Ano pwede gawin upang mapaalis sa aking bahay? My husband has been married before and they are living at my house

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Tanong ko lang po kung ano po ba ang pwede kong gawin kasi matagal na kaming hindi nagsasama ng aking asawang lalake dahil nalaman ko na kasal na pala siya sa una at may anak sila. Ngayon dahil ako ay isang ofw doon sila nakatira sa bahay ko. Ayaw niya umalis dahil may pinundar daw siya sa pag gawa ng bahay. Ngunit bago pa kame ikasal ay nasa akin na ang bahay at naka tayo na ito.

Ano po ba ang pwede kong gawin upang mapaalis ko siya sa aking bahay?




Translation: My husband and I have been living apart for a long time now because I found out that he was already married before with one child. But now, because I am an OFW, they (my husband and his first wife) are living at my house. My husband refuses to leave the house because he says that he has invested in the renovation of my house. But before we got married, the house was already mine and there was already a house there. What can I do to drive them away from my house?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang sabi mo, matagal na kayong nag-sasama ng iyong asawang lalake sa iisang bahay. Pero nalaman mong siya'y may asawang una pa sa iyo at may anak pa siya doon. Ang tanong ko lang, dahil sa ito'y hindi masyadong klaro sa isip ko -- kasal ba kayo? O kayo ba'y nagsasama lamang? Iyon bang asawa sa una noong iyong asawa, sila ba'y kasal din?

kaya ko naitanong, kasi, kung kayo'y kasal at may ibang babaeng pinakasalan ang asawa mo at ang kanyang kasal doon sa ibang babae ay nauna doon sa kasal ninyo, ang kasal mo ay void.

Kung hindi naman kasal ang lalake doon sa ibang babae, unless may pruweba kang sila'y gumagawa ng iskandalo at nagsasama bilang mag-asawa habang siya'y kasal sa iyo at habang ikaw ay nagpapaka-pagod sa pagkayod sa abroad, maaari mo siyang kasuhan ng adultery. Yung kaso ay isang kriminal na asunto. Siyempre, kapag huhulihin at ikukulong ang asawa mo, mapapa-alis mo na siya sa bahay.

Dahil sa hindi malinaw ang mga detalye ng iyong kuwento, hindi kita masagot ng masinsinan. Kung gusto mong paalisin ang iyong asawa (lalo na't hindi naman pala kayo kasal), gumawa ka ng Special Power of Attorney sa isang pinagkakatiwalaang kamag-anak. Bigyan mo siya ng kapangyarihang ipa-upa ang bahay na iyon sa iba at kapangyarihang magsampa ng kasong ejectment laban doon sa lalake (iyon ay kung kayo'y hindi kasal).

Ito pa ang detalye na hindi mo inilagay-- ang bahay ba ay rehistrado sa ilalim ng sistemang Torrens? May titulo ba ang bahay at lupang kinatatayuan nito? Ikaw ba ang registered owner nito? Nakalagay ba na ikaw ay 'married to' sa iyong asawa? kasi, kung nakalagay na ikaw ay 'married to' ibig sabihin, ang bahay at lupa ay nabili at nai-pa-rehistro noong kayo'y kasal na. May punto siya na sabihin na may ipinundar siya doon kasi'y sa ilalim ng batas, ang mag-asawa ay may conjugal partnership o absolute community ng mga property. So, kailangan mo pang i-prove na ikaw lang ang nagta-trabaho at ang lalaki ay iyong palamunin lamang upang masabing ang bahay ay talagang sa iyo lamang. Ang prueba mo dito'y ang mga titulo, tax declaration na dapat ay lahat nasa pangalan mo.

Sa madali't sabi, kailangang mag-sampa ka ng kaso laban sa lalaking iyon para maideklara ang kawalan ng bisa ng inyong kasal (absolute nullity). Kung hindi naman kayo kasal, maaari mong paalisin siya pero magsasampa ka pa rin ng kaso.

Ang pinaka-maigi ay kumuha ka ng abogado dito sa Pilipinas upang ikaw ay mabigyan ng tamang advice. Dito kasi sa internet, kulang ang mga detalye kaya't hindi kita masagot ng tuwiran.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.