Pamanang lupa pinagaawayan - Inherited land fight and quarrel

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Anim po kaming magkakapatid. Lima sa the same father and mother (married sila) and 1 halfbroeder from mother side. Noong namatay ang nanay ko may naiwan siyan maliit na lupain. Ito ngayon ang pinagkakaguluhan. Noong pinatituluhan ko itong lupa (registeerd sa pangalan ng lahat ng magkakapatid) sabi sa akin na at that time buhay pa tatay ko, yoong half ay para sa tatay ko at the other half sa mga anak. Sa half na ito (mother share) dito my share yoong halfbrother ko pero sa share ng tatay ko (dahil hindi niya siya anak) wala siyang share. Ayaw pumayag ng halfbrother ko sa response na ito at nagsumbong siya sa tita ko. Wala po raw karapatan ang tatay ko sa lupa dahil hindi po niya kami pinalaki. Sabi ng tita ko ipaglalaban nila ito at kukuha sila ng attorney. Ano po ba ang tama? at ano po ba ang batas tungkol sa pamana ng lupa? Siyanga po pala ako po lahat nagbabayad ng mga ginastos para diyan sa lupa pagpapatitulo at bayad ng buwis every year. Yoong pong mga kapatid kong nagaawayaway ni singko wala po silang contribuut sa lupa at sila po ang nakatira diyan sa lupa. Kaya lang kasi gusto po ng halfbrother ko na kong gaano kalaki ang share original children ganon din kalaki yoong hati niya. Pasensiya na po kayo sa tagalog ko hindi po kasi lumaki sa pilipinas.



Topic: We are six siblings. Five from the same father and mother (they were married) and 1 half brother from the mother side. When the mother died, she left a small piece of land. This is now the issue of a quarrel. When I had this land titled (registered under the name of the siblings), my father told me that half of the land should be for him and the other half to be shared by the children.

So for half of this land, my half brother has a share (mother's share), but for the share of my father he does not have any share (since he is not the son of my father). My half brother does not want to accept this response and he complained to my aunt. He said that our father does not have the right to the land, because he did not raise us. My aunt said that they would fight for this and get an attorney. What is right? What does the law say regarding inherited land?

By the way, I paid for all the expenses in registering and getting a title fo the land, and also the taxes every year. My siblings who are fighting over this did not spend a single centavo or contributed any amount for the expenses of the land. In fact, they are staying on the land. The problem is that my half brother wants to have the exact same share as the other siblings.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hay, naku. Talagang mahirap ang usaping manahan ng lupain.

Una sa lahat, sa ilalim ng batas, kapag kasal na legal ang babae at lalaki, sila sy may conjugal partnership of gains (sa ilalim ng Civil Code na may epekto hanggang noong 1989). Kung ang mag-asawa naman ay ikinasal after 1989, ang kanilang property relations ay sumasailalim sa tinatawag na absolute community of property.

Ang pagkaka-iba nitong dalawang ito ay, sa ilalim ng conjugal partnership of gains, ang mga ari-ariang pagmamay-ari ng babae noong siya'y dalaga pa ay kanya pa rin (halimbawa'y namana niya mula sa kanyang mga magulang). Ang mga profits na makukuha sa lupang ito (kung ito'y paupahan, halimbawa) ang siya lamang mapupunta sa pagma-mayari noong kasal o conjugal partnership.

Ngayon, kung ang lupa na naiwan ng iyong ina ay sa kanya noon pa man noong siya'y dalaga pa, tagapag-mana pa rin niya ang kanyang asawa-- hindi siya puedeng bawian ng mana kahit na siya'y patay na dahil sa ang kanyang share ay mapupunta sa inyo na tagapag-mana ng inyong ama.

Ibig sabihin nito'y share and share alike ang mga anak at asawa sa lupaing ito (pare-pareho lamang ng parte). Hindi makukuha ng iyong ama ang kalahati dahil sa separate property ng mother ninyo ito at ito ay hindi kabilang sa conjugal partnership o absolute community.

Kung ganoon at ang property ay separate property ng inyong ina, ang inyong half-brother ay dapat half-share lamang ng isang tunay na anak kung siya'y illegitimate. Kung ang halfbrother naman ninyo ay supling ng inyong ina sa isang prior valid marriage (at nabalo ang inyong ina sa una niyang asawa), equal share ang half brother ninyo dahil sa legitimate child din siya ng inyong ina.

