Rights of Consumer - Karapatan ng isang consumer-segunda manong sasakyan

Xany Xany
is in the Philippines

Second hand car


Magandang umaga po, ako lamang po ay may katanungan tungkol sa akin kinakaharap na problema.


Noon pong July 11, 2014, ako po ay bumili ng isang segunda manong sasakyan sa isang displayan dito sa Cavite. Binayaran ko po ang sasakyan sa halagang 148,000 pesos cash.


Nung binayaran ko po ang sasakyan, hindi pa po sya rehistrado pero nagkasundo po kami ng binilhan na ibabalik ko sa araw ng Lunes July 14, 2014 para sila po ang syang magparehistro at ikabit po ang side skirt na hindi pa po nakakabit nung iniuwi ko.


Mula po sa pinagbilihan ko mga 20km po ang layo sa bahay ko. Nung nasa akin po ang sasakyan araw ng sabado at lingo hindi ko po nagamit dahil nga po hindi rehistrado ay baka maaksidente ako wala po akong kalaban-laban..


Dinala ko po ulit yung sasakyan sa pinag bilihan ko Lunes ng umaga July 14, 2014 para iparehistro po nila at ikabit ang side skirt. Pinakargahan ko po ng 10 litro at halos kalahati sa fuel guage.


Iniwan ko po ang sasakyan sa pinagbilhan at ipinarehistro po nila at naghanap daw po sila ng side skirt para maikabit po. Nag text po sila sa akin na OK na yung sasakyan at pwede ko na daw pong kuhanin, nag reply po ako na kukunin ko po after office hours dahil may trabaho po ako.


Pag katapos po ng trabaho, pinuntahan ko po yung sasakyan sa kanila at napansin ko pong halos maubos yung gas ko at yung temperatura po ay nasa kalahati nung guage. Hindi ko na po pinansin at kinuha ko na po yung sasakyan dahil meron pa po akong schedule ng pagtuturo simula 6:00pm hanggang 9:00pm sa kalapit na barangay (mga 1 kilometro ang pagilan ng pinagtuturuan ko at sa pinagbilhan ko ng sasakyan).


Pagkatapos ko po magturo, ako po ay pauwi na, nagpakarga po ako ng gasolina. Mga ilang sandali lang po napansin ko mataas yung temperatura sa halos sagad sa gauge. Agad po akong tumugil at pinatay ang makina, pinalamig ko po at binuhusan ng tubig ang radiator lamang po. Makalipas po ang ilang minuto nung nasa kalahati na po ang temperatura, sinubukan ko pong i-start dahil mga 1 km na lang po ang layo ko sa aming bahay.


Pag dating ko po inimbestigahan ko ang sanhi ng over heat tapos nakita ko po na crack yung radiator. Agad ko pong nireklamo sa pinagbilhan ko yung nagyari dahil halos 2 beses na tig-1 oras ko lang po nagamit yung sasakyan (nung iniuwi ko po pagkabili at nung dinala ko po sa kanila para iparehistro).


Ngayon po ayaw mag start yung sasakyan hanggang sa mga araw na to July 21, 2014 at hindi ko po magamit. Labis po akong nagaalala kasi mukhang may problema po yung sasakyan na nabili ko at sayang naman po yung perang ilang taon kong pinag ipunan para po makabili ng sariling sasakyan.


Ang tanong ko po, may habol po ba ako at ano po ang karapatan ko bilang isang consumer para ibalik o papalitan yung nabili kong segunda-manong sasakyan na may problema?

Maraming salamat po sa inyong kasagutan.




Topic: Last July 11, 2014, I bought a second hand car in Cavite. I bought it for P148,000 cash. The car had not yet been registered when I bought it, but the seller and I agreed that I would go back on Monday, July 14 to have it registered by the seller, and also to install the side skirt, which was not yet installed.

From the seller's place to my house is around 20 kilometers away. During that weekend that I bought it, I did not use it, since it has not yet been registered.

