Paano mag-ampon ng kamag-anak? Child adoption of relative

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay 28 years old, single at kasalukuyang nagtatrabaho sa Dubai, UAE. May pinsan po ako na baby palang ay alaga na ng aking Nanay at Tatay at hanggang ngayon ay kasama na ng Nanay at Tatay ko sa Pilipinas. Siya po ay 13 years old na ngayon at nung bininyagan po sya ay surname po ng aking tita ang ginamit dahil siya po ay single parent. Ang tanong ko lang po ay kung papaano po mapapalitan ang family name ng pinsan ko para maging ka-apelyido na din namin siya. Pwede po ba siyang ampunin ng aking Nanay at Tatay? Or kung hindi na po sila pwede ay pwede po ba na ako nalang ang mag-ampon sa aking pinsan para maging same na ang aming apelyido?



Topic: I'm 28 years old and currently in Dubai, United Arab Emirates. I have a cousin who since a baby has been under the care of my parents. He is now 13 years old and he uses the surname of my aunt (his real mother), since my aunt is a single mother. My question is how can we change the surname of my cousin so that it is the same surname as ours. Can my cousin be adopted by my parents? If not, can I adopt the child?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
May mga tanong ako: ano na ang edad ng iyong mga magulang? Ang iyo bang ‘tita’ ay kapatid ng iyong ama o ina? Ilang taon ang tanda mo sa iyong pinsan? Kailangan kasing 14 years ang difference sa edad ng adopter at adopted.

Clarification lang, ha? Ang adoption ay para sa benefit noong bata. At ang objective nito ay ang mapa-ganda ang buhay ng bata dahil siya’y magkakaroon ng pamilyang mag-aaruga sa kanya. Kung ang inyong layunin lamang ay ang palitan ng pangalan ng bata, hindi adoption ang sagot.

Sa adoption, kailangan ay may proof na ni-relinquish na noong magulang na biological ang kanyang parental rights and obligations doon sa bata. Kailangan din na ang tita mo ay pumirma at mag-testify na payag siya sa adoption noong bata either ng kanyang mga kapatid (mga magulang mo) o ng kanyang pamangkin (ikaw).

Kailangan ng isang home visit ng DSWD personnel para i-evaluate ang bata, ang iyong mga magulang at ikaw. Kung ilan kayong magkakapatid, kailangang kayo ay mag-testify din at sumang-ayon sa pag-aampon ng inyong mga magulang ng iyong pamangkin. Kasi, ang isang ampon na anak ay tagapag-mana din noong nag-ampon.
Ikaw, bilang single at isang OFW, ay baka mahirapang mag-ampon.

Una, kailangan ma-prove mo na hindi human trafficking ang kasong ito (na nais mo lamang dalhin sa abroad ang bata para siya’y pag-trabahuhin doon). Kailangan din na ma-prove na doon sa abroad kung kukuhanin mo ang bata para manirahang kasama mo, may sapat siyang lugar at resources para sa kanyang support. Kung ikaw ang mag-aampon tapos, iiwanan mo lang din naman ang bata sa iyong mga magulang, paano mo naman magagampanan ang iyong parental obligation sa bata? Iyan ang pinaka-malaking katanungan ng husgado sa iyo na kailangan mong sagutin.