Kung ang lupa ay kabilang sa conjugal partnership ng inyong mother doon sa legitimate spouse niya (na ama ng inyong half-brother, wari kung siya'y nabalo nga -- widowed), ang lupa ay half sa mother ninyo, at half doon sa ama ng inyong half brother. Doon sa half share noong unang asawa ng mother ninyo, may half share (1/4 bale) ang inyong half brother. At doon sa half share ng mother ninyo (share and share alike kayong magkakapatid including your half brother) -- hindi tagapag-mana ang inyong ama kung siya'y naunang namatay sa inyong ina dahil sa ang lupa ay property noong prior na legal marriage ng inyong ina. (Masalimuot, ano?)

Kailangan ng dokumento, at kailangan ng abogado, I'm afraid, lalo na't mainit ang mga kapatid mo.

Kung ang lupa naman ay nabili sa loob ng panahong kasal ang inyong mga magulang, ito ay sa kanilang dalawa. Tama ka, kayong mga anak ng inyong ama't ina ay share and share alike sa half share ng inyong father. At ang half share ng inyong mother, hati-hati rin kayong legitimate na magkakapatid (kung ang half brother mo ay hindi legitimate, ang share niya ay half lamang ng share ng isang legitimate child).

Magulo ba?

Isa lang ang tanong ko -- sabi mo maliit ang lupain-- bakit hindi na lamang ninyo ito ibenta at paghati-hatian ang pinagbentahan? Mas madali iyon. kasi, kung inyong ipa-partition ang maliit na lupain, ano ang pakinabang sa maliit na lupa (baka bahay lamang ng kalapati ang kakasya?)

May law will and testament bang naiwang ang iyong ina? Ito rin ay isang konsiderasyon.

Sa pinaka-mahalagang bahagi -- dahil sa ikaw ang nagka-gastos para magbayad ng buwis at mapa-tituluhan ito, kung ito'y ibebenta, bukod sa share mo, ikaw ay entitled na ma-reimburse para sa mga ginastos mo.

You really need a lawyer for this. Hindi puedeng dito lamang sa website. Napaka-technical ng law on succession. At saka kung magkaka-demandahan, matagal, magastos at higit sa lahat, sama ng loob at sakit ng ulo. In the end, baka mas malaki pa ang magastos ninyo kaysa sa value noong lupa.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day Po ATTY BIMBI. Ang may Ari Po Ng lupa ay ang aking Lolo at kasal Po siya sa mama Ng nanay ko at legitimate Po na anak Ang nanay ko at sa kanyan Po ibinilin Ng Lolo ko Ang titulo Ng lupa Ng pumanaw na Po Ang Lolo ko. Ganito Po kasi Yun
few days ago Po kasi nanggugulo Po Ang half sister ni mama at half brother dahil Po daw sa hindi daw Po Sila binigyan Ng lupa ni mama pero Ang totoo Po nyan ay binigyan daw Po ni mama Ng lupa kaso ibinenta lang daw Po nila kaya nagalit Ang aking nanay dahil ibinenta lang Po nila kaya nung nagasawa na si mama ay inilipat Po ni mama Kay papa Ang pangalan Ng titulo Ng lupa ni Lolo . Tanong ko Po may habol pa Rin Po ba Sila kahit Hindi na Po si mama Ang nakapangalan Ang titulo Ng lupa
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi Atty. Bimbi

Maraming maraming pong salamat sa fast reply. Ang mother and father ko po ay kinasal before 1989. Namana po ng mother ko yong lupa sa parents niya. Yoong tatay ng halfbrother ko at ang nanay ko nagsama lang sila ng ilang taon ( I think max 3 or 4 years silang nagsama). Within this 3 or 4 years na pagsasama nila nabuo ang halfbroeder ko. After my halfbrother is born naghiwalay din sila. Naiwan yong halfbrother ko sa tatay niya. Noong namatay ang tatay niya i think that was in year 1991 saka lang tumira ang halfbrother ko sa nanay ko.

If i understand kaming tunay na anak ay mas malaki talaga ang hati kaysa sa halfbrother namin. Dahil namana rin namin yong equal share ng tatay namin.

