Filipino illegal alien sued- Maari po ba kasuhan ang tnt na ofw dahil hindi na siya nagsusuporta sa mga anak?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Maari po ba kasuhan ang tnt na ofw, dahil hindi na siya nagsusuporta sa mga anak niya?



Topic: Can a Filipino illegal alien be charged because he is not supporting his child?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sa ilalim ng batas na tinatawag na Violence against Women and their children, kahit na sinong lalaki ang hindi sumuporta sa kanyang mga mag-iina ay maaaring kasuhan ng criminal dahil sa hindi niya pag-suporta sa kanyang pamilya.

Ang kasong ito ay maaari lamang isampa laban sa iyo dito sa Pilipinas. kaya, kung ikaw ay TNT sa ibang bansa, hindi ka saklaw ng batas ng Pilipinas sapagkat hindi man lamang masabi kung ikaw ay nasaan sapagkat ikaw nga ay nagtatago.

Ngunit, pag uwi mo sa Pilipinas, ikaw ay maaaring damputin ng mga pulis kung may nakasampa nang habla laban sa iyo.
Lyn Villarico
is a none in the Philippines
atty ang asawa ko po ay nasa kuwait tnt po siya dun pero nabalitaan ko po na mayron na siyang kinakasama at mayroon na po sila isang anak.Maari ko po ba siyang sampahan ng kaso concubinage at hindi rin po siya nagbibigay ng suporta sa amin?Maging ebidensya ko po ba ang pagkakaroon nila ng isang anak?pareho po ba sila makukulong?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Walang makakapigil sa iyo na magsampa ng hablang criminal laban sa asawa mong nagbabahay ng ibang babae at nagkaroon ng anak doon sa kanyang ibinabahay at dahil sa mga dahilang ito, siya'y hindi na nagpapadala ng suporta sa kanyang mga lehitimong mga anak. Sa ilalim ng batas na tinatawag na Violence Against Women and their Children, ang pagtanggi ng lalaki na suportahan ang kanyang asawa at mga anak ay itinuturing na economic abuse. So, puedeng puede mo siyang ihabla.

Having said that, ano naman ang mapapala mo bukod sa paghihiganti kung iyong sasampahan ng kasong kriminal ang iyong asawa? Pag siya'y nakulong, lalo siyang hindi makakapag-trabaho at lalong wala kayong suportang makukuha. Bukod dito, lalo pang lalalim ang gawak ng inyong relasyon dahil sa bukod sa panlalamig ng pag-ibig, magkakaroon pa ng galit, hinanakit at paghihiganti.

Ang sa akin lang, a woman has to be practical. Kapag ayaw na ng lalaki sa atin, ba't mo pa hahabulin? If he is so stupid as not to know how good you were, why want him back? He is not good enough for you. At matapos na hiwalayan ako ng lalaki, kung ito'y dahil sa ayaw na niya sa akin o may mas gusto na siyang iba, naku, laking pasasalamat ko na lang -- hayaan mong ang salot ay mapunta naman sa iba. Good riddance! Kasi, if a man can't be faithful to his wife -- there is something intrinsically wrong with him at ayaw ko nang mabuhay na kinakadenahan ko pa ang lalaki at pinipiringan siya para lamang hindi mag-loko. Ako ay pinakasalan dahil sa ako'y asawa, hindi dahil sa ako'y warden ng City Jail. Kung ayaw na niya, maaaring iyakan ko siya, pero, please, napaka-ikli ng buhay para pag-aksayahan ko pa ng panahon ang taong ayaw naman pala sa akin. Aside from this, kung nagka-relasyon na siya sa iba, baka may sakit na siyang nakaka-hawa -- ayaw ko na rin sa kanya. Pero, iyon naman ay sa akin lang -- iyan ang aking sariling pananaw. Maaaring iba ang sa iyo.

So, kung feeling mo ay ang paghahabla ay the best course of action para sa iyo at sa iyong mga anak, then go ahead. You have to file a complaint affidavit sa harap ng Office of the Prosecutor sa inyong lugar. At kailangan mo ng ebidensiya: sulat, email, litrato o birth certificate noong kanilang anak.

Kung nasa Kuwait siya, at talagang gusto mong siya'y maparusahan, bakit hindi mo subukang mag-habla sa Kuwait Embassy? Kasi, obligado silang dakipin ang mga lalaking nangangalunya bawal kasi ito sa ilalim ng kanilang batas (lalo na't kung ang lalaki'y nakikisama sa babaeng hindi niya asawa sa loob ng Kuwait). Kasi, kung puede ito, ang mangyayari niyan ay dadakipin ang asawa mo sa KUwait, siya'y ikukulong at paparusahan (hagupit yata) bago siya i-deport.

Alalahanin mo lang na baka ang mga anak mo ay may amor sa kanilang ama -- baka naman ma-alienate mo ang mga anak mo at sa kalauna'y sisihin ka pa nila sa pagka-sira ng inyong pamilya. Naniniwala kasi akong "whatsoever a man soweth, that shall he also reap". Na kung ang isang tao ay saktan ang kapwa niya, lalo na ang asawang nagmahal sa kanya, may kapalit ito. Mas nanaisin ko nang ang hustisya na lang nga Diyos ang kumilos kaysa sa hustisya ko at hustisya ng Pilipinas (minsan kasi, hindi natin makuha ang hustisyang ninanais natin sa mundong ito).

Good luck sa iyo at nawa'y magliwanag ang isip mo at mapagisipan mong maigi ang mga bagay-bagay bago ka magpasya. Kumausap ng isang abogado at humingi ng tulong sa mga kinauukulan at nang ikaw ay magka-palad.
Lyn Villarico
is a none in the Philippines
Maraming salamat po atty.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.