I brought back the car to the seller on July 14 and they told me to come back as they would have it registered and install the side skirt. Before this, I had loaded 10 liters of gasoline in the car tank. Afterwards, they texted me and told me that it had been done. I came back for the car after office hours. But I noticed that the gas tank gauge showed that it was almost empty. I also saw the temperature gauge was also in the middle. I did not mention this to them right away since I was in a hurry and had a teaching job from 6 pm to 9 pm around a kilometer away.

After my teaching job, I had gasoline loaded in the car. After driving for some time, I noticed that the temperature gauge was very high. I had to stop the car and let the radiator cool down and poured some water. When I got home I investigated why the car overheated and saw that there was a crack in the radiator. I complained this to the seller. Now, July 21, the car won't start. I'm worried that I may have lost my hard earned money on this car that has lots of problems. Do I have right to ask for refund or change the second hand car?

About the author

Xany Xany

Philippines

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat po, ang isang fundamental na kasabihan sa Sales ay 'caveat emptor'. Ang ibig sabihin nito'y 'let the buyer beware', o dapat na mag-ingat ang bumibili.

Pangalawa, isang practical na considerasyon ay, kung bibili ka ng segunda mano lalo na't ito'y bibilhin mo sa isang dealer at hindi mismo doon sa nagmamay-ari nito, kailangan mong magsama ng isang nakaka-intindi sa mga sasakyan tulad ng isang mekaniko upang siya ang makapag-sabi sa iyo kung ano ang estado ng sasakyan. Kailangan mo ring i-test-drive ang sasakyan upang makita mo kung mahusay ang tunog ng motor at nang 'bagsak' ng sasakyan sa kalsada.

Pangatlo, hindi ba't kahina-hinala na magbebenta sila ng isang segunda-manong sasakyan ngunit ito'y hindi naka-rehistro? Dapat ay pumunta ka sa LTO na pinaka-malapit upang malaman mo kung ito ay naka-baha ng maayos, o ito'y may penalty na dahil sa ito'y hindi ipina-pa-rehistro ng registered owner.

Kung ito'y naka-baha (ang plaka ay isinasauli sa LTO). Kung ito'y matagal nang hindi naipapa-rehistro bukod sa may arrears at fine kang babayaran upang ito'y maipa-rehistro muli-- dapat ay maisip mo na ang dalawang posibleng dahilan kung bakit ito'y na-lapse ang rehistro ay dahil sa ito'y sira (hindi magamit ng mahusay) or ito'y ninakaw ('hot' ang plate kung kaya't hindi ito mai-rehistro).

Sa totoo nga, dapat, ay ipina-check mo kung ang chassis, engine at body number noong sasakyan ay ka-tugma noong naka-rehistro sa OR at CR nito. Kasi kung hindi tugma ang lahat ng mga impormasyong ito -- malamang sa chop-chop ang sasakyang ito (binuo mula sa mga nakaw na mga parte).

Sa totoo po, dapat po ay mag-check kayo sa anti-carnapping task force at nang ma-siguro ninyo na hindi carnap ang sasakyan. Kasi, baka pati kayo'y madamay at ihabla bilang isang 'fence' o nagbebenta or nakikinabang sa mga nakaw na mga gamit. Ayaw siyempre po ninyo ito.

Ang isa pang basic na tenet sa sales law ay ang "innocent purchaser for value" kailangang ang isang bumibili ng kahit na ano'ng bagay ay walang impormasyong nalalaman sukat na mag-hinala siya na may problema ang sasakyan.

Kayo po ay hindi na maituturing na innocent purchaser for value. Una, alam na ninyo na ito'y segunda mano. Alam ninyong ito'y hindi rehistrado (sa kung ano pa mang kadahilanan).

Ngayon, kung kayo'y may kasulatan noong nagbenta sa inyo kung saan siya'y nangakong aayusin niya ang rehistro at iyong siding at kung ano pa man na inyong napagka-sunduan, ang kanilang hindi pag-tupad sa mga pangako ay isang "breach of contract" lamang.