You will need to file a petition sa isang husgado dito sa Pilipinas. Kailangang komunsulta ka sa abogado dito.
Jing Cabrera
is in United States
Katulad po ng unang sumulat, gusto po naming mag-asawa na ampunin ang pamangkin kong babae, 8 anyos. Hindi po sya totally orphan. Kapatid ko po tatay nya na kasalukuyang nakakulong dahil sa drugs. Ang nanay po nya ay nakikitira sa nanay ko. Meron po syang tatlong kapatid, 14, 11 at 3 anyos. Noon po kasing isilang sya, kaming dalawa ng nanay ko halos nag-alaga sa kanya. Noon po ay nakahiwalay sila ng bahay pero same neighborhood. Habang nagliligawan pa lang kaming mag-asawa(american citizen), nahulog din ang loob ng asawa ko sa kanya. At dahil napagdesisyunan na naming mag-ampon....sya ang naisip naming ampunin. May ilan na po akong nabasang forum at articles, mukha pong imposibleng ampunin sya dahil hindi sya lubusang ulila. Willing naman po yung kapatid ko at asawa na ipaampon sya, dahil naisip nilang mas malaki ang chances of better life and better future with us. Kung maaari nga po e sila ng bunso nyang kapatid ang aampunin namin at madala sa America. So my question is....in reality, what is our chances of getting approved by our Filipino courts and American Immigration? Ano po ang mga ibang options o paraan na kelangan naming gawin? Nakahanda po kaming mag-asawa na maglagi sa Pilipinas hanggang maaari na namin silang maisama sa America.
Salamat po sa oras ninyo.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hello, Jing. So sorry, ngayon ko lang nakita na may reply ka pala dito sa ilalim ng forum post na ito. Ngayon ko lang masasagot ang iyong katanungan. Sa susunod, gumawa ka ng sariling post mo hindi reply sa post ng iba – para makita ko agad.

First of all, hindi naman mga orphans lang ang inaampon. Ang batas natin ay nakikita ang realidad na may mga kamag-anak tayo na walang kakayanang palakihin ang kanilang mga anak (dahil nga sa minsan ay kapos sa buhay o may-sakit ang mga magulang). At saka ang kultura natin ay iba sa mga Western cultures. Tayo, mas maiging maki-pisan sa kamag-anak kaysa sa mga hindi ka-anu-ano. So, ito ay pinagpapa-roonan ng ating batas. You can always adopt a relative dito sa Pilipinas, basta’t ikaw ay Filipino citizen pa, o kaya’y former Fiipino citizen (dahil sa ikaw ay may dual citizenship na o dahil sa ikaw ay immigrant na sa US). Ang mahalaga ay may blood relations between sa adopter at adopted child.
Second, puede naman mag-ampon ng pamangkin. Lalot na’t ikaw ay tumulong sa pagpapalaki sa bata. May social circumstances din na medyo pumapabor sa pag-aampon mo ng iyong pamangkin. Dahil nga sa ikaw ay naka-luluwag sa buhay at ikaw ay nasa ibang bansa at ikaw ay may asawa at may tinitirhan na medyo permanente.

Third, ang mahirap lamang ngayon, may mga requirements ang batas na dagdag pa doon sa karaniwang proseso ng petition for adoption. Ngayon kasi, may convention na laban sa human trafficking kung kaya’t kailangang mag-ugnayan ang social services sa US (kung saan ka nakatira) at DSWD ng Pilipinas. Papeles ito (tulad ng report at evaluation). Kailangang maipakita sa dalawang panig na talagang ang adoption ay para sa “best interest of the child”. Ganoon ang panuntunan – lagi kung ano ang pabor para sa bata, hindi pabor sa mag-aampon.
Minsan may mga “nationalistic” na mga huwes na nag-iisip na ang mga Pilipino ay dapat manatili sa Pilipinas at hind imaging parang mga tutang aampunin ng mga hindi na Pilipino dahil sa sila’y nangibang-bansa (rare naman iyon). Doon din sa America, may mga huwes na nag-iisip na napakarami ng mga batang palaboy at napabayaan para kumuha pa ng ibang bata mula sa ibang bansa. Ngunit, ang sagot mo dito ay – true blood relationship. Kahit saan bansa ata, blood is truly thicker than water.

Fourth, kailangan na ang mga magulang ng bata ay pumirma at humarap sa husgado upang patunayan na sila’y walang tutol at bukas sa loob nilang ikaw ang mag-ampon sa kanilang anak na hindi naman nila kayang buhayin. Dito din sa instrument or kasulatang ito, isasaad nila na kanilang pinuputol ang kanilang parental rights and obligations doon sa bata. By the time siguro na umabot ito sa husgado, ang bata ay mga 10 or 11 years of age na – so, pati siya ay tatanungin di lamang ng DSWD kundi pati ng husgado kung talagang gusto niyang iwan ang kanyang mga magulang para sumama sa inyo at kayo na ang maging mga magulang niya.