Ang sagot po sa tanong niyo. Huwag po kayong tatawa ha. 209 square meter lang po itong pinagaawayan na lupa. Ayaw ko pong ibenta dahil wala pong mapupuntahan ang iba kong mga kapatid. Kaya nong pinatituluhan ko po yong lupa nilagay ko po sa lahat ng pangalan namin para walang pwedeng magbinta o kaya magsanla, kahit gipit sila. At ako po ang hahawak ng titulo. Sa totoo po lang i am there sister pero nagpaampon po ako. Kaya iba po ang apilyedo ko. Pero sa pilipinas i am still registered na anak pa rin po ako ng nanay at tatay ko. (Magulo rin po no). That's another story.

About the money. I don't want the money back. This is my last resource na pantakot sa kanila. Gusto ko lang naman po na magusap sila ng maayos bilang magkakapatid at magkakapitbahay. Kasi sa akin po sila nagsusumbong ng problema. Isa isa sila iba iba ang kwento. Alam po nila wala akong pinipili sa kanila. For me they are all equal. Pero at the time like this. Pag hindi talaga sila nagkakasundo at kailangan idaan sa batas, I also really need help. So Attorney Bimbi I really appreciate your help. Maraming marami pong salamat. God Bless you po.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
You're welcome. Kung nasa pangalan naman pala ninyong lahat ang lupa, well, hindi mahahati-hati ito kung hindi at may consent ang lahat. At kung dudulog sa husgado ang isa o dalawa para hatiin ang lupa, naku, napaka-laki na magagastos. So, wala, titiisin mo lamang ang awayang ito. Hindi rin naman nila pala magagalaw ang lupa. So, good luck sa iyo!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thank you po. Tiisin ko na lang po yoong away nila, kaysa naman na marinig ko nalang na balang araw na nakatira sila sa kalsada dahil nabinta nila yoong lupa dahil wala nanaman sila sa pera. At least ngayon kahit mawalan man silang pera o makain mayroon paring silang place na mapuntahan.
Princess Perez
is in the Philippines
Gandang umaga atty. bimbi, Tanong ko lang po kung ano ang batas tungkol sa lupang gustong ibinta ng may-ari? Pero nasa amin yong mga document dahil kami yong nag bayad nito at mula noong 1997 iniwan na nya at pinabayaran nya lahat yong pinagawa nya sa bahay. Ngayon ayaw ng kapatid ibinta ito dahil kung sino gustong tumira dito may matitirhan. Ano po dapat gawin?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hello, Princess.

Medyo magulo ang iyong post, hindi ko gaanong maintindihan. Ang ibig mo ba sabihin ay may may-ari ng lupa, tapos, ang mga documento katulad ng rehistro/titulo ay nasa ibang tao? Tapos, gusto nang ibenta ng may-ari pero ayaw ng kapatid niya? At ang may-ari ay nasa abroad at ang kapatid ay nasa Pinas? Ganoon ba? Tama ba ang intindi ko?

Ganito kasi iyon. Ang pinaka mabuti ay magpa-gawa ng Special Power of Attorney yung may-ari at bigyan niya ng powers yung may-hawak ng titulo na nasa Pilipinas para siya ang maghanap ng buyer at ito ay ibenta. Kapag may Special power of attorney, hindi na makaka-pang-himasok at makaka-hadlang ang kapatid.

