Yung tanong na kung puede siyang pumunta sa Japan on a tourist visa, hindi ko masasagot iyan. Una sa lahat, kailangan na ma-determine ng immigration ng Japan na hindi magti-TNT ang boyfriend mo sa Japan bago pumayag na siya'y mag-tourist.
So, halimbawa'y nakarating na nga siya doon on a tourist visa, puede kayong magpa-kasal. Dahil sa kayong dalawa ay mga Pilipino citizens, ang batas ng Pilipinas ang sumasaklaw sa inyong kasalan. Ibig sabihin nito, kahit na sa Japan ay may divorce at kayong dalawa ay ikinasal sa Japan, hindi pa rin kayo puedeng magpa-divorce doon dahil sa hindi naman kayo Japanese citizen -- k ayo'y mga Pinoy at bawal ang divorce sa Pinas.
Iyon naman ay, kung mapapa-validate ninyo iyong kasal ninyo sa Japan dito sa Pilipinas. Magagawa ninyo ito kung halimbawa ang inyong marriage certificate sa Japan ay gamitin ninyo kung kayo ay mag-apply ng bagong passport. Kung ilalagay n inyo sa inyong mga bagong passport na kayo ay married, siyempre, hihingan kayo ng DFA ng marriage certificate ninyo. Pag ito ay inyong ibinigay, ito ay ipapa-authenticate ng DFA. Kapag ito ay na-authenticate na, ito ay ipapa-register sa NSO -- so, ang kasal ninyo sa Japan ay may bisa na rin sa Pinas.
Ang disadvantage nito ay hindi kayo makapag-papa-divorce dahil sa na-validate na ang Japanese marriage ninyo sa Pilipinas at naka-rehistro na sa Pinas na kayo'y kasal na.
Pangalawa, hindi ko masasabi kung pumapayag ang Japan na ang mga hindi citizens ng Japan ay ikasal sa Japan. Baka humingi pa rin sa inyo ng CeNoMar (Certificate of No Marriage) mula sa NSO sa Pinas. Kung ganoon, baka i-require din kayo na isubmit at ipa-rehistro sa Pinas ang inyong Japanese marriage. Sa ganoon, hindi kayo makapag-papa-divorce sa Japan.
Nagugulat ka ba na nagsasabi ako ng tungkol sa divorce? Eh, please, tignan mo ang kalimitang mga post dito sa site na ito -- hindi ba't marami ang patungkol sa pagpapa-walang bisa ng kasal?
Realidad sa panahong ito na ang mga hindi kasal, atat na atat magpa-kasal at ang mga nakasal na ay nagpupumilit na maipa-walang bisa ang kanilang mga kasal! So, tuwi ako'y hinihingan ng payo, I make sure na i-mention ko ang posibilidad ng divorce para alam ng mga tao.
Kung kayo'y magpapakasal sa Philippine Embassy o sa Consular Office, lalo nang hindi kayo makapag-papa-divorce. Kasi, mga batas talaga ng Pinas ang sasaklaw sa inyong kasal.
So, bottom line -- kung gusto mo ng backdoor (escape hatch, kumbaga) kung sakaling hindi kayo magka-sundo ng iyong mapapang-asawa, you should keep the Japanese marriage to yourselves at huwag mong galawin ang inyong mga papeles para ma-reflect na kayo'y kasal na sa Japan kasi, kung sakaling kayo'y hind magka-sundo, makaka-pag-pa-divorce pa kayo sa Japan na walang sabit sa Pinas dahil sa hindi naman alam ng NSO sa Pinas na kasal nga kayo.
The rule is, kung hindi rehistrado ang kasal sa NSO, walang kasal na naganap. OK? Good luck to you. At sana'y true and lasting love ang sa inyo para wala nang divorce-divorce pa.