Backing out of employment contract because too long - Pwede ba ako umatras sa contract kahit nakapirma na? Kasi may iba offer sa akin

Jun Jun Dela Cruz
is a Multicraft Technician in the Philippines

Three months na ako nag-aantay na ma-release ang visa ko, and according sa agency mag-antay na lang daw. If ever po ba pwede ako umatras kahit nakapirma na po ako ng contract? Kasi may mga iba pong offers sa akin



Topic: I have been waiting for 3 months for the release of my visa and according to the agency, I just need to wait. Can I back out, even if I have signed on the contract? Because I now have other offers

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko masasagot yang tanong mo ng payak. Una sa lahat, hindi ko nabasa ang employment contract na iyong pinirmahan. Hindi ko alam kung nakasaad doon na nangangako ang employer o agency na ikaw ay made-deploy sa isang particular date. Hindi ko rin alam kung may punitive clause iyong contract ninyo, na kung hindi ka ma-deploy sa loob ng isang buwan, puede nang buwagin ang contract. Kailangan makita ng abogado ang contratang pinirmahan mo upang masabi kung maaari ka pang umatras.

Pangalawa,isipin mong nagka-gastos na ang agency at employer para ma-secure ang visa at working permit mo. Kung ikaw ay umatras, baka pabayaran ang nagastos sa iyo.

Pangatlo, mas maigi sigurong ikaw ay gumawa na ng formal letter of demand. Sabihin mong naghihintay ka na ng three months, hindi pa lumalabas ang visa mo. Nauubos ang panahon mo, at nagkakagastos ka, wala namang pumapasok na pera. So, bibigyan mo sila ng palugit hanggang sa (ikaw na ang bahala, 10 days or 15 days) at kung hindi pa ma-release ang iyong visa at ikaw ay hindi pa maka-lipad, mapipilitan kang i-withdraw na ang iyong application sapagkat sila ay in breach na noong kanilang undertaking na ikaw ay ma-deploy nila sa loob ng (kung ilang mang linggo ang kanilang ipinangako).

Iyong nga lang, ang tanong, kapag ba ini-withdraw mo iyon, maibabalik kaagad sa iyo ang passport mo? Hindi ba't kakailanganin mo rin ang passport mo kung mag-aaply ka ng panibagong work visa?

So, pag-isipan mo ang mga bagay-bagay at huwag kang magpadalus-dalos. Kung makakapag-consulta ka sa isang abogado at maipapakita mo ang iyong contract, masasabi noong abogado kung ano ang mga options na open sa iyo.
Jun Jun Dela Cruz
is a Multicraft Technician in the Philippines
2nd week of August sabi po ng agency na may visa na po ako na-release na daw po. Kailangan na lang daw po ng accreditation of the employer from POEA. The following week pumunta po ako ulit para humingi ng copy of my visa then bigla nila sinabi na wala pa daw ako visa may kailangan pa daw po mula sa employer para ma-facilitate yung visa application ko sabi ko sa kanila na 2mos na po medical ko then no reaction. hindi po ba malinaw na panloloko na yun?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Thank you sa mga karagdagang impormasyon na iyong ibinigay. Kung ibinigay mo ito noong una pa man, nasagot na kita ng maayos.

Una sa lahat, hindi maaaring mag-apply na ng visa o ma-release ang visa kung hindi pa accredited ang employer. kasi iyong employer at yung contrata ninyo ng lawyer ang magiging basis ng visa application. So, malinaw na ito ay hindi makatotohanan.

Kailangan na siguro ninyong dumulog sa isang abogado upang sumulat ng isang demand letter laban sa agency upang ibalik sa inyo ang inyong passport at iba pang mga papeles. Kailangang maghabla na kayo sa POEA upang ang agency na iyan ay mapa-black list kasi, hindi ito tumutupad sa mga pangako nito sa mga empleyadong nire-recruit nito.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.