Sana'y mas detalyado ang iyong post para maintindihan ko at nang masagot din kita ng maayos. Salamat sa post mo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pasinsya na Atty. Bimbi at salamat sa reply.
Ganito po Atty. Bimbi,Si Grace ang may-ari ng lupa ay nan dito po lang sa pinas. Ngayon noong naghiwalay sila ng asawa nya umalis sya sa lupang gusto nyang ibinta, Lahat po na pinagawa nya sa bahay ay pinabayaran nya sa kapatid nyang si Toto. Pati document ng bahay iniwan nya at si Toto na yong nagbabayad ng lupa na walang tulong ni Grace.gusto ni Grace na ibinta ang lupa, eh ayaw po ni Toto. Nagalit po si Grace,wala daw karapatan ng si Toto na pigilan syang ibinta ang lupa dahil sya daw ang may ari nito, kahit ano pa yong gustong gawin nya sa lupa kaya nyang gawin walang makakapigil sa kanya. At sisirain nya lahat ng tinayo ni Toto at iiwan nya yong sa kanya at tigilan na raw ung pagkamkam ng lupa.Atty bimbi may sarili pong lupa si Toto at don na sya nakatira ngayon at doon sa lupa ni Grace ay ang kapatid naman nyang lalaki ang nakatira.Wala pong upa ang pagtira ng kapatid nya lalaki libre po un. At kung tutuosin kung hindi dahil kay Toto at nag asikaso sa NHA at nag bayad dahil binaliwala at pinabayaan. Wala na sana sa kanya young lupang pinagmamalaki nya Atty. bimbi. Kaya po ayaw ipabinta ni Toto yong lupa dahil ang pera mabilis mawala pero ang lupa kahit mawala kana sa mundo ang lupa ay lupa parin.Kung sino ang gustong tumira sa lupang yon pwedeng tumira at may matitirhan,na kahit anak nya apo kahit sya dahil mahirap mag karoon ng sariling lupa ngayon. Yon lang po iniisip ni Toto. At ibabalik naman ni Toto yong lupa kay Grace, pero titirhan ito ni Grace hindi yong ibibinta ni Grace yong lupa.Ano po ba dapat gawin ni toto pag pinagpilitan parin ni Grace na ibinta ang lupa?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
May rehistro ba ang lupa? Iyong taong registered owner ng lupa (ibig sabihin ba'y iyong taong ang pangalan ay naka-lagay sa rehistro o Torrens Transfer Certificate of Title)-- siya ang may karapatang mag-desisyon kung ibebenta ang lupa o hindi. Kung walang rehistro ang lupa, at ito ay nabili mula sa NHA, iyong awardee ng lupa ang may-ari nito.

Kalimitan kasi, ang mga awardee ng NHA, binebenta ang "rights" nila sa lupa. Kung ganito kasi, kailangang may pahintulot ng NHA ang pag-bebenta. Kasi, kailangang makita kung eligible ba yung pinag-bentahan na mag-may-ari ng lupa mula sa NHA. Ibig sabihin, puede kasing sabihin noong Toto na inilipat na sa kanya nung Grace iyong "rights" sa lupa. At kung sa ilalim ng rules ng NHA, qualified siya, puedeng mapunta sa kanya ito dahil sa siya naman ang nag-hulog at nasa kanya ang mga rehistro.

Ngayon, kung ibebenta nung registered owner, ang tumira at nagbayad ng hulog dito sa lupa na si Toto ay may karapatang maibalik sa kanya ang lahat ng kanyang ibinayad para dito. Ang mga improvements na naitayo sa lupa, maaring baklasin ni Toto, o di kaya'y bayaran ni Grace kay Toto kung ito ay makapag-tataas ng value ng lupa. Ang option ay nasa may-ari.

Ang lahat ng ito ay evidentiary -- kailangang mapatunayan sa harapan ng husgado kung talagang hindi magkasundo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Salamat po Atty. bimbi ngayon alam na ni Toto ang dapat nyang gawin.
Ann Gellie  Alejo
is in the Philippines
mam pasensya napo sa abala regarding po kasi ito sa lupa namin sa bagong silang sa tatay ko po kumuha po kasi kami ng lupa duon pero ngayon po patay napo ang tatay ko may babayaran pa bo ba kami duon o wala napo dahil wala na ang tatay ko? salamat
Lordan Ilagan
is in the Philippines
atty bimbi magandang araw po...may tanong lang po ako... may nabili po lupa ang tatay at nanay ko pero hindi sila kasal.. namatay ang tatay ko at napasanla ang lupa noon bago sya namatay dahil sa gastos sa pagkakasakit.. hindi po namin hawak ang titulo, pero balak na tubusin..... at may mga kapatid po ako na nagsasabi na may karapatan daw sila sa lupa kesa nanay ko dahil hindi sila kasal... ang tanong ko pwede ba alisan ng nanay namin ang mga anak nya ng karapatan sa lupa kung sakaling matubos nya ang lupa sa tita namin..?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
atty bimbi magandang araw po...may tanong lang po ako... may nabili po lupa ang tatay at nanay ko pero hindi sila kasal.. namatay ang tatay ko at napasanla ang lupa noon bago sya namatay dahil sa gastos sa pagkakasakit.. hindi po namin hawak ang titulo, pero balak na tubusin..... at may mga kapatid po ako na nagsasabi na may karapatan daw sila sa lupa kesa nanay ko dahil hindi sila kasal... ang tanong ko pwede ba alisan ng nanay namin ang mga anak nya ng karapatan sa lupa kung sakaling matubos nya ang lupa sa tita namin..?
Pamela Manuel
is in the Philippines
Buhay pa ang lola ko po na may ari ng lupa na kinatitirikan ng bahay namin. Pinalalayas ako ng aking tiyahin sa lupain kung saan nakatayo ang aming bahay dahil sa nakaaway ko siya. Ano po ang pwede kong gawin kasi di ko po maiwan ang aking pamilya at may karapatan pu ba siya na akoy palayasin samantalang ang aking lola ay di po ako pinapaalis ang tiyahin ko lang po ang may gusto akong palayasin. Maraming salamat.
Ann Gellie  Alejo
is in the Philippines
tanong lang po regarding sa lupa namin kumuha po kasi ang tatay ko ng lupa sa bagong silang caloocan city sa NHA pero ngaun po kasi namatay na sya may babayaran pa ba kami sa lupa o wala napo dahil wala na ang tatay ko?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi po!

