BANGSAMORO BASIC LAW

Samin Ato
is a autoCAD operator in United Arab Emirates

Ano ang iyong opinion sa itatatag na BANGSAMORO REGION sa mindanao?



Topic: What is your opinion regarding Bangsamoro Region in Mindanao?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Actually, hindi ko nababasa yung batas. Ang problema ko lang, dati kasi, mayroon nang Autonomous Region of Muslim Mindanao. Mukhang hindi naman din effective na magbigay o maghatid ng mga services ang gobyerno doon -- kasi, tuloy pa rin ang kahirapan, ang malnutrisyon, ang kakulangan ng mga paaralan na kadahilanan din ng pag-aaklas at kaguluhan doon.

Noong 1987, estudyante pa ako, nanood ako ng deliberations ng Constitutional Commission at ang naaalala ko'y sinabi nilang ang ARMM ang magiging kasagutan upang ang problema ng insurgency ng mg MNLF ay masolusyunan. Pero, nanganak pa nga -- nagkaroon pa ng MILF. Dumami pa ang mga kidnapping. So, hindi effective ang ARMM.

Ngayon, sinubukan nilang gumawa ng Bangsa Moro Organic Law. Pag sinabi kasi na "organic" law -- ito ay, sa madaling salit, isang Constitution. So, tama si Justice V.V. Mendoza noong sabihin niyang, in effect, ang Bangsamoro Organic Law ay isang constitution para sa Muslim Mindanao.

Ang problema, dahil sa ang isinama sa mga usaping iyon ay mga MILF lang, nagalit ang MNLF (na faction ni Nur Misuari) so, iyon ang isang dahilan noon seige ng Zamboanga noong umpisa ng 2014.

Walang madaling solusyon sa problema sa Mindanao. Tumira ako doon ng mga anim na buwan lamang. Hindi siya magandang lugar kasi, maraming panganib. Bawat dadaanan mo'y baluwarte ng isang makapangyarihang tao na may mga armas. So, it's a virtual no man's land, there.

Palagay ko, kahit na may Bangsamoro Organic Law, hindi pa rin magkakasundo ang mga namumuno sa mga Muslim sa MIndanao kasi, iba't-iba pa rin sila ng interpretasyon kung ano ba ang dapat na uri ng pakikisalamuha ng mga Muslim sa mga hindi Muslim. Ang history kasi ng islam (maski noong panahon ng 600 AD), ang kanilang gawain ay guerahin ang mga hindi Muslim, palayasin sila kung ayaw nilang maging Muslim (sorry, this is historical).

May mga Muslim naman na ang gusto ay pluralistic -- OK lang na may mga ibang relihiyon, pare-pareho tayong may karapatang mabuhay ng matiwasay. So, maski sila doon sa mga Muslim mismo sa Mindanao, hindi sila magkasundo kung ano ba ang kanilang gagawin.

So, we will have to wait and see. And, the government will force the Bangsa Moro basic law. Kahit na ano'ng mangyari, palagay ko'y ipipilit ng gobyerno ito kasi, ito ay kakalakalin ng gobyerno na isang "accomplishment" ng administrasyon. kasi nga naman,kung magka-problema, tapos na ang administrasyong ito kaya hindi na sila ang mamumrublema nito.

Done deal na ito. Formality na lamang ang pag-pasa ng batas na ito. Ang hindi lang masasabi'y kung tatanggapin ito ng lahat ng Muslim sa Mindanao o kaya'y kung ito ay makapag-bibigay katahimikan doon.
Samin Ato
is a autoCAD operator in United Arab Emirates
so in other word po tapus na ang deal na ito. we are waiting only for the transition.? and establish the law. to the core territory of the bangsamoro government. i saw that most of muslim in mindanao are accept this law. even the non muslim who understand the law. the IP'S also 99.99% are supported.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Well, yes, it seems na talagang hindi na mapipigilan ang batas na ito para umiral. Kailangan din kasi naman talagang hanapan ng solusyon ang problema ng kapayapaan at kabagalan ng economic progress sa Mindanao.

Ngayong kinakanti tayo ng China at nais nilang kamkamin ang bahagi ng ating teritoryo, kailangang ang mga Pilipino sa buong bansa (kahit na anupaman ang relihiyon) ay magsimulang tignang ang kanilang mga sarili bilang Pilipino muna -- para naman mapangalagaan natin ang ating kasarinlan.

Ang isang problema lang siguro sa Bangsamoro Law ay hindi niya agarang mabibigyan ng solusyon iyon kidnapping ng Abu Sayaff kasi, renegade group naman talaga ang Abu Sayaff. Mas mahalaga ata ang kumita ng pera mula sa ransom kaysa sa idealismo ng Islam.

Ang isa pang problema ngayon sa Mindanao ay nagiging recruitment hotbed ito para sa ISIS at ISIL. So, maraming mga Muslim na mga kabataan na mga lumaki sa hirap dahil sila'y mga ulila ng giyera na nahihikayat sumali sa gulo at sigalot sa Syria. So, kung makakatulong man ang Bangsamoro Basic Law, ito ay matatagalan bago mamunga.

Suma tutal: kung solusyon man ang Bangsamoro Basic law, ito ay hindi agarang solusyon -- hindi bigla at overnight nitong matutugunan ang maraming mga problema at pangangailangan sa Mindanao. Kaso, mabuti na ito sa wala. mabuti na't may kumikilos kaysa sa walang kumikilos. So, perhaps we should give it a chance.
Samin Ato
is a autoCAD operator in United Arab Emirates
well, but when i read the BANGSAMORO DEVELOPMENT PLAN it seems like this is the way for the lasting peace in mindanao. hopefully.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sana nga, lasting peace and alleviation of poverty -- kailangan na ng Mindanao na umunlad. Kailangang ang biyaya ng matibay at matatag na ekonomiya ay maramdaman naman doon. So, sana nga things work out. Salamat sa iyong post.
Samin Ato
is a autoCAD operator in United Arab Emirates
is not only for the bangsamoro rather for the entire nation.. also because if without war more investor will interested in Mindanao. kasi nga po safe po ang Mindanao sa natural disaster. so maaring mag benefit rito ang boung bansa palagay kulang po...

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.