My husband has another woman - Yung asawa ko po ay may babae. Ofw po sya at umuwi sya sa bahay ng babae

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Yung asawa ko po ay may babae. Ofw po sya at umuwi siya dito sa pinas at duon sa bahay ng babae niya umuwi. Sinundo ko po siya duon at mayroon na din po pala silang anak. Ano po ang pwede ko kayang ikaso sa kanya? At simula po ng bumalik sya sa korea hindi na po sya nagbibigay ng sustento sa anak namin..



Topic: My husband has another woman. He is an Overseas Filipino Worker (OFW) and when he came back home to the Philippines, he went to his woman's house to stay. He was fetched from the airport and they have a child. What can I sue him for? Since he went to Korea, he has not been giving any financial support to our child.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kapag ang asawang lalake ay may iba nang babae at ito ay binabahay na niya at sila ay namumuhay na na parang sila ay tunay na mag-asawa, ito ay concubinage na. Kapag ang asawang lalake ay may kakayanang suportahan ang kanyang sariling anak na lehitimo ngunit ayaw lamang niyang suportahan ito na tulad ng itinatadhana ng batas, ang magagawa mo ay dalawang bagay: ikaw ay makapag-hahabla ng civil at criminal case. Ang civil case ay para sa support. Ngunit ang mas effective ay ang criminal case para sa abuse of women and their children. Kasi, sa ilalim ng batas ngayon, kapag ang asawa ay may pang-suporta naman pero ayaw lang niyang suportahan ang kanyang anak at asawa, ito ay tinatanaw na ng batas na isang tipo ng spousal at child abuse.

So, ang payo ko sa iyo, mag-file ka ng kaso para sa concubinage at para sa abuse of women and their children. Tapos, mag-file ka na rin ng petition for support. Kailangan lamang ay may ebidensiya ka -- litrato, email, mga ganun (pakuhanan mo ng video ang asawa mo na kasama ang kanyang kalunya sa kanilang bahay). Kung may facebook page ang asawa, kuhanan mo ng screen capture lalo na kung nakasaad dito na siya ay married to tapos pangalan ng kalunya niya. Mag-download ka ng mga pictures mula sa pages ng asawa mo na kasama niya at sweet na sweet sila ng kanyang mga anak at kalunya. That is proof of his concubinage.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
atty.meron po akong picture nila na sweet cla yun po yung time na nalaman ko na may gf sya sa abroad,then yung conversation po namin nung girl sisiguraduhin nya daw na masisira nya kmi ok na po ba yun? and nung may 22 po sinundo ko sya duon sa bahay ng babae nya dahil duon po sya umuwe pag uwe nya dito sa pinas pinablotter ko po sila ok na din po ba yun na proof?? 2x na po sya umuwe ng pilipinas pero hindi po sa amin..atty.sa kasong concubinage po ba makukulong sya?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
nagkarondin po kami ng agreement sa public atty.na iiwanan nya na po yung babae nya at yung tungkol sa suporta nya sa anak namin,.pero simula po ng bumalik sya sa korea ng june25,2014 hanggang ngaun po ay hindi po sya nagpaparamdam sa amin at kahit sustento sa bata ay wala,yung nanay nya po ang tinatawagan nya sinadabi nya na wala daw syang trabaho duon at yung nanay nya nmn nagsasabi sa akin,. pero nung tignan ko po ang facebook ng kaybigan ng kabit nya nalaman ko na nandun na din pala ang babae nya sa korea. so atty.ask ko lang po kapag po ba kinasuhan ng concubinage ang isang lalaki makukulong po ba sya?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Yes, makukulong siya kung mapatunayan na siya ay guilty ng concubinage dahil sa binabahay niya ang kanyang babae at humaharap sila sa publiko na para bang sila'y legal na mag-asawa. Yan ang concubinage. Yes, makukulong din siya kapag mapatunayan na hindi siya sumusustento sa inyong anak -- ito ang layunin ng batas, na ang mga amang nagloloko at nagkakaroon ng ibang mga karelasyon ay mapilitang gampanan pa rin ang kanilang obligasyon na pakainin, damitan at paaralin ang kanilang mga supling.
Since sabi mo na may proof ka noong binabahay niya ang babae niya, dapat din ay kumuha ka ng kopya ng marriage contract ninyo mula sa NSO. Ipasilip mo na rin sa Index of Marriage kung mag ibang kasal ang asawa mo. Iyan ay bigamy.
Kung makapag-pasiya ka na na gusto mong ipakulong ang lalaking ito, magdemanda ka na. Iyon nga lang, kung makukulong siya, paano naman siya maghahanap-buhay para kayo ay suportahan? At isa pa, kahit naman idemanda mo siya, hindi naman siya titigil sa pambabae, diba? Maaring iwanan niya itong babaeng ito ngayon para ma-settle ang kaso ninyo, tapos, pagka-lumamig-lamig ka na, e, di, magbabalikan sila. O kaya, aalis lang sila sa lugar ninyo at maninirahan sa ibang lugar na malayu-layo sa iyo. So, pag-isipan mo ito ng maigi.
Leslie Cruz
is in Taiwan
yes atty gusto q nga po sya makulong,kpag po ba nakulong sya if ever po mapatunayan mapapawalang bisa na po ba ang kasal namin? at ilang years naman po ang pgkakakulong?? tsaka paano po yun nsa abroad po sya?? wala po ba pwedeng ikaso din sa babae nya? at yung sa index of marriage po ba pwede po kahit ako mismo kumuha nuon sa nso?? ayos lang po kahit hindi na nya sustentuhan ganon naman na ginagawa nya eh,basta makulong lang sya.maraming salamat po sa reply nyo po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
atty ano po ba yung demand letter?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Yes, kung mapatunayan ngang siya'y nagksala ng concubinage, makukulong siya. At ang demanda o habla ay laban sa kanilang dalawa nung kanyang babae (hindi kasi maaaring maging guilty ng concubinage kung walang concubine o kabit) So sa iisang demanda, dalawa silang akusado noong asawa mo.

