Required ang new passport showing my married name paguwi Pilipinas?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Hi! Plano ko pong umuwi sa Pilipinas ng one week para magpakasal. Sa pag alis ko po ba ay required ng bago ang passport ko showing my married name? Or kailangan pa hintayin ang certificate of marriage para masimulan ang pagpapalit ng pangalan? If so, pwede bang gawin ang pagpapalit ng pangalan sa passport sa Dubai consulate? Thank you and best regards!



Translation: I plan to go back home to the Philippines for one week to marry to someone. When I return here abroad, do I need a new passport showing my married name? Or do I need to wait for the Certificate of Marriage to start the process of changing my last name? If so, can I change my last name in my passport through the Dubai consulate?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang mga Pilipina ay may karapatan sa ilalim ng Civil Code na patuloy na gamitin ang kanilang maiden name kahit na sila'y kasal na. Papapalitan mo lamang ang iyong passport kung ang gusto mong gamiting pangalan ay ang apelyido ng iyong asawa. Puede din naman na ikabit mo na lamang ang apelyido ng iyong asawa sa iyong maiden name.

Para mas klaro, ito ang halimbawa:

Maiden name: Ms. Dalagang Mayumi Pilipina

Tatlong puedeng maging Married name:

1. Ms. Dalagang Mayumi Pilipina (kasal ka na pero, ginagamit mo pa rin ang iyong maiden name).
2. Mrs. Dalagang Pilipina Kasalna (apelyido ng lalaki, ginamit mo na bilang pangalan mo)
3. Mrs. Dalagang Mayumi Pilipina-Kasalna (ang buong pangalan mo sa pagka-dalaga ay tangan mo pa rin pero, ikinabit mo lamang ang pangalan ng iyong pinakasalan. Ito ang ginamit ko. Noong ikasal kasi ako, hindi pa lumalabas ang resulta noong Bar exams. Noong lumabas ang resulta noong Bar exams at ako ay naging ganap na abogada, may asawa na ako. Para hindi ko na palitan pa ang aking mga records, ginamit ko pa rin ang buong pangalan ko sa pagka-dalaga at ikinabit na lamang ang pangalan ng asawa ko sa pamamagitan ng paggamit ng isang hyphen '-' sa pagitan ng apelyido ko sa pagkadalaga at apelyido ng aking asawa. Iyon na nga laang, napaka-haba ng pangalan ko -- hindi kasya minsan sa mga ID cards na credit card type.

Ang dapat mong papalitan ay ang iyong civil status mula sa 'single' patungo sa 'married' pero, ang iyong pangalang gagamitin ay iyon pa ring pangalan mo sa pagka-dalaga. Puede iyon.

Best wishes sa iyong kasal! At congratulations sa iyong mapapang-asawa. Nawa'y pagpalain ng Diyos ang inyong pagsasama ng matamis na pagiibigan sa habang panahon ng inyong mga buhay.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.