Ngayon, kung kayo'y ginamitan ng mga matatamis na pananalita beyond iyong mga ordinaryong sales talk upang kayo'y ma-enganya na bumili ng sasakyan, maaari siguro itong maging dahilan ng isang habla para sa estafa.

Sa totoo lamang po, kami po nang aking asawa ay puro mga segunda mano ang mga sasakyan simula noong kami'y ikasal. At wala kaming naging problema. Dahil naman sa ang aming binibilhan ay mga kamag-anak at kaibigan na nag-aalis ng mga pinag-lumaan upang bumili ng mga bagong modelo (marami akong mga mayayamang mga kamag-anak). Ang isa pa, puro mga mahilig kumutingting sa sasakyan ang aking mga bayaw at sila ang aming source ng 'expert opinion' sa lahat ng aming bibilhin. Kami rin ay nag-che-check sa LTO ng mga rehistro. Tinitiyak din namin na may deed of sale ang nagbebenta sa amin.

Noong nawala na ang aking mga bayaw sa malapit sa amin (lumipat na kami, namatay na ang isang bayaw ko at nagretiro na ang isa pa), kami ay wala nang mapagkatiwalaan sa mga pagbili ng segunda manong mga kotse. So, nag-iisip na rin kaming bumili ng bago-- sa totoo po, iyong ibinigay ninyo na P148,000, down payment na ito para sa isang bagong sasakyan o kaya, kung maliit (bantam) na kotse ang inyong bibilhin, ito ay 1/3 na noong total cash price. Bakit pa magtitiyaga sa segunda mano? Masyadong maraming risk at sakit ng ulo sa segunda mano. Sabi ng bayaw ko, "matanda na tayo, bigyan naman natin ng ginhawa ang ating mga katawan at huwag na tayong kumuha pa ng sakit nang ulo." We realized na, tama siya.

Good luck po sa inyo -- huwag kaagad magtitiwala. Iba na ang nag-iingat. Be wise as serpents, but harmless as doves, eka nga ng Bibliya. Sige po, ingat kayong lagi. Sana'y naka-tulong sa inyo ang mga impormasyong ito.

Hindi po ako maaaring makapag-bigay ng specific na advise. Ang aking magagawa lamang po ay sabihin sa inyo ang mga prinsipyo ng batas. Obligasyon ko rin pong sabihin sa inyong komunsulta kayo sa isang abogado upang mapangalagaan ang inyong mga karapatan.

Good luck po!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi po ba sya pasok sa "no return no exchange policy" ng DTI since depektibo yung produktong binili sa isang DTI registered company?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang "no-return-no-exchange" ay hindi na puede ngayon dahil sa mayroon nang consumer rights. Iyong na nga lang, ang warranties ng mga manufacturer, dealer or retailer ay para sa mga hidden defects lamang. Ang mga hidden defects ay iyong mga defects na hindi makikita kung hindi bubuksan at uusisain ang mga loob na bahagi noong ipinagbibili.

Ngayon, kung segunda-mano ang sasakyan (hindi ito brand-new na old stock -- iba pa rin iyon--kung old stock kasi, bago pa rin siya in the sense na wala pang gumagamit noon iyon na nga lang iyon ay hindi na latest). Ang segunda-manong sasakyan -- used na iyon -- gamit na. Hindi naman masasabi na may warranty ang dealer ng second hand cars dahil sa baka binili din lamang nila iyon sa auction. Ngayon, kung 'certified' second hand car (usually mula sa mga casa o car dealership ng mga established brands), inaayos nila para tip-top condition ang mga sasakyan. Iba iyon.
Dito kasi, the price was ridiculously low -- P148,000. Tapos, hindi pa rehistrado ang sasakyan. Tapos, may kulang pa na siding. Hindi ka pa ba mag-iisip na ang sasakyang ito ay may problema? Mapapa-isip ka na noon. Kaya nga,dahil sa mga circumstances na iyon, hindi masasabing naloko iyong buyer. He is no longer an innocent purchaser for value.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.