Dapat ay mag demanda ka, laban sa kanilang salawa sa Prosecutor's office. I suggest na idemanda mo na rin ng violation of Violence Against Women and their children Act (dahil sa hindi siya nagbibigay ng suporta sa anak niya -- child abuse iyon kung ituring ng natas). Tapos, pag may warrant of arrest na, ipa-hold departure order mo siya para hindi siya maka-alis ng bansa. Kung naka-alis naman siya ng bansa, ewan ko lang kung puedengmipa-cancel ang passport niya para siya'y ma-puwersang bumalik sa Pinas para harapin ang mga kaso -- hindi ko pa nasususbukan iyon kung puede.

Ang pinaka mabuti'y komunsulta ka sa isang experiensadong criminal lawyer. Medyo mahal nga lang sumingil ang mga iyon. Bukod dito, ang pagkakaroon ng kasong kriminal (kahit pa ikaw ang nagdemanda at hindi ikaw ang akusado) ay kumakain ng atensiyon at panahon -- parang aalagaan mo kasi ang kaso. Sa tuwi may hearing, lkailangang andoon ka. Kakayanin mo ba ang ganoon? Tuwi may bista, para kang tinatarakan sa dibdib, para bang ang mga sugat ng puso mo'y pinadudugo lang ng pinadudugo sa tuwing makikita mo sila--it may consume you and make you bitter lalo na't kung ang asawa mo'y kukuha ng matinik na abogado at magawa niyang maka-alpas.... iisipin mo din iyon. Toxic ang may kaso. Stressful siya emotionally bukod pa sa butas ang bulsa mo. Pero, kung ang nais mo'y hustiya, at handa kang ipaglaban amg iyong kaeapatan -- good luck sa i yo.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang demand letter ay isang liham na usually isinulat ng abogado na hinihiling na magbayad ang isang tao ng utng, o di kaya'y gawin ang isang aksiyong dapat niyang gawin dahil ito'y obligasyon niya. May kalakip din itong banta na kapag hindi nagbayad o kaya'y ginanap ang tungkilin, gagawa ng hakbang na legal upang makamtan ang ninanais noong nagpa-sulat ng demand letter.

