Bago pa po namatay ang aking ama ay inaayos na po nilang magkakapatid ang paghahati at pagbebenta sa lupang napamanahan nila sa magulang nila. Nung namatay po sya ay ako na po ang pumirma sa mga dokumentong kailangan bilang nag-iisang lalaki. Naayos naman po ito noong December 2013 at may nakukuha na po kaming pera galing sa pinagbentahan ng lupa simula non.
Tatlong buwan po syang umuwi ng probinsya kaya tatlong buwan din po kaming hinde nakakuha ng aming buwanang bayad dahil sa wala po sya. Nang bumalik po sya ay dalawang buwan lang po ang iniabot nya sa amin sa kadahilanang ginamit nya ang pera sa pagpapagawa ng ancestral house nila sa probinsya. Pumayag na lang po kami dahil sa sabi nya ay lahat daw po silang magkakapatid ay umayon ngunit ng itinanong ko po sa ibang tita ko ay hindi naman po pala nila ibinigay ng buo ang pera nila, bagkus ay nag-ambag lang sila. Pinabayaan na lng po naming un subalit ngayon ay gusto na naman po nyang kunin ang isa pang buwan para sa parehong kadahilanan. Hindi na po pumayag ang nanay ko subalit nagalit po sya at hindi daw po maaari. At dahil din po sa galit ay nagbanta po sya na hindi na daw po namin makukuha ang natitira pang buwan na dapat ay may makukuha kaming pera. Maaari nya po ba talagang gawin un? Ano po ang dapat naming gawin?
Topic: Before my father died, he and his siblings divided the land that they inherited from their parents. When my father died, I signed all documents needed, as his only son. This was all settled last December 2013 and we received money from the sold property.
He did not go back to the province for 3 months, so we also did not receive 3 months payment because he was not there. When he came back, he only gave 2 months payment because he said that he needed money to renovate their ancestral house. I agreed because he said that all his siblings agreed. But when I asked our other aunts, they did not give their full money, but just contributed. We let this be, but now he also wants to get another month for the same reason. My mother did not agree this time. And he got angry and threatened that he would not give us the remaining month's payment. Can he do that? What should we do?