Fifth, may requirement din na dalawa kayo ng asawa mo na mag-ampon. So, halimbawa kung may mga anak sa una (kung biyudo o kung diborsiyado) ang asawa mo at may mga anak siyang sarili niya, kailangang may consent din ang mga ito. Kasi, kapag nag-ampon ang isang may mga anak na, mababawasan ang mana ng mga anak na nila, so kailangan ng consent nila. Ito ay sisiyasatin ng DSWD o social services.

Sixth, kailangang may kakayanan kayong mag-ampon (pinansiyal) at kailangan ding maipakita na kayo’y may lugar sa inyong tinitirhan na sapat para kilusan ng isang batang 8 anyos. Kailangang mapatunayan na kayo’y walang nakahahawang sakit, bisyong nakasasama o anupamang mga pintas sa inyong pagkatao sukat na hindi ninyo magampanan ang mga obligasyon ng pagiging isang magulang.

Seventh, huwag kayong magpa-atay-ayay – you have only until the child’s minority para siya’y ampunin para mai-bigay din sa kanya ang benepisyo ng inyong citizenship o kaya’y legal permanent resident status sa Amerika. Kapag lampas yata ng 16, kailangang mag-file pa kayo ng petition papra maging resident/citizen ang bata.

Ang pagkaka-alam ko, basta’t mayroon kayong certificate of adoption, at makikita na may blood relationship kayo ng bata, hindi ito pag-hihigpitan ng immigration, lalo na’t ikaw at ang asawa mo ang mag-aampon ng bata. Iyon na nga lang, paperwork ito at matagal na paghihintay sa proseso. Ito rin ay may interview sa immigration – hindi ata puedeng non-appearance. May mga requirement din sa health – kailangang walang tuberculosis o kahit na ano’ng infectious disease (kailangang maganda ang x-ray ng bata at kumpleto ang mga bakuna ng bata).

Matatawa ka – kahit na sino’ng sanggano sa kanto, puedeng anakan ang kahit na sinong babae – mga teen-ager nagkaka-anak kahit na kailan kahit na walang kakayanang buhayin ang mga anak – walang kumukuwestiyon – pero, ang mag-aampon, kailangan patunayan ang kanilang kakayanang maging mabuting magulang – unfair ba?

Ang sagot dito ay ganito: ang taong nag-anak ng natural na pamamaraan (nagbuntis at nagsupling) ay tinatanaw ng batas na may natural na mga damdamin na mag-tutulak sa kanilang pangalagaan ang kanilang mga anak. Samantalang ang taong mag-aampon na walang sariling anak ay baka walang karampatang damdamin ng magulang. Alam naman ng lahat na hindi laging totoo na ang mga natural at biological na mga magulang ay may malasakit sa anak – karamihan nga ay wala, daig pa sila ng aso o pusa na inaaruga ang kanilang mga anak. Ngunit, what can I say? Ito ang batas.

Maiging komunsulta kayo sa abogado dito sa Pilipinas – iyong talagang may experience na sa adoption ng relative. By the way, kumuha kayo ng abogado doon din mismo sa lugar kung saan nakatira at naka-rehistro ang bata. Hindi puwedeng sa ibang lugar ipa-file ang adoption. Doon lang kung saan residente ang bata at kanyang mga magulang. So, kung sa province, kailangan doon ka din sa province kumuha ng abogado (para hindi naman masyadong mahal).
1 person likes this
Jing Cabrera
is in United States
Naku, maraming maraming salamat po. Ito pong mga suggestions nyo ang hinahanap naming mag-asawa.

Opo, may mga anak ang asawa ko, pero mga adult na po sila, yung bunso e mga 26 na. Lahat ay may pamilya ng sarili. So, kakailanganin pala ng pahintulot nila? Kelangan po bang sa harap ng judge iyon o notarized lang pwede na?

We are hoping by next year na maging citizen na ako para pwede na po akong makalabas ng US ng mas matagal pa sa 6 months. Gusto nga po agad ng asawa kong masimuln ang proseso dahil aware din sya sa age limit ng pagpepetisyon sa bata.