Wari ba'y nangutang ka't hindi nagbayad, padasalhan ka ng nagpa-utang demand letter at doon ay nakasaad na dapat kang magbayad, binibigyan ka ng ilang araw upang magbayad, at nakasaad din kung magkano ang dapat na bayaran. Kung basta ka kasi i-demanda noon pinagka-utangan mo sa husgado nang hindi nagbibigay ng demand letter, madi-dismiss ang kaso.

Ganoon din kung ikaw ay nagpapalayas ng nangungupahang hindi nagbabayad. Kailangan din ng demand letter. Lahat halos ng abogado, bago magsampa ng kaso'y magpapahatid muna ng demand letter. Nasa sa iyo na iyon kung i-iignore mo o sasagutin ang letter of demand.
Mike Tolentino
is a Storekeeper in United Arab Emirates
pano po atty. kong may kanya kanya na kaming buhay may asawa na din yong x wife ko at may kinakasama na din ako d2 sa abroad. tas parang nagsasama na din kami na parang tunay na mag asawa ganun din yong x wife ko may mga litrato pa na sobrang sweet nila at ganun din kami.ano po ba pwdeng e file na kaso para maging legal na kaming hiwalay?
Mike Tolentino
is a Storekeeper in United Arab Emirates
at yong mga anak ko naman po nsa poder ng magulang ko at wala sa x wife ko kc hindi dw niya masuportahan at nahihiya dw siya sa asawa niya ngayon kong dun sila titira ako lang po ang sumusuporta sa mga anak ko sa pag aaral at sa gastusin po nila.pero ginugulo niya po kami ng kinakasama ko sinisiraan niya po kami sa mga anak ko at sa mga tao.binabantaan din niya po kami na ipapadeport dw niya kami ng gf ko. atty. may asawa na po siya atty marami din ako pictures na dinownload kc incase po na mag ka problema may maipapakita po ako ebidensya. ano po ba dapat gawin namin atty.kc may asawa na siya at nalaman ko po na nabuntis siya at nakunan po dw.ano po ba e file sa annulment case? salamat atty.
Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates
Hi atty, need advice po ano po ba pwde ikaso sa x wife ko na matagal na po may kinakasama na at kasama pa niya mga anak ko sa isang bahay na parang tunay silang mag asawa at pamilya. may gf din ako ngayun gusto ko lang malaman kong ano po pwde gawin nag susustento po ako sa dalawa kong anak every month po at pero ginugulo pa rin niya ako pati gf ko at nag popost po ng ndi magandang panlalait sa amin ng gf ko. lahat po ng msg at post niya naka shot screen po para pag uwi ko po eh pwde ko un ikaso sa kanya. actually po matagal na po kaming hiwalay 13 yrs na po ngaun nag kaharap na din po kami sa abogado na wala na kaming pakialaman sa ari arian na ipinundar ko simula nong hiwalay na kami. ang obligasyon ko lang po sustentohan ang mga anak ko yun nga po ang problema kc nasa poder sila ng x wife ko pag nagpadala po ako derekta sa mga anak ko kinukuha niya ang pera para dw may pambayad ng bahay at pambiling pagkain e hindi po tama un kc allowance nila po yun. may asawa na po siya at sa pagkakaalam ko wala ata trabaho at siya lang po ang may trabaho ngayun. ano po ba pwde ikaso sa x wife ko para hindi na niya kami malalait sa social media at kong ano ano pang kasiraan sinasabi niya...
salamat po atty.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.