May karapatan po ba sa lupa namin ang step mother? - Does she have right to our land?

Ronald San Juan
is in the Philippines

Tanong ko lang po kung may karapatan po ba sa lupa namin ang step mother namin sa lupa ng father at mother ko? Kasi nagpakasal po ang step mom ko at father ko eh. Pero patay na po ang mother ko nun. At ngayon namatay na din po kasi ang father ko now. Nakita ko po ang titulo ng lupa namin..nakalagay po ung father at mother ko sa nakapangalan sa titulo namin..May karapatan pa po ba ang step mother ko sa lupa namin, dahil kasal sila ng father ko bago siya namatay? Maraming salamat po.



Topic: Does my stepmother have the right to our land, which is under the name of my father and mother? Because my stepmom and my dad got married. They got married when my mother died. Now my father is also dead. Does my stepmother have the right to the land because she was married to my dad?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, masalimuot na situwasyon ito.

Una, depende kasi kung ang lupa ay pag-mamay-ari ng mga magulang mo noong kapanahunan ng kanilang kasal. kasi, kung ganoon, ito ay properties of the marriage.

Kung ang lupa ay property of the marriage, noong namatay ang nanay mo, ang dapat na ginawa ay hinati-hati ng mga heirs ang lupa. Sa ilalim ng batas, ang kalahati ay sa tatay mo, kalahati sa nanay mo. Doon sa kalahati ng nanay mo, maghahati-hati kayong magkaka-patid pati na ang tatay mo (kasi, tagapag-mana kayong lahat ng nanay mo).

Noong nag-asawa ang tatay mo ulit (kasal sila ng legal, hindi basta nagsasama), naging tagapag-mana ng tatay mo ang iyong step-mother. So, ang ari-arian na lamang ng tatay mo, ay iyong kalahati noong lupa (dahil sa ang kalahati ay sa inyo nang magkakapatid, at may bahaging maliit doon ang tatay ninyo). Iyong kalahati plus yung share ng tatay mo doon sa kalahati ng nanay mo ang kabuoang ari-arian ng tatay mo noong mamatay siya.

Ito ang pinag-uusapan. Kung ang tatay mo at step mother ninyo ay kinasal after 1988 (noong maisa-batas ang Family Code) saklaw na ng absolute community of property ang ari-arian ng tatay ninyo. Ibig sabihin, share and share alike sila noong stepmother ninyo.

So, sa hatian, THEORETICALLY, ha? Kalahati noong kalahati (one-fourth bale), ay sa step mother ninyo at doon sa isang one-fourth, hati-hati kayong magkakapatid at step mother ninyo.

Ngayon, kung halimbawa'y bago mag 1988 ang kasal nila, ang naka-sasaklaw sa kanila ay conjugal partnership of gains. So, hindi sila share-and share alike noong step mother ninyo. So, mahalaga ang date kung kailang sila ikinasal.

Marami pang mga konsiderasyon -- halimbawa, kung hindi pa bayad ng buo ang lupa at nabayaran lamang ito in full noong panahon na ng pagsasama noong tatay ninyo at step mother, ibang usapan na iyan.

Ibang usapan din kung may last will and testament. Ibang usapan din kung may extrajudical settlement of estate na kayong nagawa.

As I said, masalimuot ang manahan. naku, madugo pang usapan iyan. Kalimitan ay nagkakasuhan to the death! Ngayon, malaki ba ang lupa? kasi, kung maliit lang, baka naman mag-away-away kayo sa isang lupang ang halaga ay sampung libo lamang -- it's not worth it. Baka mas maganda pa'y ibenta, at paghati-hatian na lamang ang pinagbentahan.

Kailangan ninyong komunsulta sa abogadong espesyalista sa manahan at sa usapang lupa. Sana'y makahanap kayo ng solusyon na hindi na dumudulog sa husgado at nang matiwasay ang inyong mga buhay.
Ronald San Juan
is in the Philippines
maraming salamat po
Ronald San Juan
is in the Philippines
kung sakali pong namatay na po ang step mother ko,meron pa po bang mamanahin ang mga anak nya sa unang asawa nya po?..hindi naman anak ng tatay ko po.tnks
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
It depends. Kung halimbawa, katulad nga noong nasabi ko na wala namang nai-contribute ang step mother ninyo doon sa lupa ng tatay ninyo, at kung ang kasal nila ay sa ilalim pa ng civil code at hindi sa Family code, wala siyang karapatan doon. Pero, kung halimbawa sila'y nakasal under the Family Code, it's absolute community of property, so what your father owned at the time that he married your step mother, your stepmother and your father owned equally, so at your father's death, you step mother will be your father's heir kasama ninyo. At your stepmother's death, she will be substituted by her heirs (mga anak niya sa una).
Ronald San Juan
is in the Philippines
pano po b iyon...nagpakasal po kasi ang tatay namin na di naman nmin alam po.pwede po pla iyon..kc diba patay na po ang nanay nmin...nalaman nalng namin na nagpakasal na sila po eh..tnks
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Oo, ganoon talaga. If you are a minor and your father married another after the death of your mother, he is under no obligation na humingi pa ng permiso o magbigay abiso sa inyo. Lalo naman kung kayo'y hindi na menor de edad. May mga sarili na kayong buhay, so, hindi na kayo dependent sa inyong father, wala kayo lalong karapatan na malaman pa kung ano ang gagawin ng tatay mo sa love life niya.
Ronald San Juan
is in the Philippines
maraming salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello atty. pwd pong magtanung . kasi po yung bf ko kasal pa sya . pero gusto po nya magfile ng case anulment sa wife nya . pra ikasal na po kmi . anu pong pwding evidence?



cath acosta
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Attorney Bimbi,
Itatanong ko po sana paano po ba nagpapa appointment po sa inyo. may ilalapit lang po kaming magkakapatid tungkol po sa property na naiwan po ng aking lolo. Dapat po bang pumunta sa office po ninyo?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.