Anim po na magkakapatid ang papa ko. Yung panganay po nila ay nasa Mindanao, Pangalawa po ay nasa America, Yung Pangatlo, Pang-apat (ang tatay ko), panglima at pang-anim ay nakatira sa Manila.

Yung lupang tinitirahan po namin sa manila ay sa lolo at lola ko, na nasa America.
Gusto ng grandsparents ko na ayusin na ang pamana nila sa mga anak nila habang nabubuhay pa sila.

Ang tatay ko po ay nakatira sa lupa na ito for 30years mula po nung nag asawa siya nung 1982.

Nagulat nalang po ang tatay ko at kinausap siya ng kuya niya (pangatlo) tungkol sa lupa na tinitirahan namin at sinasabi niya na pinama na sa kanya ng magulang nila ang tinitirahan namin at gusto na niyang kunin ito. Pinapaalis niya kami. Sinasabi rin niya na hinati na ang lupa sa apat (sa Panganay, Pangatlo, panglima at sa bunso)at mayroon na daw titolo. Hindi po alam ng tatay ko na nagkaroon ng ganung hatian sa lupang tinitirahan namin. at ang sabi pa po ng tito ko sa tatay ko ay "ang pamana daw sa kanya ay yung nasa laguna."

1. Hinahanap po namin ang titolo, wala namn po siyang mapakita;
2. tama po ba yung naging hatian na yun? o tama po bang hatiin lamang yung sa apat kahit na 6 silang magkakapatid? (meron din namn yung ibang kapatid ng tatay ko sa ibang lugar na binigay din ng grands ko)
3. gusto ko po sanang malaman yung karapatan ng tatay ko sa sitwasyon na ito.