Pasensya na po kung hindi ako nagsariling post. Sa paghahanap ko po kasi e ito ang nakita ko na angkop sa kelangan namin.

Again, maraming salamat po sa advice.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Yes, Jing. Kahit na ang mga anak ng husband mo ay of age na at may sarili nang pami-pamilya, still kailangan ng consent nila. Kasi, kahit na of age na sila, sila ay tagapag-mana pa rin ng iyong husband. So, kung mag-aampon ang iyong husband, liliit ang mana nila kasi, may dadagdag pang tagapag-mana.

Patungkol naman doon sa tanong mo na paano silang gagawa ng consent nila, usually, kung sila ay nasa labas ng bansa, doon sila magpapagawa ng document sa Embassy or consular office ng Pilipinas. Ito ay doon ia-attest at doon din ito lalagyan ng red ribbon para authenticated siya. Iyong iba naman, nagpapanotarize ng document sa abogado sa US, tapos, ipapa-authenticate na lang sa Embassy, puede din iyon.

Hindi na marahil kakailanganin ang kanilang appearance sa husgado. Tama na iyong notarized na consent. Yung iba, nagpapa-video na sila ang nagbabasa noong consent nila. It takes the place of the testimony in open court.

Wala naman sigurong hahadlang. Kasi nga, kamag-anak naman ninyo iyong aampunin. Ang kailangan ay makipag-ugnayan sa Children's Services sa inyong state. Kasi, sila ang magbibigay ng assessment/evaluation at recommendation na kayong mag-asawa ay fit to adopt.

Actually, maigi na sigurong, mag-inquire na kayo sa Embassy dito sa Pilipinas o sa isang immigration lawyer sa US para maka-siguro. Siguro din, mag-inquire na kayo sa DSWD dito. Sa gayon, at least, alam na ninyo ang dapat ninyong gawin.

Good luck sa inyo!
1 person likes this
Jing Cabrera
is in United States
Pasensiya na po sa pangungulit, hehe.

Maraming salamat po ulit, Atty. Bimbi.

More power to you and God bless you and your family.
Dianne Paula Andrada Torres
is a NONE in the Philippines
Inadopt din po ako ng tita ko at ng kanyang asawa. Sila din po ay US citizen. Inumpisahan po yung adoption ko nong 16 years old ako at na grant last year, 20 ako. Na finalize lang po ngayon, at ngayon po mag papalit na ako ng birth certificate. Ano po kaya ang susunod kong gagawin para makapunta na po ako sakanila?
Wen P
is in United Arab Emirates
hi aku po ay 28yrs old my ksalukuyan nsa UAE my asawa po at kasal, sa kabila po nuon ay meron akong anak sa pagkadalaga na nakaapelido sa kanyang ama, nahihirapan po akong kunin ang bata xa po ay 9yrs old na dahil po hindi ko po sya kaapelido un po kasi ang batas dito, pwede po bang i adopt nalang ng asawa ko ang unang anak ko pra maging kaapelido po namin sya ano pa po bang ibang paraan para makuha namin ang bata sa pilipinas at dito na tuluyan manirahan kasama namin. thank you po
Joy Temple
is in the Philippines
Ask kulang po ano ba dapat Kong gawin .at ano mga requirements for adoption. Angel asawa ko ay isang foreigners kasal kami. .pero may anak ako sa pagkadalaga ko gusto niya adapin ang anak ko na Ka apelyedo sa akin. Nag kuha po kami attorney pero hanggang ngaun wla pa
Maria Theresa Aquinde
is a Business owner in the Philippines
Ako din po ay may nais itanong kung paano at kung ano ang dapat ko gawin..dahil ako ay may inampon nung 2020.. kasagsagan ng pandemic.kasama ko na ang baby simula ng siya ay iluwal ng kanyang ina,ngayon ayy tatlong taong gulang na siya at ako naman po ay 28yrs.old .ano po ba ang dapat ko gawin para magkaroon ng rights sa bata

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.