Pag ampon po ng pamangkin - Adoption of nephew

Mary Cherrilyn Peters
is a company worker in Japan

Good day po nakatira at may work po ako dito sa Japan. Meron po akong pamangkin na sa akin na po since birth ngayon po 7 yrs. old na po sya, anak sya ng brother ko sa other woman. Ok naman din po kami ng nanay ng bata. Kilala naman po sya gusto ko na po ampunin ng legal ang bata, willing naman din po ang nanay. Ano po ang dapat kung gawin kasi po gusto ko na po sya madala dito sa japan. Sana po matulungan nyo ako salamat po






Topic: I live and work in Japan. I have a nephew who has been with me since birth and he is now 7 years old. My nephew is the son of my brother to another woman. I am in good terms with the mother of the child and she is ok that if I adopt legally. What do I have to do so that I can bring the child here in Japan?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ok, so ang bata ay blood relative mo din. Ang dapat na gawin mo ay kumuha ng abogado sa Pilipinas para ikaw ay tulungan mag-file ng petition for adoption. Mahaba-habang proseso ito kasi, una sa lahat, kailangan mong mag-file ng petition para mag-order ang hukuman dito sa Pilipinas sa DSWD na ikaw ay imbestigahan. Iimbestigahan ang mga magulang ng bata at ang mga kadahilanan kung bakit sa iyo lumaki ang bata, kung bakit ikaw ang nagpalaki. Magsasagawa ng assessment sa inyong psychological at emotional na mga aspeto upang makita kung ikaw nga ba ay karapatdapat na maging magulang.

Ang isang kumplikasyon ay ang iyong tirahan ay nasa Japan. Hindi mo na-mention kung ikaw ay single or ikaw ay may partner o spouse sa Japan. Kasi, pati ang mga ito ay kailngang usisain ng hukuman. Ang mangyayari niyan, kailangang mag-apply ka rin sa Japan ng adoption para ang social services ng Japan ay magsagawa din ng study sa iyong living conditions kung ito ba ay mainam para sa isang 7 years old na bata. Titignan kung ang bata ay may sariling silid, kung ang iyong kita ay sapat na sumuporta sa pangangailangan ng isang bata. Kung ikaw ay may partner, o kaya'y ikaw ay kasal, malamang sa tignan din kung fit na maging parent din ang iyong partner/spouse. Sa Pilipinas, kung ikaw ay may-asawa o may kinakasama, kailangan din ng consent niya, o di kaya'y kailangang ang adoption ay joint ninyong gagawin.

Mahigpit na kasi ngayon. Mayroon na kasing UN Convention laban sa human trafficking. Ang mga ibang sindikato kasi, nag-a-adopt ng mga bata na siya naman nilang ginagamit sa prostitusyon sa Europa at sa ibang bansa. Kaya, bukod sa blood relations, kailangang din both countries (Japan at Philippines) ay ma-satisfy na hindi human trafficking ang dahilan ng pag-aampon mo sa pamangkin mo.

Kumplikado ang proseso sa adoption sa ngayon. Kung ikaw ay single, mas madali sana lalo na't kamag-anak mo naman ang bata. Ang problema nga lang, ang trabaho mo ay sa Japan. Lalaki ang isang Pilipinong bata sa Japan at ang kanyang salita, kultura at pananaw sa buhay, hindi na Pinoy, siya ay Hapon kasi doon siya lalaki. Ito ay malamang na maging concern ng husgado. Dahil din sa single ka, kung magkasakit ka, ikaw ay malayo sa mga kamag-anak mo sa Pilipinas -- sino ang titingiin sa bata kung ikaw ay magka-sakit o mapinsala? Ito ay isa ring concern ng husgado. Kailangang pag-usapan niniyo ng abogado mo ang mga bagay na ito na tiyak ay tatanungin din ng husgado sa iyo.

Yung iba, dahil sa ayaw nila ng kumplikasyong ganito, ang ginagawa na lamang ay ipinapa-late-registration ang bata at saka nila ipinarerehistro nila ang bata sa kanilang pangalan bilang magulang -- ito ay illegal at kapag ikaw ay nahuli, may kulong ito bukod pa sa maaaring ihiwalay ang bata sa iyo. Ang mas maganda ay humanap ka ng abogado na ang specialization ay adoption. Kung ikaw ay immigrant na sa Japan, at ikaw ay married sa isang Japanese national o Japanese citizen, malamang sa ito ay sumailalim sa saklaw ng inter-country adoption.

Sorry at hindi kita mabigyan ng definite na information dahil na rin sa maraming mga mahalagang facts na hindi naibigay sa iyong katanungan. I wish you the best of luck.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.