Kinasal kami sa judge, from day 1 hanggang ngayon, asa lang ang wife ko sa kung anong mapro-provide ko, bale ako yung nagtatrabaho, tapos siya is housewife lang. Nag suggest ako sa kanya na magtrabaho para makatulong sa family income, pero wala siyang ginagawa. Hanggang nagka-anak nalang kami. Siya ang nag-aalaga sa anak namin at ako naman ay patuloy sa pagtatrabaho. Ngayon, 13 years forward, malaki na ang anak namin. Medyo nahihirapan na ako kasi sa pang-araw-araw na gastos. Kaya nasabihan ko siyang magtrabaho na, kasi hindi na kailangang laging binabantayan ang anak, para matulungan ako sa buhay. Pero ayaw pa rin niya. Ngayon po, naka acquire ako ng mga property galing sa aking sariling pagod. Tapos siya, kahit piso, walang na contribute sa aming pamilya
2021, malabo na ang pagsasamahan namin, may iba na akong kinakasama, siya naman nakahanap ng ibang tao. Hindi pa kami annulled, wala pang marriage settlement kasi ayaw niya. Marami kasi akong properties na na acquire kaya hinahabol niya ngayon.
Pag po ba kasuhan ako for adultery/VAWC/concubinage, may habol pa rin siya sa property ko?
Sana po masagot nyo po ang tanong ko :(