Married woman can convert ot Muslim and marry another Muslim? Babae na may asawa at 4 na anak at hiwalay sa asawa, may kasulatan, bisyo drugs at nambabae

Shelon Corgado
is a SDO in Asia/Pacific Region

May katanungan po ako kase ho may kaibigan akong babae na may asawa at 4 na anak at hiwalay na po sya sa asawa nya at may kasulatan o kasunduan sa kanyang asawa na wala na silang pakialamanan sa isat-isa at ang pirmahan ay isinagawa sa barangay lamang ng bawat partido at witness ang kani kanilang magulang...Nais ng kanyang asawa na tag 2 silang anak at nagkasundo na weekly mag-sasama ang magkakapatid... Ang kanya pong asawa na lalake ay nag loko at nag bisyo ng drugs at nambabae...Lahat ng pinag hirapan ng kaibigan ko ay kanyang nilustay at nilihim ang kalagayan...Tumagal ang relasyon ng kanyang asawang lalake sa baket na may asawa din at nag tatrabaho sa Saudi ang lalake ng asawa ng kabet ng kaibigan ko... Nalaman ng kaibigan kung babae ang mga pinag gagawa ng kanyang asawa ng umuwi sya ng pinas dito nya natuklasan ang lahat... Lubha syang nasaktan sa pangyayari at nanlumo sa pagkat nagpapaka hirap sya sa abroad sa bansang Dubai para lang masuportahan ang kanyang pamilya..Ang kanya pong asawa ay walang trabaho kung kaya napilitan syang mangibang bansa sa pagkat ang kanyang asawa na lalake ay mahina ang loob at ayaw mag trabaho buhat ng mag resign sa trabaho nya dati at ayaw nya ng may boss. Nag sikap ang kaibigan ko upang itaguyod ang pamilya nya.


Binigyan nya ng Pagkakataon na magbago ang kanyang asawa at ipinasok sa Rehabilitation after 9 months ng makalabas ito ay bumalik sa bisyo ang asawa nya at hindi parin nakipag hiwalay sa kabet nito...Madalas nya mabasa ang mga txt ng babae ngunit patuloy na tinatanggi at di nya kilala. Pero ng tawagan nya ang contact ay napag tanto nya ng yun parin yung kabet ng asawa nya at lihim na nakikipag kita pa din...Ang ilang txt ng babae at ng kanyang asawa ay kanyang isinave..Maari po bang gawing ebidensya ito na ang kanyang asawa ay nagtataksil sa kanya? Nanakit po ang kanyang asawa sa tuwing natutuklasan ng kaibigan ko ang ginagawa ng kanyang asawang lalake sapagkat kanyang ipinag tatanggol ang kanyang kabet... Nag desisyon na lamang syang umalis ng bahay nila at naiwanan ang ilang mga gamit nya at ang kanyang anak ay nasa poder ng magulang ng lalake pansamantala ang 3 lalake at ang babae ang nasa poder ng aking kaibigan. Taon ang lumipas ng mag desisyon ang kaibigan ko na di na balikan pa ang kanyang asawa na lalake at ayun nga po nag pirmahan sila sa barangay...


Hanggang sa ang kaibigan kung babae ay nag karoon ng kasintahan ngunit ito'y kasal na din at may anak na 3. Sa nagyon po ay nag muslim ang lalake ng buhat mag trabaho sa Saudi ay nagpa convert ito sa Muslim. Tanung ko po ay pede po sya magpakasal sa kanyang kasintahan at magpa convert ng Muslim? Pero kasal ang lalake nung di pa sya Muslim? Yung kasal po ba ng kaibigan ko ay valid pa ba kung sa kaling magpa convert sya sa muslim? May habol po ba ang asawa ng lalake sa kaibigan ko kung sakaling malaman ng babae na sila ay kasal na? Pede ba sila kasuhan? Ano po ang mainam na pedeng gawin ng kaibigan ko? Mahal nya ang lalake at tanggap ng lalake ang mga anak nito. Since Muslim na ang lalake ay may kakayahan daw itong mag asawa hanggang kaya nyang suportahan? Matutulungan nyo po ba ako para sa kaibigan ko?


