Ang membership ba sa SSS ay may benepisyo para sa mga OFW? Benefits of SSS for overseas Filipinos

Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines

Ang membership ba sa SSS ay may benepisyo para sa mga OFW? (What are benefits of SSS for overseas Filipino workers?)


Ang pagpapa-rehistro o pagmi-miyembro sa SSS ay mandatory o compulsory para sa lahat ng mga empleyado at manggagawa sa Pilipinas. Ngunit, para sa mga Overseas Filipino Workers na sa labas naman ng Pilipinas nagtatrabaho, ang membership at pagpaparehistro sa SSS ay voluntary. Ano ang ibig sabihin nito? At anu-ano ang mga epekto nito?


Una, lahat ng mga employees o workers sa Pilipinas ay kailangang i-register by their Filipino employers with the SSS. Pag ang isang Pilipinong employer ay hindi nag-rehistro ng kanyang mga manggagawa sa SSS, maaari siyang kasuhan ng asuntong criminal.


Pangalawa, it also means na may tungkulin ang Pilipinong employer na mag-deduct mula sa sahod o suweldo ng mga empleyado niya ng mga halagang pambayad sa kanilang SSS contribution at i-remit ito sa SSS. Kapag hindi binawasan ng Pilipino employer ang sahod ng mga manggagawa niya at hindi ito ibinayad sa SSS, maaaring makasuhan ang employer ng asuntong criminal.


Pangatlo, ang Pilipinong employer ay obligadong magbayad ng employer’s share na pantapat sa employee’s share at i-remit ito sa SSS. Maaring kasuhan ng asuntong criminal ang employer kapag hindi siya nagbayad ng kanyang employer’s share.


Ano ngayon ang ibig sabihin nito para sa mga OFW na hindi naman dito sa Pilipinas nagtatrabaho at ang kanilang mga employer ay mga foreigner naman at wala dito sa Pilipinas?


Una sa lahat, voluntary lamang para sa mga OFW ang magpa-miyembro ng SSS. Hindi mo kailangang magpa-miyembro sa SSS kung ikaw ay OFW.


Pangalawa, bilang isang voluntary member, ang ibabayad ng OFW ay yun lamang contribution na katumbas nung income or salary rate na kanyang idedeklara. Makakapili ka kung magkano lamang ang salary credit na gusto mong hulugan.


Pangatlo, ikaw lamang ang magbabayad ng iyong share sa SSS contribution. Wala nang share ang iyong employer o agency na babayaran sa SSS. Ang contribution mong ibabayad sa SSS ay ang salary credit na siyang pagbabasehan ng mga benepisyong matatanggap mo kapag mangailangan ka o mag-retiro na.


Anu-ano nga ba ang mga benepiso ng pagmi-miyembro sa SSS?


1. Magkakaroon ka ng government issued ID na prueba ng iyong citizenship at legal residence bilang Pilipino.


2. Bilang miyembro ng SSS, maaari kang mag-apply ng housing loan upang makabili ng bahay, bahay at lupa, o condominium ng hulugan.


3. Maaari kang mag-apply ng salary loan o emergency loan in case of emergencies.


4. Mayroon ding educational loan kung gusto mong mag-aral o kung kapusin ka ng pambayad ng matrikula sa kolehiyo ng iyong beneficiary.


5. Maari kang mag-apply ng maternity benefits kung manganak ka.


6. May mga disability benefit din kung ikaw ay maaksidente o magkasakit.


7. Kapag nag-retiro ka, maaring makatanggap ka ng buwanang pension.


8. Makaka-claim ang mga naiwan mong mahal sa buhay ng burial benefit.


9. Maaaring makatanggap ang iyong mga beneficiaries (legal spouse, legitimate children, parents or descendants) ng death benefits o survivor benefit.


Marahil ngayong ikaw ay bata’t malakas pa at malaki kung kumita, iniisip mong maliit lamang ang halaga ng mga benepisyong maaariing matanggap mo mula sa SSS. Kaya’t hindi mo iniisip na magpa-miyembro dito. Pero, isipin mo na ang mga contributions mo sa SSS ay mga premiums sa isang insurance policy o savings that you are laying away for a future rainy day. You might not have need of it at the moment, but it might come in handy when you need it in the future.



Topic: Registration of overseas Filipino workers (working abroad under foreign employers) for SSS is voluntary. You can choose the salary credit that you would like to contribute (Your foreign employer does not have employer's share). The benefits include having a government issued I.D., capability to apply for a housing loan, apply for salary loan or emergency loan, educational loan, maternity benefits, disability benefits, and pension upon retirement, as well as claim for burial benefit and death benefits that your loved ones can receive.


1 person likes this

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Hadawia Sarip
is in Saudi Arabia
Anu po bang kailangan gawin kapag nakapag rehistro na po sa sss? My huhulugan pa po ba? O ganun nalang mg paparehistro nlang at mg apply ng pangangailangan?
Recommend Report abuse
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.