Salamat po!
Anonymous Girl
is in United States
Magandang araw po Atty. Bimbi, kailangan ko po sana ng legal advice nyo.....ito po ay tungkol sa lupang naiwan ng aking ina (Atty. rights lang po ung lupa, wala pong tittle, pero mahigit 35yrs na po kami doon), more or less nasa 200sqm lang naman po sha at may nakatayong bahay at mga paupahan dito, ung 2 pinto po at isang maliit na tindahan pinaayos ko gamit ang sarili kong pera. Ung isang paupahan po ako ang tumira sa pahintulot ng aking ina nung buhay at malakas pa, ung isang paupahan po, pinaayos ko para mas pwedeng mapaupahan ng maayos na halaga para sa nanay ko, at ung maliit na tindahan po eh hiningi ko sa nanay ko para may pagkakitaan ako (dahil naubos na ipon ko sa pagpapaayos) at pumayag naman po ang aking ina. Ngayong patay na sha, sa kasamaang palad at nakakalungkot isipin eh hinahabol ng mga kapatid ko, hindi po ako pumayag, nanindigan po ako na akin ung kwarto na tinitirhan ko, ung kwarto na pinaayos ko at ung tindahan, dahil may mga kanya-kanya na rin silang pwesto/parte/bahay mula sa bahay na pinatayo ng aming ina. Ang akin po eh bakit hindi nila pinaayos noon at ngayon kung kelan maayos na at napapakinabangan na ng maganda eh saka nila hinahabol.........may point po ba ang pinaglalaban ko? 10 po kaming magkakapatid, ung kambal po eh ampon lang pero sa birth certificate po nila nanay at tatay ko ang nakalagay na magulang, ung isang ate ko po eh ang sabi ng isa kong kuya eh hindi namin tunay na kapatid, wala po akong proof na hindi nga namin sha kapatid pero ung kambal po alam ng lahat na ampon lang sila. Ngayon po ang gusto ko sana eh wag na nilang pakialaman ano man ung sinasabi kong akin, tutal ako ang nagpagawa ginastusan ko, napakinabangan ng nanay ko nung buhay pa, ung natitirang 3 pang paupahan bahala sila anong gusto nilang gawin ang sa akin wag na nilang pakialaman ung paupahan na ginastusan ko para mapaayos. Antayin ko po Atty. ang advice nyo...........maraming salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty. Bimbi goodafternoon poh, gusto ko poh sanang magtanong kung ano poh pwede gawin. Kasi may kilala poh ako itatago nlng natin sa pangalang Maria, na siya poh yung nagbayad nang lupa at bahay nila nung dalaga pa poh siya, kasama niya sa bahay noon ang mga magulang niya. Na foreclosed poh yun dati pero siya poh yung nagpatuloy sa GSIS hangat na fully paid. May 3 poh syang kapatid na may mga sariling bahay din naman. Pero lately lang nakitira yung mga kapatid niya sa bahay niya tumagal eh dala na halos buong pamilya. By the way 3 poh silang magkapatid. Ngayon namatay na mga magulang niya. Yung mga kapatid ay nag insist na hatiin sa 3 yung lupa at bahay dahil sa pagkaintindi nila eh pamana poh ito. Pinakita poh ni Maria yung mga resibo at titolo nang bahay na nakapangalan poh sa kanya at hindi poh ito pamana pero ayaw maniwala nang mga kapatid niya. Pinapagalitan pa daw poh siya nang mga kapatid niya at sinasabihan na sakim. Ang condition sa kanya nang mga kapatid niya eh hatiin nang equal yung bahay kaso yung matitira ky Maria yung garahe at yung bakantang side na wala manlang bubong at haligi. Siya na poh yung nagbayad nang lupa bahay tapos siya pa ngayon ang gagawa pa nang sariling bahay niya dahil gustong kunin nang mga kapatid niya yung parte daw nila sa lupa at bahay. Ilang beses ba poh na explain ni Maria na hindi nga poh ito pamana pero nagmamalitag poh ang mga kapatid. Gusto nila hatiin at gagawa nang 2 pang titolo na nakapangalan sa dalawang kapatid. Nag aalala poh ako ky Maria ngayon kasi ayaw niya daw nang gulo din pero ayaw niya rin naman pumayag sa gusto nang kapatid niya. Nito lang nakatanggap nang letter from GSIS yung mga kapatid niya pero ayaw parin maniwala na nakapangalan ky Maria ang bahay at lupa. May anak poh si Maria at asawa, natatakot daw poh yung mga kapatid ni Maria na baka mapunta sa asawa at anak niya ang bahay at lupa. Ano poh magandang gawin ni Maria? kasi kung ibebenta niya poh yung bahay at lupa makikihati pa talaga yung dalawang kapatid, Kung hindi niya naman ibenta yun ang gusto nang mga kapatid niya hatiin nang equal pero mapupunta ky Maria yung bakante sa gilid nang bahay at siya pa gagastos para magpatayo nang sarili niyang bahay. Naawa na poh talaga ako ayaw din nang dalawang kapatid na makausap yung lawyer nang GSIS. Insist poh talaga nila na pamana yung lupa at bahay kahit poh may papeles na nakapangalan ky Maria.
Rhev Arasigan
is in the Philippines
Hi po ask ko lng po yung lolot lola ko pinmanhanang nanay ko at mga kptid nia ng lupa bali 258sqms lng po un then apat po silang magkkapatid nagkakatanungan kung mgknu ang patitulo bwat mgkkptid po at paanu angproseso po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang araw po Atty Bimbi.
Nabalo na po ang Nanay namin at wala na siyang source of income kaya nais po niyang ibenta ang aming family house na pantustos sa kanyang maintenance na gamot at pang-araw-araw na gastusin.
3 po kaming magkakakapatid na mga nasa edad na.
Maaari po ba kami tumanggi sa kadahilanang ito ay mana namin sa namatay naming Ama?
Salamat po.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.