kailangang ma-huli ninyong nandito sa Pilipinas at nagbabakasyon ang mga magulang na iyan para sila'y madakip ng pulis at maiharap sa husgado. Kung itutuloy naman ninyo ang pagpapakulong sa mga magulang na ito, paano naman sila makakapag-hanap buhay? Lalo naman silang hindi magkakaroon ng kakayanang sumuporta sa kanilang mga anak.

At kung naroon na sila sa abroad, sino ang puedeng humabol sa kanila upang consistent silang magpadala ng suporta sa bata? Gagawin ba ito ng OWWA? ng POEA? ng DSWD? o ng DFA?

So, ang sagot ko sa tanong mo: oo, puede kang maghabla at magreklamo sa husgado para magbigay ng suporta ang mga magulang. Ngunit, suntok sa buwan ang mga ito sapagkat walang kakayanan ang ating bansa na protektahan ang mga bata. It's more fun in the Philippines, diba?
Janice Villegas
is in United Arab Emirates
Atty.Bimbi ang child abuse po ba na pwede ko po ikaso sa mga magulang ng aking pamangkin ay parehas din po ba yun po ng luck of support po?Pwede rin po ba sila dakpin ng pulis po pag naisampa na po namin ang kaso po sa kanyang mga magulang po?At direct na po ba un sa immigration po pag nakasampa na po ang kaso sa kanila?Pwede rin po ba namin sila i hold sa immigration po para hindi na sila makaalis ng bansa po sakali na maisampa na po namin ang kaso po?Kailangan pa po ba ang ebidensya dun sa hindi po nila pas suporta po ng tama sa kanilang anak po?O sapat na po ang reklamo ng kanilang anak para magbigay sila ng tama sa bata po.Tutal palagi lang po kami nagmamakaawa sa kanila para magbigay po sila mabuti pa po siguro na nasa Pilipinas lang po sila at stay na po sila dito ayaw naman kasi nila magbigay ng kusa po.Malaki po ba ang aming magagastos sa kaso po?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Janice,
Sa totoo, kapag kayo'y nag-file ng ganitong kaso, kailangan ay nasa Pilipinas ang mga taong ito -- yun bang itaon mo na sila'y nagbabakasyon dito para sila ay ma-serve-an ng mga summons. kasi, kung hindi sila mase-serve-an ng summons, hindi aandar ang reklamo ninyo.

Kaya nga, kahit na may batas tayong ganito, medyo walang ipin ito at walang galamay na habulin ang mga pabayang mga magulang na wala sa Pilipinas.

Hindi kasi ako immigration lawyer at wala akong experience kung puedeng hilingin na ipa-cancel ang passport. Hindi ko alam kasi kung puede itong gawin kung may reklamo pa lang. Ang alam ko, puede itong gawin kung may extradition treaty at kung ang nagawang krimen ay heinous crime -- ang hindi ko alam kung ang economic abuse, dahil sa ito'y child abuse ay maituturing na heinous crime.

Sa experience ko, may isang babae na kilala ako, nag-sampa siya ng kaso para nga sa economic abuse. Kumausap siya ng mga pulis, noong dumating ang asawa niya (at may pasalubong pang iphone para sa asawa at anak), pina-dakip ng babae habang nasa food court ng isang mall. Itinuloy ng pulis sa headquarters at doon ay na-inquest ang lalaki. isinurender niya ang kanyang passport bilang patunay na hindi muna siya aalis ng bansa hanggang sa hindi siya na-a-arraign. Noong ma-arraign na siya, saka kumilos ang kaso.

Medyo tuso iyong babae -- ang kliyente ng opisina ay iyong lalake. Noong una, naiinis ako doon sa babae, pero, noong matapos ang usapan at bigang naglaho ang lalake na hindi man lamang nagpasalamat sa abogado/opisina at hindi man lamang nag-bayad, naintindihan ko kung bakit galit-na-galit ang babae.

Tuso ka ba?
Janice Villegas
is in United Arab Emirates
Salamat po ng marami Atty.Bimbi sa lahat po ng payo po nyo.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.