Topic: I have a female friend who is married and has 4 kids. She is now separated from her husband and they have a written agreement that they are going their separate ways, with their parents as witnesses. They also agreed that they would each take care of 2 kids, and these kids can get together and see each other every weekend. They separated because the husband is into drugs and has another woman, and he wasted the money that the wife earned while she was working in Dubai. The husband was lazy and not working, so the wife had to work abroad. The husband wass even given a chance and brought to a drug rehabilitation center for 9 months, but he got back to drugs afterwards. The husband also still has an affair with another woman.

Now the wife also has another man, but who is also married and the guy has 3 kids. The guy is Muslim. Can the wife be converted to Muslim so that he can marry this guy who is a Muslim? (He married his first wife when he was not yet converted to Muslim). Can they be sued by the husband if they get married?

About the author

Shelon Corgado

Profession: SDO
ISS Facility Services
Asia/Pacific Region , MIndoro , Taguig City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Napaka haba naman ng kuwento. At napaka-masalimuot nito. So, isa-isahin natin.

1. Ang pambabae at ang pagka-lulong sa droga ay maaaring mga grounds upang magpa-annul ng kasal.

2. Walang bisa ang kasulatan na ang mag-asawa ay hiwalay na at wala nang pakialaman sa isa't-isa kahit na sa harap pa ng Presidente ng Pilipinas ito pirmahan. Tanging ang mga husgado lamang ang maaaring magpa-walang bisa sa isang kasal.

3. Ang mga Muslim ay maaaring magpakasal hanggang sa apat na beses sa ilalim ng Sharia law. Ang problema lang, kailangang maipakita noong MUslim na lalake na may kakayanan siyang buhayin ang apat na asawa.

4. Isa pa, ang pagko-convert sa Muslim faith ay hindi basehan para mapawalang-bisa ang dating kasal niya noong siya'y hindi pa Muslim. Para kilalanin ang kasal na ito sa ilalim ng Muslim law, kailangan diing magpa-convert iyong kanyang unang asawa. Sa palagay ko, ang mangyayari dito, magkakaroon ng conflict. Kasi, sa ilalim ng civil laws ng Pilipinas, may kasal na siya at ito ay hindi pa naa-annul, pero, sa ilalim ng Muslim Civil Laws, hindi siya kasal at maaaring magpa-kasal. Sa totoo, hindi pa ako nakaka-kita o nakakabasa o nakaka-experience na maghandle ng ganitong kaso.

5. Sa palagay ko, kung ang kaibigan mo ay magpa-convert sa Muslim faith, valid ang kasal niya under Muslim laws. Pero, iyong kasal niya under civil laws and under the Catholic church -- intact pa iyon -- hindi iyon ma-a-annul dahil lamang sa nag-convert na siya sa Muslim faith. Only the civil courts can annul marriages which were performed under the laws of the Philippines.

6. Hindi pa ako nakakarinig na naipdemanda ng bigamy (dalawang kasal) kung ang nasasakdal ay Muslim at siya'y may kasal sa ilalim ng civil law at Muslim law. So, hindi ko masasagot ito. Sa tingin ko, kung ang lalaki ay may mga anak sa unang asawa, may pananagutan siya na suportahan ang mga anak niya sa una kahit na mag -asawa pa siya bilang isang Muslim.

7. Sa experience ko, basta't ang mga pangangailangan ng tao sa financial ay natutugunan, hindi na masyadong mahalaga kung legal ba ang kasal o hindi. Liban na lang kung may galit ang mga partido sa isa't isa dahil sa feeling nila, na-betray sila o pinag-taksilan. Kapag ganoon, talagang maghahanap ng basag-ulo ang babaeng legal wife. Kasi, ang legal wife ang laging may karapatan.

The best thing to do, maghanap ng abogado na dalawa ang practice-- both under Sharia Law and under Philippine Civil Laws.
Merla Banganoy
is in United Arab Emirates
Atty. sa ganitong kaso ba na kasal sa cicil, pag yung mag asawa ay nagconvert sa islam ay pwedi ng padivorce sa sharia court? hindi naba kakailanganin ang annulment at pwedi ng magpakasal uli?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.