Family Lot Issue

Peppy C
is a None in the Philippines

Gusto ko po sanang humingi ng tulong at advice sa inyo tungkol po sa kapirasong lupa ng pamilya ng nanay ko. Bale ganito po ung storya:

Ang nanay ko po ang bunso sa 6 na magkakapatid. Ang nanay ko po ang nag-alaga sa mga lolo at lola ko hanggang sa pumanaw sila at kami din po ang kapisan gawa hiwalay po sa tatay ko ang nanay ko, sa nanay ko na po itinoka ang matandang bahay at sa kanya na din po iniwan ang titulo ng buong lupa. Ang panganay, pangalawa at pangatlong tiyuhin ko po ay may mga sariling lupa at bahay na sa ibang lugar. Yung pang-apat na tiyahin ko ay nagpatayo sa tabing bahay ng mga lola ko at ung panglimang tiyuhin ko sa likuran naman. Kami po ngayon ay dito sa bahay na matanda umuuwi. Yung pangalawa at pangatlong tiyuhin ko po ay binigay o itinoka na sa amin ng nanay ko ang parte nila dito sa lupang bakante na kung tutuusin po ay kakapiraso lang. Ngayon po ay may asawa na ako, mag 6 na taon na po kaming kasal at naisipan po naming 3 ng nanay ko at ng asawa ko na patayuan ng 2 studio type na paupahan ung parte ng bakanteng lupa na binigay sa amin na kung tutuusin po ay malaki pa ung natira o naiwan.

Ngayon po ay nagpatayo na din po yung tiyuhin kong panganay dun sa bakanteng lupa at doble pa ang laki dun sa pinatayuan namin ng paupahan, kaya po nagpatayo dun ang tiyo ko dahil sa masama ang ugali ng 3 nyang anak at pinapaalis na sya dun sa bahay nila kasi wala naman daw pong naiambag yung tiyo ko kahit 1 pako, yung mga anak nya na pangatlo, pang-apat at ung bunso ang mga naghahabol din po dun sa lupa na tinayuan namin ng paupahan at ang pinagsasabihan nila ng masasama ay yung asawa ko at ayaw kami yung diretsa nilang kausapin. Pinagsasabihan nila ang asawa ko na dapo lang daw sa pamilya namin at nangangamkam ng mga lupa, dipa daw nakuntento dito sa bahay na matanda at kinamkam pa daw ung tinoka naman samin. Kung iisipin at susumahin po ay hindi naman samin itong bahay at sa nanay ko po. At ang nanay ko naman po ang nagbabayad ng amilyar sa buong lupa. Gusto ko po sanang humingi ng opinyon nyo kung ano po ang laban at karapatan namin sa lupa at anu po ba ang dapat naming gawin para matigil na sila at malinawan din na wala naman silang dapat pang habulin kasi nakuha na ng tatay nila ung kaparte nyang lupa. At ang isa pa po dito po kasi nila inaasa ung mga anak ng pangatlong pinsan ko na babae at gusto din nilang magkaron ng parte kung tutuusin po ay wala na kasi dapat yung tatay nila yung magprovide at silang magkakapatid ay may sarisarili ng bahay at lupa.

Hindi ko nga po alam kung inggit po ba ang nabubuo sa kanila kaya nila ginagawa ito. Sana ay matulungan nyo po kami at ito po ay tatanawin naming malaking utang na loob para hindi na din po masyadong magisip ang nanay ko. Maraming salamat po sa lahat ng tutulong. God bless po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Masalimuot ito. Kung wala kayong mga papeles (documents) na extra-judicial settlement ng estate ng grandparents ninyo, mahihirapan kayo. Laway-laway lang iyan at mag-aaway kayo talaga hanggang sa magka-ubusan kayo ng laway o maubos kayong lahat.

Ang away pamilyang ganito ay nanganganak pa rin ng iba't ibang mga asunto at demandahan. Please consult a lawyer so that you can be advised as to your rights and what case or cases you can file. Hindi kita mabigyan ng advice kasi, hindi ko nakikita ang mga documents (ni hindi ko nga alam kung mayroon kayong mga documents). If you file a case in court, the court will recomment that you go through court-annexed dispute resolution -- sisikapin na kayo'y magka-ayos at mahati ng maayos ang lupa ayon sa lahat ng mga tagapag-mana.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.